Lunes, Setyembre 4, 2017

Yoshimoto artists sumuporta sa kampanya para sa 2025 World Expo sa Osaka

Ni Din Eugenio

            Ang Yoshimoto artists kasama si Governor
Matsui (pangalawa mula sa kaliwa) at ilang miyembro ng Diet.

Nagbigay ng suporta ang ilang Yoshimoto artists sa kampanya ng Osaka para maging host ng “2025 World Expo.”

Sa ginanap na “Diet League for Realizing the 2025 Osaka-Kansai World Expo” seminar sa Osaka Prefectural Government Sakishima Building kamakailan sa pangunguna ni Osaka Prefecture Governor Ichiro Matsui at mga miyembro ng Diet, ibinahagi ng mga Yoshimoto artists na sina Momoko at Ringo ng comedy duo na Highheel, mga miyembro ng NMB48 girl-group na sina Sayaka Yamamoto, Miru Shiroma at Akari Yoshida, at komedyante at dating pulitiko na si Kiyoshi Nishikawa ang kanilang mga inaasam at suhestiyon para sa expo.

“I’d like to see an exposition planned in a ground-breaking way, one that is easy to understand, and that truly reflects Osaka,” ani Ringo na tinukoy ang pagbuo ng communication technology para sa mga dayuhang turista.

Sinabi rin niya na ang “laughter and entertainment” ang pinakamahalagang aspeto ng expo.

“Laughter knows no walls. The whole world shares in it. Japan has a very high level of comedy, and I think that can be incorporated into the exposition. Laughter and entertainment are vital.”

Inalala rin ni Nishikawa ang kanyang manzai comedy performance kasama si Yasushi Yokoyama sa Festival Plaza noong 1970 Osaka exposition.

“Osaka is a city of laughter,” aniya at dinagdag na umaasa siya na kikilalanin ang pagsisikap ng prepektura para manalo sa kampanya.

Ipinakilala rin ng mga miyembro ng NMB48 ang publicity video para sa kampanya.

“We’ve all been talking about how we want to come to an exposition in Osaka, and we’re really looking forward to it,” ani Yoshida.

“I’ve heard from my family that there was a world’s fair in Osaka, and how everybody, not just in Osaka but all over Japan, was excited about it,” ani Shiroma. “I really hope there’ll be another world’s fair in Osaka.”

“I want to be involved with holding another exposition in Osaka, in Japan, something our generation can accomplish as well, that will bring bigger smiles to faces all over Japan,” ani Yamamoto.

Huling isinagawa sa Osaka ang world expo taong 1970 kung saan aabot sa 64 milyong katao ang dumalo at naging simbolo ng tagumpay ng Japan matapos maluklok bilang pangalawang economic power sa buong mundo.

Kalaban ng Osaka ang Grand Paris sa France, Yekaterinburg sa Russia at Baku sa Azerbaijan. Nakatakdang ianunsyo ng Bureau International des Expositions o BIE ang mananalong host city sa Nobyembre 2018.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento