Martes, Mayo 9, 2017

Guihulngan, Negros Oriental: Kansalakan Enchanted River, Hinakpan Hills, caves, lakes and waterfalls


Kapag naririnig ang Negros Oriental, na matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Negros island, madalas ang nakikilala ng marami ay ang capital city nitong Dumaguete. Ngunit hindi lang pala Dumaguete ang maipagmamalaki ng naturang isla dahil nariyan din ang ikatlo sa may pinakamaraming populasyon sa isla na Guihulngan.

Isang component city ang siyudad ng Guihulngan na may populasyon na 95,969 na katao, at ang pangunahing industriya rito ay agrikultura mula sa produksyon ng mais, tabako, tubo, bigas, kopra, sugar cane, at soybeans. Nariyan din ang industriya ng basketry na gawa sa pandan at abaca. Pinapayabong din ito para maging pangunahing daungan ng kalakalan mula Cebu.

Babati sa iyong pagdating ang isang malaking kampana na may kalabaw na simbolo ng Guihulngan.

Pinakamalapit na paliparan ang Mactan-Cebu Internation Airport. Mula rito, kinakailangan lamang sumakay ng ferry para marating ang Guihulngan. Maaari rin puntahan ang Guihulngan sa pamamagitan ng Dumaguete Airport mula Manila at mag-bus sa layong 120 kilometro.

Enchantingly mysterious 

Ordinaryong lugar lamang ang Kansalakan River sa mga residente ngunit nito lamang ito nadiskubre ng mga turista. Gaya ng Hinatuan Enchanted River ng Surigao del Sur, may mga kwento ng misteryosong pagkawala rito at ang mga kaluluwang ito ang nagsisilbing tagabantay ng likas na yaman nito.

Sa kabila ng misteryosong kasaysayan nito, ang mala-salamin sa linaw na turquoise water nito, kakaibang hugis na pinapalibutan ng kagubatan, at natural na ganda, ay para bang isang malaking hiwaga na kahali-halina sa sinumang makakakita ng ilog.

Sa lalim nito na 30 talampakan, ang buong ilog ay nagsisimula sa isang bukal, at kapag tiningnan mo ang tubig ay mararamdaman mo na tila may humihimok sa iyong pwersa ng kalikasan para lumangoy at damhin ang tubig nito.

May layong 23 kilometro mula sa Guihulngan city proper, matatagpuan ito sa hangganan ng Barangay Balogo at Banuage at pwedeng mag-sasakyan o kaya ay mag-motor sa loob lang ng 40 minuto.

Bukas ito sa publiko at walang entrance fee  ngunit hinihikayat ang lahat na maging responsable at panatilihin itong malinis. Inaabisuhan din ang lahat na magdala ng sariling pagkain.

Chocolate Hills in Negros and other natural wonders

Hindi lang pala sa Bohol ang mayroong Chocolate Hills, sa Negros ay mayroon naman silang Hinakpan Hills na hango ang pangalan sa maraming hardwood trees na tinatawag na “takpan.” Matatagpuan ito sa Barangay Hinakpan na nasa 45 minutong layo mula sa city proper. Malapit lang din ito sa Kansalakan River na 20 minuto lamang mula sa mga burol.

Hindi tulad ng Bohol Chocolate Hills, magkakaiba ang hugis at taas ng Hinakpan kung saan makikita ang may 237 na limestone peaks. At hindi ka pa man lubos na nakakalapit dito ay bubungad na sa iyo ang presko at malamig na hangin at maaaninag mo rin ang tanawin mula sa Mt. Kanlaon.

Matatagpuan din sa loob ng isa sa mga burol ang Arvor Caves na nadiskubre ng mga residente. Maliban sa active stalacties na nagbibigay lalo ng icy-cool atmosphere sa loob nito, tahanan din ito ng iba’t ibang klase ng ibon at mga paniki. Mayroon din mga kweba sa Barangay Bulado, Calupaan at Tacpao.

Magbabad at mag-tampisaw naman sa Makatang Falls, Mainit Falls, Mantahao at Amulangan Lake, at McKinley Beach.

Masarap din mag-relax at maglakad-lakad sa Hilaitan Tree House at makisaya sa taunang Cara-Bell Festival bilang pag-aalala sa kasaysayan ng Guihulngan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento