Ni Florenda Corpuz
Isa ang mga Overseas Filipinos
(OFs) sa Japan sa mga pangunahing pinanggagalingan ng cash remittances na
ipinadala sa Pilipinas sa unang 10 buwan ng 2017, ito ang pahayag ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan.
Umabot sa US$ 23.1 bilyon ang total cash
remittances na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko ng mga OFs simula Enero
hanggang Oktubre 2017, mas mataas ng 4.2 porsyento kumpara sa US$22.1 bilyon noong
2016.
Nagtala naman ng 8.4 porsyentong
pagtaas sa US$2.3 bilyon noon lamang buwan ng Oktubre kumpara sa parehong buwan
noong 2016.
Ayon sa BSP, kabilang ang Japan sa
mga bansang bumuo ng 80.2 porsyento ng total cash remittances. Kasama rin sa
listahan ng top cash remitters ang mga OFs sa mga bansang U.S., UAE, Saudi
Arabia, Singapore, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at Hong Kong.
Samantala, tumaas din ng 5.2
porsyento ang personal remittances mula sa mga OFs na umabot sa US$25.7 bilyon.
Nakapagtala ng US$2.6 bilyon noong Oktubre, mas mataas ng 9.7 porsyento kumpara
sa US$2.3 bilyon sa parehong buwan noong 2016, ayon kay BSP Governor Nestor A.
Espenilla, Jr.
Tumaas din ng 4.2 porsyento sa US$19.8
bilyon ang personal remittances mula sa mga land-based OFs na may kontratang
isang taon at higit pa sa US$19.8 bilyon habang ang mga sea-based at land-based
OFs naman na may kontrata na hindi aabot sa isang taon ay tumaas ng 4.1
porsyento sa US$5.3 bilyon mula Enero hanggang Oktubre 2017.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento