Lunes, Enero 1, 2018

Le Cordon Bleu, naglunsad ng Japanese Cuisine Diploma

Ni Florenda Corpuz
 Nagpakita ng knife skills at iba pang cooking
techniques si chef Kiyoaki Deki, ang Technical
Director ng Japanese Cuisine, sa mga miyembro ng media. 

Opisyal na inilunsad ng Le Cordon Bleu Japan ang pinakabago nitong kurso na Japanese Cuisine Diploma sa isang press event na dinaluhan ng mga miyembro ng domestic at foreign press sa Tokyo kamakailan.

Sinimulan ng Le Cordon Blue Japan ang kanilang Japanese Cuisine Diploma noong Oktubre 2017. Ito ay anim na buwang kurso na nahahati sa apat na antas: ang initiation na matatapos sa loob ng 129 oras kung saan ipapakilala ang fundamental cooking techniques sa Japanese cuisine; ang basic na may 135 oras kung saan patuloy na ide-develop ng mga mag-aaral ang mga technical skills at paggamit ng mga sangkap sa Japanese cuisine at pag-apply nito sa mas kumplikadong recipe; ang intermediate na may 135 oras kung saan patuloy na matututuhan ng mga mag-aaral ang mga advanced techniques at tradisyunal na Japanese dishes sa mas mataas na antas at i-apply ito sa regional Japanese cuisine; at ang superior na may 132 oras kung saan matututuhan ng mga mag-aaral ang dynamism ng Japanese cuisine at ang ebolusyon nito mula sa makasaysayan patungo sa modernong cuisine.

Magsasagawa rin ng mga practical classes, cultural experience activities at industry visits.

Igagawad ng Le Cordon Bleu Japan ang Japanese Cuisine Diploma kapag nakumpleto na ng mag-aaral ang apat na antas ng kurso. Ito ay itinuturing na prestihiyosong kwalipikasyon para sa maraming oportunidad sa buong mundo.

Ang Le Cordon Bleu Japan ay kinikilala bilang unang international culinary institute sa Japan na accredited ng TOW Co. Ltd., ang application body na nag-i-isyu ng “Certification of Cooking Skills for Japanese Cuisine in Foreign Countries,” official guidelines na binuo ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries.

May siyam na mag-aaral sa autumn session ng Japanese Cuisine Diploma course: Tatlo mula sa China, tatlo mula sa Taiwan, dalawa mula sa Korea at isa mula sa Brazil, Canada, Hong Kong, Norway, Japan at Pilipinas.

Ang Le Cordon Bleu ay itinatag noong 1895 at may mahigit sa 35 paaralan sa 20 bansa.




           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento