Hindi nagpatinag sa matinding sikat ng araw ang mga
tagasuporta ng musika ng Ang Bandang Shirley sa naganap na album launch
kamakailan ng kanilang ikatlong studio album na pinamagatang “Favorite.”
Ginanap ang kaabang-abang na paglulunsad ng muling
pagbabalik sa eksena ng isa sa paboritong alternative rock bands sa bansa sa Blue
Bay Walk Garden, Metro Park, Pasay. Featuring din sa album launch ang Outerhope
at Musical O, at mula sa presentasyon ng Page Four Productions at Chamtamaria.
Mula sa Wide Eyed Records, ito ang follow-up sa
critically-acclaimed sophomore album, ang soulfully instrospective na “Tama Na
Ang Drama” (2013).
Atmospheric, personal,
intimate
Apat na taon din ang binilang bago ang Favorite na
naglalaman ng 14 tracks kabilang ang nauna nang nailabas na first two singles –
ang crowd favorites na “Umaapaw” at
“Siberia” na nanguna sa Spotify Philippines’ Viral Charts kamakailan, gayon din
ang “Maningning,” “Karamay,” “Makahiya,” “Alam Mo Ba? (Ang Gulo),” “Maginhawa,”
“Relihiyoso,” “Favorite,” “Actually,” “Ilang Ilang,” “Ono,” “Palindrome,” at
“Karagatan.”
Isang mahabang pila ang bumati sa mga miyembro ng
banda na sina Owel Alvero (founding band member/chief songwriter, lead vocal),
Ean Aguila (founding band member/ guitarist-songwriter-lead vocal), Zig Rabara
(drums), Selena Salang-Davis (lead vocal), Kathy Gener (semi vocals/resident
band manager), Joe Fontanilla (guitarist), at Enzo Zulueta (bassist) na masaya
naman na pinaunlakan ang mga tagahanga ng album signing at meet-and-greet.
“Wow! Ang dami ninyo. Grabe. Salamat sa inyong
pagmamahal at sa pag-gusto ninyo ng musika namin,” pahayag ni Davis bago simulan
ang unang kanta.
Nagpakasasa ang mga Shirley fans sa 23 kanta mula sa
Favorite, gayon din sa unang dalawang albums na Themesongs at Tama Na Ang Drama
at sumabay sa mga paboritong “Nakauwi Na,” “Di Na Babalik” at “Patintero,” na
last song at espesyal sa puso ni Davis lalo na’t ang album launch ang kanyang
huling performance kasama ang grupo.
Making everyday life poetic
Pangunahing tema ng album ang happiness, loss, love,
at living life, na dala pa rin ang kanilang marka ng ritmikong melodiya at
nakakaantig na mga liriko.
Sa unang pagkakataon, isang collective effort ang
album kung saan nagtulung-tulong ang bawat miyembro sa pagsusulat ng kanta,
gayon din ang iba’t ibang producers.
“Minsan
depende sa feelings. ‘Yung album, parang range
of songs na hindi lahat
magugustuhan mo at the same time, pero magkakaroon ng chance na magustuhan mo rin sila eventually,”
ang pagsasalarawan ni Alvero sa album.
Aniya, gusto ng banda na magkaroon ng koneksyon ang
mga makakarinig ng album gaya ng mga pelikula. “The connection is like, you
know how some movies grow on you. I hope people like the album at the start,
but I hope they’ll find something more about themselves the more they listen to
it.”
Mahigit isang dekada na ang banda na nagsimula dahil
sa inspirasyon ng Eraserheads noong panahong nag-disband na ang banda. Maliban
sa Eraserheads, itinuturing din nilang mga idolo ang Rivermaya, Sugarfree, Rico
Blanco, Raymund Marasigan at Sandwich. Ipinangalan nila ang banda mula sa
kantang “Shirley” ng Eraserheads sa “Natin 99” album at bilang pagpupugay na
rin sa mga hari ng Pinoy rock.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento