Ni Florenda Corpuz
Kuha ni Din Eugenio |
Kinilala ng DOLE Japan, Inc. ang
kontribusyon ng Japanese comedian na si Pikotaro sa promosyon ng pinya sa buong
mundo sa pamamagitan ng kanyang viral hit na “Pen-Pineapple-Apple-Pen (PPAP).”
Tinanggap ni Pikotaro mula kay
DOLE Philippines Agriculture Operations Director Jorge Paez ang pineapple-shaped
letter of appreciation at isang taong supply ng pinya sa ginanap na “DOLE
Pineapple Appreciation Award Ceremony” sa The International House of Japan
kamakailan.
“It brings me great pleasure to
stand before you as a representative on behalf of all those involved in the
pineapple industry worldwide and to express my gratitude to Pikotaro who
entertained many with his viral ‘PPAP’ song and created global excitement on
the topic of pineapples,” pahayag ni Paez.
“Along with the global excitement
of Pikotaro’s song, I hope you will find a new appreciation for pineapples,”
dagdag pa niya.
Regular na papadalhan ng DOLE
Japan, Inc. si Pikotaro ng supply ng pinya sa loob ng isang taon na ayon sa
komedyante ay balak niyang gawing juice.
Bago matapos ang seremonya ay
nagsagawa rin ng pineapple cutting demonstration, patikim ng Sweetio pineapples
at talakayan tungkol sa pinya kasama si Pikotaro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento