Linggo, Mayo 7, 2017

Smash Childhood Cancer: Using android phones and PC’s processing powers as cancer-treatment aid



Isang cancer study, ang Smash Childhood Cancer (SCC) project, na pinamumunuan ng mga siyentipikong Japanese ang humihikayat sa lahat ng indibidwal at mga kumpanya na ipahiram ang computing processing ng kanilang mga personal computers (PCs), tablet at Android phones. Ito ay para makapagbigay ng tulong sa pagtukoy ng mga chemical compounds na magiging mabisa sa paglaban ng mga cancer cells sa mga bata.

Pinangungunahan ni Dr. Akira Nakagawara, CEO ng Saga Medical Center Koseikan, ang global research collaboration na nagsimula nitong Enero lamang at kasama ang mga miyembro ng Life Science Research Institute – Saga Medical Center, mga siyentipiko ng Chiba University, Kyoto University, at mula Hong Kong.

Sa tulong ng World Community Grid (WCG) na binuksan ng IBM (International Business Machines Corp.) noong 2004, kailangan lamang mag-rehistro at mag-download ang sinumang gustong maging volunteer ng isang application sa website nito sa world Community website para magamit sa pagsasaliksik ng pag-aaral.

“Computing processing that would require 55,000 years to be done by a single ordinary computer was finished in just two years. We hope to identify effective chemical compounds in three to five years and carry out animal experiments,” ang pahayag ni Nakagawara sa isang panayam ng Asahi.

Nakatuon ang research study sa paghahanap ng gamot para sa anim na klase ng childhood cancer gaya ng neuroblastoma (frequently starts from one of the adrenal glands, can also develop in neck, chest, abdomen, spine), brain tumor, liver cancer, Wilms’ tumor (kidney malignancies), at bone cancer.

Subalit dahil mahabang proseso ang pagsasagawa ng clinical trials para masuri ang bisa at kaligtasan ng mga potensiyal na gamot, inaabot ito ng maraming taon bago makabuo ng mga epektibong klase ng childhood cancer drugs at treatments.

“You need a lot of computer power to do this and researchers may only be able to access a supercomputer at certain times and, to test each one, they need to run millions of simulations. For researchers, it gives them access to a virtual super-computer which allows them to think big, and for volunteers it invites the general public to play a role in scientific discovery,” dagdag pa ni IBM Corporate Citizenship program manager Juan Hindi.

Hindi rin, aniya, kailangan mag-alala ang mga volunteers na baka makasagabal ito dahil dinisenyo ang app na maging non-intrusive at tatakbo lamang kapag may 90 % charge at wifi connection. Kapag ginamit ng isang user ang kanyang device, titigil ito saglit at awtomatikong babalik sa community grid kapag ‘di muling ginagamit ang device.

Noong 2009, matagumpay na nadiskubre ni Nakagawara ang pito mula sa tatlong milyong compounds at dalawa dito na walang matinding side effects ang napatunayang may positibong epekto kontra sa pagkalat ng neuroblastoma, na isa sa pangunahing klase ng childhood cancer. Sa nasabing eksperimento, may 200,000 volunteers ang nakapagbigay ng kontribusyon sa pamamagitan ng computing processing ng kanilang mga devices.

Ayon sa International Agency for Research on Cancer (IARC), sa pangkalahatan ay may tinatayang 300,000 ng mga bata taun-taon, na mas mababa sa edad na 19 na taon ang nadidiskubreng may cancer at 80,000 dito ay nasasawi bawat taon.

Layon din ng proyekto ang tugunan ang kakulangan sa bagong gamutan at research funding sa childhood cancer. Aniya, tatlong bagong gamot lang ang inilunsad sa loob ng 20 taon, ang kalahati sa chemotherapy treatments naman ay 25 taon nang ginagamit, at apat na porsyento ng research budget lang ang inilalaan ng National Cancer Institute sa mga childhood cancer studies.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento