Tinatayang mahigit sa 500
miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name kasama ang
Kingdom Light Congregation of Japan ang nagsama-sama sa Amagasaki City para sumamba
at magpasalamat para sa mga biyayang dumarating sa kanilang grupo.
Pinangunahan ni Appointed Son
of God, Pastor Apollo C. Quiboloy, ang special thanksgiving at worship presentation
bilang pagdiriwang sa 10 taon simula nang maitatag ang relihiyon sa iba’t ibang
lugar sa Japan.
“The Appointed Son of God,
Pastor Apollo C. Quiboloy, and the Kingdom Nation thank the Almighty Father,
our Lord Jesus Christ, for all the marvelous blessings that have enabled us to
help the needy; for the continuous growth and unstoppable expansion that has
empowered us to reach the unreached and spread the light of salvation from its
first inception in the year 2003,” ani ng religious group.
Mayroon ng anim na Kingdom of
Sentinels of Light ang The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name sa
Tokyo, Saitama, Gunma, Ibaraki, Nagoya, at Osaka at balak nila na magtayo pa sa
iba pang mga lugar sa Japan.
Sa pamamagitan ng mga
kongregasyon na ito ay milyun-milyong katao na nangangailangan na ang kanilang natulungan
sa biyaya ng Diyos. Malaking bahagi nito ay kanilang ipinagpapasalamat kay
Pastor Quiboloy sa pangunguna sa kongregasyon at pagiging ilaw sa gitna ng
dilim.
Nagpapasalamat ang grupo na
mula sa Pilipinas ay nakarating ang “Salita ng Diyos” at ang kanilang
pananampalataya sa Japan na makakapagpatunay na wala ang lahi, relihiyon o
antas ng pamumuhay ang makakahadlang sa pagsamba sa Diyos.
“The recent King Is Coming
Tour in Amagasaki City, Osaka was nothing short of victorious for hundreds of
truth seekers, not only Filipinos but also Japanese brethren and other
nationalities have received the light of salvation through the message of
repentance and love,” dagdag pa ng grupo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento