Ni
Florenda Corpuz
Nakatakdang buksan ng Hotel Okura
Co., Ltd. ng Japan ang kauna-unahan nitong luxury hotel sa Maynila ngayong
2018.
Ayon sa kumpanya, pumasok ito sa
isang kasunduan kasama ang Travellers International Hotel Group Inc. (TIHGI)
para pamahalaan ang Hotel Okura Manila.
Matatagpuan malapit sa Ninoy Aquino
International Airport (NAIA), ang 191-room Hotel Okura Manila ay itatayo sa
loob ng compound ng integrated resort na Resorts World Manila na pag-aari ng
TIHGI. Bilang gateway sa Makati City, ang financial district ng bansa, ang hotel
ay mag-aalok ng madaling access patungo sa mga business and leisure center ng
Maynila.
Ang Hotel Okura Manila ay magiging
isang state-of-the-art resort destination na makikilala ang Okura-style
hospitality. Mag-aalok ito ng maraming dining options kabilang ang tradisyonal
na Japanese at Spanish restaurants, all-day dining, at bar. Ipinagmamalaki rin
ng kumpanya ang itatayong maluluwang na mga kwarto rito pati na rin pool at fitness
facility.
“As Hotel Okura’s first hotel to
open in the Philippines, we will leverage the group’s expertise in traditional
Japanese hospitality to make Hotel Okura Manila a much-beloved hotel among both
local and foreign visitors,” ani Toshihiro Ogita, ang presidente ng Hotel Okura
Co., Ltd.
“For the past five years, the
Philippines has experienced high economic growth surpassing 6% per annum, and
its tourism market is expected to achieve mid- to long-term growth,” dagdag pa
niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento