Pormal nang nanumpa sa kanilang
tungkulin ang mga bagong opisyal ng Philippine Assistance Group (PAG) sa
isinagawang induction rites sa Philippine Embassy sa Tokyo kamakailan.
Pinangasiwaan ni Philippine
Ambassador to Japan Jose C. Laurel V ang panunumpa ng mga bagong halal na
opisyal ng PAG para sa taong 2017-2018.
Nanumpa bilang mga bagong opisyal
sina Eleanor Fukuda ng ODAN-J (Organization for the Development and Advancement
of Negros in Japan) bilang Chairman; Dr. George Cabrera ng CASTLE (Christian
Association Serving Traditional Laymen’s Evangelization) bilang Vice-Chairman;
Joyce Ogawa ng Sinag Japan bilang Treasurer; Robert Alcamfor ng TIMD (Tong-Il
Modo Phil-Japan), Evangeline Yamamoto ng UFGY (Unified Filipino Group of
Yokohama) at Olive Akatsu ng HAKMI (Hawak Kamay sa Mahal na Ina) bilang
Executive Committee Members; Ningning Tomiyama ng TIFC (Takayasu International
Fan Club), Corazon Kasuga ng FICAP (Filipina Circle for Advancement and
Progress) at Alden Estolas ng AAIJ (Abraenian Association in Japan) bilang mga
opisyal ng Membership Committee ng PAG.
Sa induction ceremony, binanggit ni
Laurel ang kahalagahan ng pagkakaisa sa mga organisasyon sa Filipino community.
Kinilala rin niya ang serbisyo ng mga outgoing officers ng PAG. Sinaksihan din
niya ang pagtanggap sa Philippine Federation of Panay Islands in Japan (PFPIJ)
bilang bagong miyembro ng PAG.
Ang PAG ang umbrella organization
ng mga rehistradong organisasyon sa Filipino community sa Kanto region. Ito ay
itinatag 20 taon na ang nakalilipas at nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa mga
Pilipinong mahirap na kalagayan partikular sa paglalaan ng medical assistance
at pondo para sa kanilang repatriation sa pamamagitan ng Philippine Assistance
Fund.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento