Kuha mula sa website ng NEUES Co. Ltd. |
Magtutulong
ang dalawang malaking kumpanya sa Pilipinas at Japan para gumawa ng electric
vehicles na hindi lamang mura sa bulsa kundi “environment-friendly” din.
Nagkasundo
ang NEUES Co. Ltd, subsidiary ng NKC Metalworks Group sa Osaka, Japan, at Kart
Plaza Manufacturing Corp, isang electric golf kart distributor at servicing
company sa Pilipinas na gawin ang proyektong ito na ibebenta sa lokal na
merkado sa bansa.
Ayon
sa napagkasunduan ng dalawang kumpanya, gagawin ng NEUES ang kumpletong
platform ng electric vehicle pati na rin ang stand-alone charging stations
habang ang Kart Plaza naman ang mag-a-assemble at magbebenta nito sa bansa.
Isang
compact na electric vehicle ang gagawin ng NEUES upang mas madali itong buuin
kung saan ang mga bahagi nito tulad ng chassis at gulong ay mismong sa Asya
manggagaling at may mataas na kalidad.
Ani
ng pangulo ng NKC na si Tatsuo Nakanishi, ang pagkakaroon ng electric vehicles
sa Pilipinas ay isang paraan upang masolusyunan ang air pollution at mataas na
presyo ng gasolina na dalawa sa suliranin ng bansa.
“Air
pollution and oil hike cause serious problems to people’s lives all over the
world, which is the same situation in the Philippines. One of the solutions to this problem is
electric cars. It is not just a dream to promote the electric vehicle by
uniting the power of everyone here. Let us make the Philippines as a front
runner of electric vehicles,” pahayag ni Tatsuo sa isang forum na ginanap sa
SMX Convention Center kamakailan.
Sinabi
naman ng managing director ng Kart Plaza na si Johnny Tan na naniniwala ang
kanilang kumpanya na ang pagkakaroon ng electric vehicles sa bansa ay isang
paraan upang makatulong sa pagprotekta ng kalikasan. Ito ay sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mas modernong teknolohiya na isang alternatibo sa tradisyonal na
pamamaraan ng transportasyon.
“The
emissions produced by internal combustion engines are contributing to the
degradation of the earth’s atmosphere, resulting in pollution that affects our
collective health and well-being, not to mention the unpredictable and extreme
weather patterns we are now experiencing as a result of global warming.
“This
makes it a necessity for those in the transportation industry to reverse these
harmful consequences by exploring alternatives to the traditional modes of
mobility. Electric vehicles are one answer to the problems. They are the wave
of the future and, today, in the Philippines, we are about to ride on top of
its crest with the introduction of an evolving concept in transportation, which
is sustainable, economical, and for the Filipino,” ani Tan.
Wala
pang sinasabi kung magkano aabutin ang halaga ng naturang electric vehicle
ngunit sinabi ng NEUES na malaking gastos dito ay dahil sa mga baterya at
management system na gagamitin. Siniguro rin ng NEUES na sumusunod sila sa
safety standard rule at gagamitin nila ang pinakabagong teknolohiya sa
pagmamaneho sa paggawa ng electric vehicles.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento