“The Tianjin Binhai
Library interior is almost cave-like, a continuous bookshelf. We opened
the building by creating a beautiful public space inside; a new urban living
room is its centre. The bookshelves are great spaces to sit and at the same
time allow for access to the upper floors. The angles and curves are meant to
stimulate different uses of the space, such as reading, walking, meeting and
discussing. Together they form the ‘eye’ of the building: to see and be seen.”
Ito ang
pahayag ni MVRDV co-founder Winy Maas sa isang opisyal na pahayag tungkol sa
pinakabago nitong proyekto, ang Tianjin Binhai Library. Aniya, ang naturang
aklatan ay kinomisyon ng Tianjin Binhai Municipality.
Itinayo
ito ayon sa Chinese Green Star energy efficiency label at mayroong two-star
status. Bahagi rin ng proyekto ang Tianjin Urban Planning and Design Institute
(TUPDI), Sanjiang Steel Structure Design, TADI Interior Architects, at Huayi
Jianyuan Lighting Design.
The
Eye of Binhai
Binuksan
sa publiko ang aklatan nitong buwan ng Oktubre at matatagpuan ito sa cultural
center at may kalapit na parke sa Binhai
District na nasa baybaying lungsod ng Tianjin.
Bahagi
ang gusali ng apat pang cultural buildings sa distrito - Binhai Modern Art Museum, Binhai Modern City and Industrial
Discovery Museum, at Binhai Performing Arts Center na idinisenyo ng
international team ng Bernard Tschumi Architects, Bing Thom Architects, at HH
Design. Lahat ng gusali ay konektado ng isang public corridor na may glass
canopy.
Binansagang
“The Eye of Binhai,” mayroon itong espasyo sa tinatayang 1.2 milyong aklat. May
laki itong 33,700 square meters at sa labas pa lang ay nakakapukaw na ang
disenyo nito sa kanyang futuristic frost white color, eye-shaped atrium space,
luminous spherical auditorium, at wave-like floor-to-ceiling bookshelves.
Sa lima
nitong palapag, makikita rito ang malawak na educational facilities. Sa una at
ikalawang palapag ay matatagpuan ang reading rooms, auditorium, lounge areas,
terraced access (to upper floors), mga aklat, at koneksyon sa cultural complex.
Nasa gitnang bahagi naman nito ang meeting rooms, offices, computer/audio
rooms, at dalawang rooftop patio.
Fastest
project to date
Dahil sa mahigpit na construction
schedule ng lokal na munisipalidad, inabot lamang ng tatlong taon ang
konstruksyon ng aklatan, ngunit kapalit nito ay kinailangang tanggalin ang
isang mahalagang bahagi ng disenyo nito – ang daan patungo sa upper bookshelves mula sa mga kwarto na nakalagay sa likod
ng atrium. Sa halip ay nilagyan ang
bahaging ito ng perforated aluminium plates na dinikitan ng mga larawan ng book
spines sa halip na mga totoong libro para magmukha pa rin itong bookshelves.
Ito na
ang ikalawang proyekto ng Dutch architectural firm sa lugar pagkatapos ng TEDA
Urban Fabric, isang mixed high – low rise housing/retail building noong 2009.
Hindi
naman ito ang unang proyekto ng Ducth firm na pumatok sa social media, nauna na
rito ang Suffolk Balancing Barn at Rotterdam Market Hall.
Tinatayang 10,000 katao
ang pumunta rito kada araw sa unang linggo ng pagbubukas nito at mga 18,000
naman kapag weekends.
May 115 kilometro ang
layo ng Tianjin sa labas ng Beijing at mararating sa pamamagitan ng high-speed
trains sa loob lamang ng 35 minuto. Bukas ang Tianjin Binhai Library tuwing
Martes hanggang Lingo mula 10:00 am hanggang 9:00 pm.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento