Ni
Florenda Corpuz
Nakatakdang ganapin ang
pinakamalaki at pinakamakulay na pistang Pilipino sa Japan – ang Philippine Festival
2017 sa Hibiya Park, Tokyo sa darating na Setyembre 30 at Oktubre 1.
Tinawag na “Barrio Fiesta” noong
2012 at 2013, napagdesisyunan na palitan ang pangalan nito at gawing
“Philippine Festival” upang lalo itong mapagtibay sa taunang pagdiriwang ng
kasiyahan sa Japan.
Nakatakdang ipamalas sa dalawang
araw na kapistahan ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga awitin at
sayaw. Hindi rin mawawala ang mga booths kung saan iba’t ibang uri ng
produktong Pilipino tulad ng mga handicrafts, damit at souvenir ang mabibili.
Nariyan
din ang mga paboritong pagkaing Pilipino tulad ng adobo, mga kakanin, halu-halo
at marami pang iba. Inaabangan din ang mga
patimpalak tulad ng singing contest at celebrity impersonation, at serbisyo ng
mga kumpanya para sa mga kababayan.
Inaasahan din ang pagpapamalas ng
talento ng mga lokal na mang-aawit at mananayaw mula sa Filipino community.
Dadalo rito ang ilang sikat na
bituin mula sa Pilipinas tulad nina Miss International 2016 Kylie Verzosa, Xian
Lim at KZ Tandingan.
Ang
Philippine Festival 2017 ay proyekto ng Filipino community sa Japan sa pakikipagtulungan
ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo. Layon nito na pagbuklurin ang mga Pilipino
sa Japan at palaganapin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa
tinaguriang “Land of the Rising Sun.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento