Ni
Florenda Corpuz
Sina Vice President Leni Robredo at Japanese Ambassador Koji Haneda sa ginanap na courtesy call sa tanggapan ng una kamakailan. ( |
Bumisita sa tanggapan ni Vice
President Leni Robredo ang bagong ambassador ng Japan sa Pilipinas na si Koji
Haneda para sa isang courtesy call nitong unang linggo ng Enero.
Pormal na inaprubahan at inanunsyo
ng Gabinete ni Prime Minister Shinzo Abe ang pagkakatalaga kay Haneda noong
Setyembre 5 nang nakaraang taon. Pinalitan niya si dating ambassador Kazuhide
Ishikawa na nagtapos ang termino matapos ang tatlong taon.
“Today, I am honored to meet His
Excellency Koji Haneda, the new Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of
Japan to the Philippines. I look forward to working together in the future in
advocacies that promote the welfare of our kababayans in Japan,” pahayag ni
Robredo.
Si Haneda ay dating embahador ng
Japan sa Islamic Republic of Iran mula 2012 hanggang 2015. Nagsilbi siya bilang
chief negotiator ng Japan para sa Free Trade and Economic Partnership
Agreements mula 2015 hanggang 2016. Sinimulan niya ang kanyang foreign service
career noong 1979 at kinumpleto ang kanyang unang foreign assignment sa
Embahada ng Japan sa Pilipinas noong 1982 hanggang 1984.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento