Ni
Florenda Corpuz
Nagbigay ng inspirasyon si Athens 2004 Olympic hammer-throw champion Koji Murofushi sa mga bata upang tangkilikin ng mga ito ang Tokyo 2020. (Kuha ni Shugo Takemi / Tokyo 2020) |
Inanyayahan ng Tokyo 2020 Olympic
Committee ang mga kabataang Hapon na mag-ambag ng kanilang opinyon at
suhestiyon para sa ginagawang paghahanda sa Tokyo Olympic at Paralympic Games
sa taong 2020.
Iprinisinta ng kumite ang
kanilang bagong proyekto na tinawag na “Creating Tomorrow Together” kamakailan
na may layong kolektahin ang mga ideya ng mga kabataan upang mas lalo pang
painamin ang kasalukuyan plano na nabuo noong Olympic campaign sa ilalim ng
tagline na “Discover Tomorrow.”
Ipinaliwanag ni Athens 2004 Olympic
hammer-throw champion at Tokyo 2020 Sports Director Koji Murofushi sa mga Grade
5 students sa isang paaralan sa Tokyo ang mga Olympic values para magsilbing
inspirasyon sa kanila sa darating na Olympic at Paralympic Games.
“We want to inspire the new generation with
the Olympic Spirit,” ani Murofushi.
“They are the future of our nation; that’s why
we want them to be actively involved in our preparations. It is of crucial
importance to make young people realize that this is also their Games and they
have a key role to play throughout the entire process of our preparations and
during the Games themselves. We are looking forward to receiving everybody’s
suggestions to help us ensure the success of the 2020 Games,” dagdag nito.
Magkakaroon ng pagkakataon ang
mga kabataan sa buong Japan na maging bahagi ng proyekto. Magsusulat sila ng
mga sanaysay tuwing summer break kung saan kanilang ilalarawan ang kanilang mga
pangarap para sa taong 2020 pati na rin ang kinabukasan na gusto nilang buuin
para sa bansa pagsapit ng Tokyo Olympic and Paralympic Games.
Iniimbitahan din ng kumite ang
lahat, bata o matanda, na magsumite ng kanilang mga sanaysay at suhestiyon para
sa pagsasakatuparan ng pinal na plano para sa palaro. Maaaring bisitahin ang
website na vision.tokyo2020.jp para sa karagdagang impormasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento