Ni MJ Gonzales
Masaya ang Pasko dahil
ito ay panahon ng bigayan ng regalo at pati ng bonus sa mga empleyado. Subalit, isa rin ito sa mga panahon na
maraming nagnanakaw, nanlalamang o nanloloko sa kanilang kapwa. Alam mo bang
maaari rin na ikaw mismo ang pumapayag na maloko ka? Iyan ay kung hindi ka
magiging maingat, mapagmatyag, at maalam sa mga modus operandi ng mga kawatan.
Suriin
ang tao o kumpanya bago ka maglabas ng pera. Ito ang pinakaunang dapat gawin sa investing
o anumang usapan na naeengganyo ang isang tao. Mayroong iba na hindi na
ginagawa ang hakbang na ito kung interesado na sa sinasabi ng ka-transaksyon
nila.
Huwag mo silang gayahin. Hindi
masama ang saliksikin ang pagkakakilanlan ng isang tao o kumpanya para sa iyong proteksyon. Mabuti na
ang umalpas ang isang oportunidad na hindi mo naman talaga alam kaysa maloko ka
nang matindi.
Sa ngayon nga ay madali
na ang makakalap ng impormasyon na dapat mong malaman. Kung sa recruiter ay may
tala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng kanilang mga lisensyadong ahensya, ganoon
din sa mga negosyong rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) at Securities and Exchange Commission (SEC). Gawin mo rin ang pagsusuri sa agent ng real
estate property, insurance, at iba pang investments bago mo pasukin.
Alamin
ang trend ng scamming scheme ngayon. Kung inaakala mo na
fashion at teknolohiya lamang ang pabago-bago ng uso ay nagkakamali ka. Pati
ang mga scammer ay patuloy din na gumagawa ng paraan para makapanloko ng kapwa,
ito man ay online o offline.
Katunayan ang social
media sites gaya ng Facebook ay hindi na
lamang paraan para sa komunikasyon, ito na rin ay kasangkapan para makapanloko.
Tandaan din na sa dali na makagawa ng social media accounts ay maaaring
nagtatago ng totoong persona ang iyong kausap.
Humingi
ng patunay gaya ng resibo, kontrata, at iba pang dokumento.
Bukod sa para malaman kung nagbabayad ng
buwis ang iyong ka-transakyon, kung humihingi ka ng resibo ay malalaman mo rin
dito kung siya ay sa rehistrado sa kanyang ginagawa. Ang lehitimong negosyo o ahente ay
makakapag-isyu ng rehistradong resibo na may TIN o Tax Identification Number
nila. Kaya kung walang maibibigay sa iyo
na resibo ay doon pa lang ay magdalawang-isip ka na.
Sa ibang transaksyon na
wala kang makuhang resibo, gumawa dapat nng kasulatan na pirmado at
naka-notaryo. Para kung anuman ang mangyari ay may pagkakataon kang maghabol. Dagdag
punto rin pagdating sa kontrata ay huwag kaligtaan o tamarin na basahin ito. Baka
hindi mo alam ay ginagawa mong legal na pala ang panloloko sa iyo.
4. Huwag mong papasukin ang investment o transakyon ng wala kang
kaalam-alam. Ang isang paraan para
makaengganyo ang isang scammer ay kunin ang loob ng kanyang lolokohin. Maaaring magkukuwento ito para maawa at magkaroon
ka ng simpatya sa kanya, o kaya ay bubuhayin niya ang iyong pangarap na yumaman.
Huwag kang padala sa
ganitong paraan dahil sa money management, investing, at negosyo ay hindi
lamang dapat emosyon ang pinapairal.
Kinakailangan dito ay malinaw na layunin, lohika kung bakit at paano ang
dapat mong gawin, at pag-aanalisa. Huwag
mong hayaan na ibang tao ang magdikta sa iyo ng gagawin mo, ang mainam ay
pag-aralan mo ang sarili mong diskarte.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento