Ni Jovelyn M. Javier
Walang humpay ang paghahandog ng Japan Foundation ng
mga kahanga-hangang inspirational culture-art performances para dalhin ang
tradisyon ng Japan sa mga Pilipino. At kamakailan, idinaos ang kakaibang kumbinasyon
ng maindayog at nagtutugmang tunog ng tradisyonal na instrumentong Japanese at
Filipino na isinama sa modernong DJ music at may kasabay na live painting, na
pinamagatang “Time & Space: Instruments Gather Beyond” na ginanap sa TIU
Theater sa Makati.
Binuksan ang programa ng HPN3 o Hapon 3, isang
Japanese comedic group, at sinundan ng traditional Japanese music mula kina
Yasuyoshi Ohagi sa Shakuhachi (Japanese bamboo flute) at Yu Miyoshi sa Koto
(traditional Japanese harp) sa pagtatanghal ng “Shika no Tône” (1999/ Tadashi Tajima), “Rokudan no Shirabe” (17th century /Yatsuhashi
Kengyo), “Chidori no Kyoku” (1855/Yoshizawa Kengyo) at “Ichikotsu”
(1966/Yamamoto Hozan).
Nagpakitang-gilas din ang tradisyonal na musikang
Pinoy mula sa University of the Philippines (UP) Tugtugang Musika Asyatika
(TUGMA) sa pagtatanghal ng “Luntang” (Maguindanao xylophone), “Tagunggo with
Sagayan” (rhythmic mode used as accompaniment for dance rituals like Sagayan),
“Sinulog a Bagu with Pangalay” (played on Kulintang with traditional
“fingernail” dance of the Tausūg
people, a rhythmic mode played
with emotions such as mournfulness at “Tidtu Ex with Silat.” (Maguindanao
Kulintang genre played with indigenous martial arts).
Biglang nag-fast forward naman sa moderno sa
underground JAPINOIZ (Japanese + Pinoy + Noise) sound ng half-Japanese,
half-Filipino turntablist/remixer at beat maker na si DJ ReiZ sa kanyang
multiple elements mix na pinamagatang “Tōryanse Three Islands version.” Ang Tōryanse
ay tradisyonal na Japanese children’s song na naririnig din sa kalye bilang
hudyat na maaari nang tumawid.
Sa ikaapat na
bahagi ng pagtatanghal, nagsama naman ang moderno at tradisyonal na Japanese
music sa pagtugtog ng “Haru no Umi” (Spring Sea) Latin version, “Playground,”
“Josho no Kanata,” at “Soran Scherzo” mula kina Yasuyoshi Ohagi (Shakuhachi) at
Tinsel Tone – Yu Miyoshi (Koto), Mariko Obata (flute) at Naoko Sakanaka
(piano).
At sa huling
bahagi ang “Beyond Time & Space” kung saan nagsama-sama na ang lahat ng mga
nagsipagtanghal at bilang kulminasyon ang pagtugtog nila ng “Shima-uta,” na
isang musical genre mula sa Amami Islands, Kagoshima prefecture.
The
performers
Nag-umpisang
tumugtog ng Shakuhachi si Ohagi noong estudyante ito sa unibersidad at nanalo
sa mga kumpetisyon sa Shikoku. Inimbitahan siya ng University of the
Philippines – Diliman noong 2015 para sa isang workshop at konsiyerto ng
Shakuhachi at Koto. Ngayon, gumagawa na rin siya ng Shakuhachi at nagtuturo sa
kanyang studio sa Ehime prefecture.
Isang music
instrumental group naman ang Tinsel Tone na binubuo nina Miyoshi, Obata at
Sakanaka na matagal nang aktibo sa maraming pang-kulturang pagtatanghal ng
Japan gaya na lang sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Rizal Park
Concert, Solaire Resort and Casino, Edsa Shangri-La Hotel at Makati Shangri-La
Hotel.
“The underground is where new sounds are born, regardless of what
generation we are in. Even the simplest, most mundane noise can have unlimited
potential to be something more. Mixing multiple elements to create a single
cohesive sound.” Ito naman ang istilo ni DJ REiZ sa kanyang pinaghalong
Japanese at Filipino DJ music.
Isang organisasyon ng student-performers ng UP College of Music – Diliman
ang UP TUGMA na layon ang magkaroon ng malawak na kamalayan at pang-unawa ang
mga manonood sa Filipino at Asian traditional music.
Tubong Hokkaido naman ang visual artist/live painter na si Atsuko
Yamagata na madalas nakikipag-kolaborasyon sa mga Filipino at Japanese
musicians at dancers.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento