Huwebes, Setyembre 7, 2017

Standford researchers kasalukuyang binubuo ang isang diagnostic lab test para sa chronic fatigue syndrome


“This is a field that has been full of skepticism and misconception, where patients have been viewed to have invented their disease. These data clearly show the contrary, and demonstrate what can be achieved when we couple good research design with new technology.”

Ito ang pahayag ni lead author Dr. Jose Montoya, infectious diseases professor sa Stanford University, sa isang panayam tungkol sa tingin ng karamihan maging mga doktor sa chronic fatigue syndrome (CFS) o myalgic encephalomyelitis (ME) at sa resulta ng bagong pag-aaral ng Stanford researchers.

Pinag-aaralan ng grupo ang sakit para tuluyang makagawa ng isang tiyak na diagnostic laboratory test sa pagtukoy kung ang isang tao ay may sakit na CFS. Ang naturang pag-aaral ay inilathala sa “Proceedings of the National Academy of Sciences” kung saan sinuri ang blood samples ng 186 chronic fatigue patients at 388 healthy participants.

Misconceptions and symptoms of chronic fatigue syndrome

Ang CFS ay ‘di katulad ng diabetes, cancer at cardiovascular disease na may malinaw na diagnostic lab test at tiyak na gamutan at medisina. Kadalasan, ang tingin sa CFS ay hindi sakit kundi sobrang pagod lang o kaya depressed ang isang tao kaya pakiramdam nito ay wala siyang enerhiya sa kahit anong gawain, at minsan ay binabalewala lang ito bilang isang “imagined disorder.”

Ani Montoya, ang CFS ay isang “serious, debilitating condition” na may maliwanag na mga sintomas. Dagdag pa ng Institute of Medicine (IOM), may tinatayang 2.5 milyon sa U.S. ang may CFS at 84 porsyento rito ay hindi diagnosed. Wala rin itong pinipiling edad ngunit mas nakikita ito sa mga nasa 40s at 50s at mas marami ang may ganitong kundisyon kaysa sa anumang klase ng cancer at multiple sclerosis.

Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga sintomas ng CFS na tumatagal ng maraming buwan maging mga taon: debilitating fatigue (profound reduction of ability to function on a day-to-day basis, not by excessive activity), post-exertional malaise (feeling worse when you push your limits), unrefreshing sleep (despite long hours of sleep), cognitive impairment (short-term memory, delayed ability to process information), lightheaded just from standing, headaches, joint/muscle pain, gastrointestinal issues, at flu-like symptoms.

Study findings, future studies

Pinagkumpara ang antas ng 51 cytokines (protein secretion from immune cells that circulates in the blood) ng dalawang grupo ng pasyente at dalawa lamang mula sa 51 ang natukoy na may abnormal na antas sa mga CFS patients – (1) tumor growth factor beta na mas mataas at (2) resistin na mas mababa.

Ngunit nang sinuri ang mga CFS patients – mild at severe – nadiskubre na may 17 cytokines na may kaugnayan sa mga malalang sintomas kung saan mas mababa sa mga mild cases at mas mataas sa mga severe cases. Dagdag ni Montoya, maaaring may kaugnayan sa genetics ang pagkakaiba ng severity ng sintomas sa mga pasyente.

Mula sa 17 na cytokines naman, natukoy ang 13 dito na may nagpapataas ng “inflammation” at isa rito ang “leptin” (satiety hormone secreted by fat tissue) na mas marami sa mga kababaihan kaysa mga kalalakihan, dahilan para mas maraming CFS patients ay mga babae. Dahil dito, napag-alaman din na may malaking papel ang chronic inflammation sa CFS.

Posibleng immune system problems at hormonal imbalance ang ilang sanhi ngunit hindi pa napapatunayan ito. At habang wala pang lab test at gamutan, karamihan ng pasyente ay dumudulog sa therapies, counseling at gentle exercise.

Sa ngayon, mayroong isang malakihang drug trial na ginagawa sa Norway na pinag-aaralan kung ang immune-modifying drug rituximab ay makatutulong na pakalmahin ang sintomas ng CFS. Natukoy naman ito na nakatutulong sa non-Hodgkin lymphoma na nadiskubreng mayroon sa mga nakatatandang CFS patients.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento