Ni
Florenda Corpuz
Nilagdaan nina JICA Chief
Representative Susumu Ito
at NEDA Secretary Ernesto Pernia ang grant aid
para
sa Bangsamoro energy project.
|
Isang grant aid na nagkakahalaga ng
¥771 milyon ang ibibigay ng Japan sa Pilipinas para pondohan ang pag-upgrade ng
power distribution equipment sa Bangsamoro area sa west-central na bahagi ng
Mindanao.
Nilagdaan nina Japan International
Cooperation Agency (JICA) Chief Representative Susumu Ito at National Economic
Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia ang grant agreement para
sa “Project for Improvement of Equipment for Power Distribution in Bangsamoro
Area” kamakailan sa opisina ng NEDA.
Sa pamamagitan ng proyekto ay
maa-upgrade ang power distribution equipment tulad ng transformers, poles,
conductors at boom trucks sa anim na electric cooperatives na nag-o-operate sa
lugar.
Ipapatupad ng National
Electrification Administration (NEA) ng Department of Energy (DOE) ang proyekto
na bahagi ng development cooperation ng JICA sa Pilipinas.
“By helping resolve the power
supply issues in conflict-affected areas, we aim to help the Philippines create
more economic activities in the region,” pahayag ni Ito.
Ayon naman kay Pernia, inaasahan
nila na makatutulong ang nasabing proyekto sa pagpapababa ng system loss sa 13
porsyento at pagpapataas ng line capacity sa 130 porsyento.
“Beyond addressing the basic need
to improve power supply stability in that area of Mindanao where household
electrification level stands only at 72.38 percent, we also see this project as
a confidence-building undertaking and a gesture of goodwill that will prove
helpful as we continue to work towards achieving lasting peace and development
in the region,” ani Pernia.
Dinagdag din ng kalihim ng NEDA na
ang Japan ang pangunahing pinagkukunan ng Official Development Assistance ng
Pilipinas.
Ang west-central part ng Mindanao
ang may pinakamataas na poverty rate sa Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento