May
tama sa puso ang katatapos lamang na play na pinamagatang “Flipzoids” na
pinagbidahan ng beteranong Filipina stage actress na si Becca Godinez kasama
sina Maxwell Corpuz at Ellen Williams.
Ang
Flipzoids na itinanghal kamakailan sa Music Museum ay tungkol sa mga Pilipino
na nangingibang bansa para magtrabaho at ang mga pagsubok na kanilang
pinagdadaanan tulad ng paninibago sa kultura, tradisyon at pagkalayo sa
pamilya.
Sinasalamin
nito ang iba’t ibang uri ng paraan kung paano hinarap ng mga Pilipinong
migrante ang pagtira sa ibang bansa – ang iba’y nangungulila sa sariling bansa
habang ang iba naman ay niyakap na ang bagong kultura.
Isinulat
ang Flipzoids – ang “zoid” na ang ibig sabihin ay parang mga zombie samantalang
ang “flip” naman ay isang pang-iinsultong tawag sa mga Pilipino noon – ng
Filipino-American na si Ralph B. Pena noong 1996 na itinanghal sa Los Angeles,
California.
Ayon
kay Godinez, na siyang producer ng naturang play dito sa Pilipinas, layunin ni Pena na ipaalala sa mga manonood na huwag
kalimutang lumingon sa pinanggalingan.
“Ralph
Pena wanted to show culturally how different kinds of people react on living in
a foreign land that they now have to call their own. He decided to show a story
of three characters,” pahayag ni Godinez na nakilala bilang isang mang-aawit,
manunulat, direktor at aktres.
“One
is the young offspring of a very successful couple, goes to the States and
wants nothing to do with the culture (played by Maxwell Corpuz). Second
character is the nurse from Pagudpud, Ilocos Norte who goes to the U.S (played
by Ellen Williams). Vangie, Aying’s daughter, just wants to belong to a small
culture, to belong to a more intelligent group that makes her read the
dictionary and memorize it.”
Dagdag
pa ni Godinez, gumanap bilang 70-taong-gulang na si Aying na mula sa Pagudpud,
Ilocos Norte na napadpad sa Anaheim, California ngunit patuloy na nangungulila
sa bansang sinilangan, na nakita niya ang sarili sa kanyang ginampanang
karakter.
“The connection of someone who is uprooted from their
country to the connection of home, that’s very strong for me. When I went to
America, I went through loneliness, personal and cultural adjustments.”
“How do you allow the
next generation to appreciate the culture that I love and the blood that’s
running through my veins?”
“My life happens to be uprooted. We’re lacking
with memories when we uproot ourselves. Always remember your roots; this is
what ‘Flipzoids’ is all about,” ani Godinez.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento