Ni MJ Gonzales
Sa paglalakbay sa buhay
ay may mga tao tayong nakilala na naging susi sa ating tagumpay. Sila iyong mga
taong nagbigay ng payo sa panahon na kailangan natin o matyaga sa pagsasanay sa
atin. Hindi ba nakakagaan ng loob ang kanilang ginawa?
Paano kaya kung ikaw
naman ang maging tagapayo sa iba? Pwede mo gawin iyon lalo na kung nasa puntong
maalam ka na sa iyong larangan at naghahanap ka ng ibang hamon sa iyong karera.
Dito papasok ang ideya ng “mentorship” sa
inyo o ibang samahan.
Ang mainam din kasi sa pagiging
mentor o tagapayo ay benipisyong hatid nito, hindi lamang sa iyong karera, kundi
maging sariling pag-unlad. Narito ang ilan sa magandang dulot ng
“mentoring”:
Matuto
ng bago at kumbinasyon ng mga istrahehiya. Ang pagme-mentor ay hindi lamang tungkol sa
pagbabahagi ng iyong kaalaman. Ito rin
ay palitan ng ideya sa pagitan mo at ng iyong mga tinuturuan. Mula sa kanila ay maaanalisa mo kung ano pa
ang hindi mo nasusubok, ano pa ang hindi
mo alam, at kung ano na pala ang uso.
Kung tutuusin din ay sa
anumang larangan ang pagkakatuto ay walang katapusan. Bagkus, ang pagiging bukas
sa mga ideya ay daan para ikaw ay maging maparaan at marunong makibagay o
“adaptable.”
Maging
asset. Supplier, empleyado, manager, o presidente man ay
dapat isipin na “no one is indispensable.” Masakit man tanggapin, pero kapag wala
ka ng kontribusyon sa kumpanya ay maaari kang matanggal dito. Iba ang usapan kung hindi ka lang
nagtatrabaho kundi nakakatulong pa sa pag-asenso pa ng iyong kumpanya.
Dagdag din dito ang
pagkakaroon ng masayang pakiramdam na
nagiging tulay ka sa pag-unlad ng ibang tao gaya ng iyong mga katrabaho. Bagay na maaari ninyong pahalagahan at
pagyamanin habang buhay.
Mapalawak
pa ang iyong social skills at koneksyon. Mainam na may solido kang propesyonal na kagrupo
pero hindi masama na dumami pa ang iyong makikilalang tao. Mapapalawig nito
hindi lamang ang iyong koneksyon o network kundi mapapainam din nito ang iyong
pakikisama at kakayahan sa pakikipagsosyalan.
Tuturuan ka nito
pagdating sa lengguwahe, kultura, pagtanggap ng pagkakaiba, pagpapakumbaba, at
pang-unawa din sa iyong sarili. Pwede
rin kasing pagkakilala mo sa iyong sarili ay limitado sa kung ano lang ang alam
o palaging ginagawa at kung sino ang parati mong nakakasalamuha.
Magkaroon
ng kasiyahan sa buhay. Ang
salitang happiness ay hindi madaling makamit o matukoy kung tutuusin. Kung tungkol lamang ito sa pagkakaroon ng
kayamanan ay bakit maraming hindi masayang mayaman?
Mayroon pa ngang mga
kwento na nade-depress at suicidal kahit nariyan na ang yaman, katanyagan at
kagandahan. Kaya ang kaligayahan ay
maaaring hindi lamang sa nabibili kundi
sa tunay na kinasisiyahan, kinaluluguran, at pinakaiibig ng iyong puso.
Paano mo malalaman ito?
Base sa isang pag-aaral
ng psychology professor sa University of California-Riverside na si Sonja
Lyubomirsky at ng postdoctural researcher Kristin Layous na kasama sa pag-aaral na “Positive Emotion (Oxford
University Press, 2014),” nabanggit na
ang kasiyahan umano ay depende sa ginagawa ng isang tao at ang kanilang
pansin ay nakatuon din sa ibang tao.
“People who took steps to
make a friend, family member, or roommate happy reported increases in happiness
compared to those who simply kept track of their daily activities, thus
supporting our contention that focusing on the well-being of others is good for
mental health,” saad ng mga may-akda ng pag-aaral. “Thus, focusing on a close
relationship helps people obtain greater fulfillment out of their daily lives
and feel more grateful for what they have.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento