Dumalaw sa Malacañang si Japanese
Internal Affairs and Communications
Minister Seiko Noda kay Pangulong Rodrigo
Duterte bilang courtesy call.
(Kuha
ni Toto Lozano/Presidential Photo)
|
Nagpahayag ng pagkadismaya si Japanese
Internal Affairs and Communications Minister Seiko Noda sa itinayong comfort
woman statue sa Roxas Boulevard sa Maynila sa kanilang paghaharap ni Pangulong
Rodrigo Duterte kamakailan.
Nag-courtesy call si Noda kay
Duterte sa Malacañang noong Enero 9.
Ayon sa ulat ng Kyodo, sinabi ni
Noda sa Pangulo na, “It’s regrettable for this kind of statue to suddenly
appear.”
Hindi naman nagbigay ng komento
rito ang Pangulo base sa ulat.
Matatandaang pinangunahan ng National
Historical Commission of the Philippines ang unveiling ng dalawang metrong
bronze statue ng isang nakapiring na babae noong Disyembre 8. Itinayo ito
bilang alaala ng mga kababaihang Pilipino na sapilitang pinagtrabaho sa mga
military brothels noong panahon ng Hapon.
Samantala, nagbabala naman si
Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nakataya ang “long-term” na
relasyon ng Japan at Pilipinas dito.
“You can’t strengthen your
relationship long term if you keep bringing up things that you think are
settled,” aniya.
Sinabi ng kalihim na kabilang ang
isyu ng comfort women sa 1956 Reparations Agreement sa pagitan ng Japan at
Pilipinas kung saan magbabayad ang una ng $550 milyon sa huli.
Public apology at just compensation
naman ang sigaw ng mga comfort women.
Tinatayang humigit-kumulang sa
1,000 kababaihang Pilipino ang nagsilbi bilang comfort women noong panahon ng
Hapon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento