Ni
Florenda Corpuz
Nagpalitan na ng Note Verbales ang
Japan at Pilipinas kaugnay ng kinakailangang rehabilitasyon at maintenance ng
MRT-3, ito ang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) kamakailan.
Kasama sa kasunduan sa Japan ang
pagkuha ng Official Development Assistance (ODA) financing sa ilalim ng Special
Terms for Economic Partnership (STEP) ng Japan International Cooperation Agency
(JICA).
Ayon sa DOTr, kabilang sa nakasaad
sa ilalim ng ODA ang 0.1% interest per annum, 40 years payment period, at 12
years grace period para sa principal.
Magsasagawa ang JICA ng feasibility
study na sasala sa scope of works ng proyekto simula ngayong buwan hanggang
Pebrero na susundan nang pag-apruba ng gobyerno.
Susundan ito ng paglalagda ng loan
agreement at procurement ng rehabilitasyon at maintenance provider sa darating
na Marso hanggang Abril. Inaasahan naman ang mobilisasyon ng Japanese provider
sa ikalawang bahagi ng taon.
“These developments show that we
are wasting no time and effort in rehabilitating and restoring the reliability
and capacity of MRT-3. This year, we will make significant improvements to
MRT-3, and that is our commitment to the Filipino commuters,” ani DOTr OIC
Undersecretary for Railways TJ Batan.
Una nang ipinahayag ng DOTr na
kukunin nitong muli ang serbisyo ng Sumitomo Corporation at technical partner nito
na Mitsubishi Heavy Industries bilang maintenance at rehabilitation service provider
ng MRT-3 na nagdisenyo, bumuo at nag-maintain ng MRT-3 sa unang 12 taon ng
operasyon nito. Ito ay kabilang sa
four-point strategy na ipinapatupad ng ahensya dahil sa walang-tigil na
pagpalya ng MRT-3.
Una nang itinigil ng DOTr ang maintenance
service contract ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) noong Nobyembre 6 nang
nakaraang taon dahil sa “non-performance of its obligations under the
contract.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento