“Today,
I would like to write about something that I have carried on my mind and have decided on the 25th
anniversary of my debut. I, Namie Amuro, would like to take this opportunity to inform all of my
fans of my decision to retire as of September 16, 2018,” ang
nakakagulat na anunsyo ng J-pop superstar na si Namie Amuro sa kanyang website sa
araw ng kanyang kaarawan kamakailan.
Bago
nito naglabas pa ng kanyang 46th single – ang upbeat party tune na “Showtime”
bilang theme song ng kakasimulang TBS drama na pinamagatang “Kangoku no Ohimesama”
(Prison’s Princess) na ipinapalabas tuwing Martes (10:00pm). Ito’y tungkol sa
limang babaeng maghihiganti sa isang presidente ng kumpanya. Nagtanghal
din ang singer sa isang commemorative concert sa kanyang hometown na Okinawa.
“This is an honor. When looking at the revenge plan
that unfolds in the drama, I decided to make Showtime a feminine pop song. I am
happy that it will add excitement to the drama,” ang masayang tugon pa ng tinaguriang
fashion icon sa J-pop tungkol sa kanta, kaya’t ‘di naiwasan na nagulat ang mga
tagahanga nito sa biglaang pag-aanunsyo niya ng pagreretiro dalawang linggo
pagkatapos.
‘Finally’ celebrates 25 years of
enduring music
Ngayong
taon, naglabas din ang two-time Japan Record awardee ng compilation album, ang
Best 2008-2017 na may 26 tracks at singles na “Just You and I” at “Strike a
Pose.”
Ang
pagdating ng Setyembre 18 ang hudyat ng pagtatapos ng 25th
anniversary celebration ng singer ngunit bago siya tumigil sa pagkanta ay
sinabi nito sa kanyang sulat sa mga tagahanga, “I plan to make the last year of my music career meaningful by
focusing
my full attention on creating a final album and
performing at concerts.”
Alinsunod
dito, nakatakdang ilunsad ang 3-disc best of album na “Finally,” na huli na
niyang compilation album sa Nobyembre 8. Naglalaman ito ng kabuuang 52 tracks
kabilang ang kanyang debut solo single na “Body Feels Exit,” koleksyon ng kanta
mula sa Super Monkeys (dati niyang grupo bago mag-solo), mga re-recorded
singles para sa album, anim na bagong kanta – “Hope,” “Finally,” “Do It For
Love,” “Showtime,” at dalawang hindi pa pinapangalanang kanta.
The final bow
Ilan
lamang sa mga career highlights ng diva ang pagsali nito ng Pink Panther sa
promosyon ng 2005 “Queen of Hip-Hop” album at music video ng “WoWa,” ang
rapping parts niya sa re-recorded version ng “Waterfalls” na kanta ng R&B
group na TLC, ang kolaborasyon nito sa mga kilalang producers sa Amerika, ang
R&B at EDM-infused na mga kanta nito, ang duet sa vocaloid na si Hatsune
Miku, ang fashion style niyang tinawag na “Amuraa,”
at ang impluwensiya nina Madonna, Kylie Minogue at Janet Jackson sa kanyang music
style.
“September
16 marked the 25th year since my debut. I could not have gone 25 years without your support, for which I am
eternally grateful. Thank you very much for your
continuous support. I hope this year will be filled with wonderful memories for
me and the fans together. Then, I will
welcome the date of September 16, 2018 in the best way I can. Together, let’s
make this coming year the best one possible!” ang pagpapatuloy ng mensahe ni
Amuro sa mga tagahanga.
Sa
kanyang huling taon ng music activities, maliban sa nakatakdang concerts, nasa
plano rin ng Japanese hitmaker ang paglulunsad ng kahuli-hulihang bagong album
bilang “parting gift” sa mga maraming tagasuporta nito sa Asya sa loob ng 25
taong karera sa musika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento