Tinanggap ni Vice Minister for Foreign Affairs Shinsuke Sugiyama
si Ambassador-Designate Jose C. Laurel V bilang bagong ambassador
ng Pilipinas sa Japan. (Kuha mula sa Philippine Embassy-Tokyo)
|
Nagsimula na sa panunungkulan ang
bagong ambassador ng Pilipinas sa Japan na si Jose C. Laurel V noong Abril 5.
Ito ay matapos niyang iprisinta ang
kanyang mga credentials kay Ministry of Foreign Affairs Vice Minister Shinsuke
Sugiyama na hudyat nang pagsisimula ng kanyang panahon ng panunungkulan bilang Ambassador-Designate
of the Philippines to Japan.
Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ng
dalawa ang kanilang kasiyahan sa mahusay na kalagayan ng relasyon ng Pilipinas
at Japan. Binanggit ni Sugiyama ang mahalagang papel at kontribusyon ng pamilya
Laurel sa paglinang ng friendly relations sa pagitan ng dalawang bansa sa
nakalipas na dalawang dekada. Nangako naman si Laurel ng buong suporta sa lalo
pang pagpapalawig at pagpapabuti ng bilateral strategic partnership.
Kasama ni Laurel sa pagharap sina Deputy
Chief of Mission Eduardo R.M. Meñez at Minister and Consul General Marian
Jocelyn R. Tirol-Ignacio. Bago ito ay bumisita muna siya kay Ministry of
Foreign Affairs Assistant Chief of Protocol Takako Ito.
Si Laurel V ay apo ni dating
pangulo Jose P. Laurel (1943-1945) at anak ni Philippine Ambassador to Japan
Jose S. Laurel III (1966-1971). Bahagi ng kanyang kabataan ay ginugol sa Japan.
Siya ay nanilbihan bilang gobernador ng Batangas, Chairman ng Executive
Committee ng YKK Philippines, Inc., at Chairman ng Board of Trustees ng
Philippines-Japan Friendship Foundation.
Siya ay mainit na tinanggap ng mga
opsiyal at tauhan ng Embahada sa kanyang pagdating noong Abril 4.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento