Generation band |
Nagsama-sama
para bumuo ng rock band na pinangalanang “Generation” sina Mike Chan, Joe Chan,
Kowboy Santos at Ige Gallardo, mga anak ng OPM icons na sina Jose Mari Chan, Sampaguita,
at Celeste Legaspi.
Nito
lamang ay inilabas na ng Generation ang kanilang self-titled album na isang
all-original album na naglalaman ng 12 kanta sa ilalim ng Star Records. “Love
is Killing Me” ang carrier single ng naturang album at ang ilan pa sa mga
nakapaloob na kanta ay ang “Make It Right,” “Idol,”
“Shine Your Light On Me,” “Keena,” “Star,” “Walking A Fine Line,” “Can't Be
Wrong,” “Purple,” “He's Gone,” “She,” at “Just Let Go.”
Nabuo ang banda noong 2008 at nagsimula sila agad na tumugtog sa
iba’t ibang gig na halos puro cover songs ang kanilang kinakanta mula sa The
Beatles, Doobie Brothers at Cars. Kalaunan ay hindi na rin sila nagpaawat sa
pagsusulat at paglikha ng orihinal na kanta at nitong 2010 nga ay sinimulan na
nila ang pagre-record ng ilan sa mga ito.
Hindi ikinakaila ng apat na malaki ang naging impluwensiya ng
kani-kanilang mga magulang kung bakit napamahal sila sa musika ngunit nais din
nila umano na bumuo ng sariling pangalan at hindi lamang makilala dahil anak
sila ng mga respetado at magagaling na
mang-aawit sa bansa.
“New classic rock” kung ilarawan ng Generation ang kanilang musika
kung saan bassist si Joe, keyboardist si Mike, lead guitarist si Kowboy, at
rhythm guitar player naman si Ige. Ang maganda sa apat ay pare-pareho silang magaling
kumanta kaya’t sa album na ito at maging sa mga gigs ay nagsasalitan sila sa
pag-awit.
Maaaring i-download ang album ng Generation sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph, at www.starmusic.ph.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento