“The
Partner Robot team members are committed to using the technology in T-HR3 to
develop friendly and helpful robots that coexist with humans and assist them in
their daily lives. Looking ahead, the core technologies developed for this
platform will help inform and advance future development of robots to provide
ever-better mobility for all,” ang pahayag ni Akifumi
Tamaoki, General Manager ng Toyota - Partner Robot Division sa isang
opisyal na pahayag.
Ipinakilala
ang T-HR3 kamakailan sa pagdaraos ng Tokyo Big Sight - International Robot
Exhibition 2017.
Advanced technologies for people’s unique mobility needs
Taong
1980s pa gumagawa ang Toyota ng industrial robots ngunit ito ay para sa
pagpapabilis ng proseso nito sa manufacturing. Gamit ang automotive
technologies expertise ng Toyota at mula sa karanasang ito, nakabuo ang Partner
Robot ng mga bagong mobility solutions.
Ginawa
at idinisenyo ng Partner Robot Division ang third generation humanoid robot na
mas makabago kaysa sa mga naunang instrument-playing humanoid robots. May taas
itong 1.54 metro at bigat na 75 kilograms.
Sa
pagkakataong ito, ginamitan ng mga makabagong teknolohiya ang T-HR3 para
maisakatuparan ang ligtas at epektibong pisikal na interaksyon sa pagitan ng
robots at ng kanilang kapaligiran. Nagtataglay din ito ng bagong remote
maneuvering system na kayang gayahin ang eksaktong galaw ng sinumang gumagamit
nito.
Patunay
ito ng malawak na dedikasyon ng Toyota sa pagpapalawig ng paggamit ng advanced
technologies para makatulong sa mga tao – mga caregivers,
people-with-disabilities, doktor, pasyente, at mga nakatatanda sa iba’t ibang
sitwasyon at kapaligiran – medical facilities, hospitals, home care, construction
sites, disaster-stricken areas, at maging outer space.
Smooth, synchronized user experience
Sa
pamamagitan ng Master Maneuvering System at gamit ang wearable controls,
nakokontrol ang galaw ng robot sa kanyang kamay, braso at paa. Nariyan din ang
head-mounted display (HTC Vive VR headset) para makita ng user ang kanyang
paligid mula sa perspektibo ng humanoid robot. At para masiguradong hindi magkokontra
ang galaw ng robot at user ay ginamitan ito ng Self-interference Prevention
Technology.
Maliban
sa Master Maneuvering System, konektado ang bawat joint ng T-HR3 ng motors,
reduction gears at Torque Servo Modules o torque sensors.
Mula sa
kolaborasyon ng Tamagawa Seiki Co., Ltd. at Nidec Copal Electronics Corp., ginawa
ang Torque Servo Modules para sa komunikasyon sa pagitan ng user movements at
sa 29 na body parts ng T-HR3 at 16 na master control systems ng Master
Maneuvering System para masiguradong magkasabay at maayos ang paggalaw ng
parehong user at robot.
Kinokontrol
ng Torque Servo Modules ang mga pangunahing kapasidad ng T-HR3 – Flexible Joint
Control, Whole-body Coordination and Balance Control, at Real Remote
Maneuvering.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento