Martes, Mayo 9, 2017

Chris Lebumfacil: One of PAL’s go-to-guy

Christopher Lebumfacil
Masasabing sa likod ng mga naglalakihan at matatagumpay na kumpanya ay ang mga tao na nagpupunyagi upang maitaguyod ito at maisakatuparan ang mga layunin nito. Itinuturing na flag carrier ng Pilipinas, kilala at respetado ang Philippine Airlines (PAL) bilang isa sa nangungunang kumpanya sa bansa na nagbibigay ng kalidad na serbisyo sa kanilang mga customers.

At sa likod ng tagumpay na ito ay ang mga pamunuan, matataas na opisyal, at empleyado na sa loob ng 76 taon simula ng itinayo ang PAL ay masigasig na nagtatrabaho at napapanatili ng magandang serbisyo.

Isa sa mga tapat na opisyal ng PAL ay si Christopher Lebumfacil, tubong Cebu, na area head para Visayas sales and services at isa sa front liner ng PAL-Japan. Bilang bahagi ng PAL sa loob ng 30 taon, iginugol ni Lebumfacil ang kanyang atensiyon sa pagbuo ng mga adhikain at proyekto upang mabigyan ng kakaiba at kumportableng karanasan sa paglalakbay ang mga tapat na pasahero ng PAL.

Aniya, kung mayroon man isang bagay na bentahe ang PAL sa ibang carrier, ito ay ang kanilang serbisyo at ang mga tao na nagbibigay nito.

“It’s the service. Ultimately, it is the people. Our smile, our pagmamalasakit, our hospitality, our love for God, country and family. Our spirit and generous heart,” pahayag ni Lebumfacil sa panayam ng Pinoy Gazette.

Sa ngayon, abala ang PAL sa modernisasyon ng kanilang mga eroplano at pagpapanatili sa seguridad ng kanilang mga pasahero.

“Philippine Airlines at 76 years old is committed more than ever to be one of the world’s best airline, to be a five-star, full-service national carrier of the Philippines. We shall continue to modernize our fleet, acquiring new Air Bus 321, (we use this type of aircraft to Japan) new Boeing 777s and Air Bus 330,” bulalas ni Lebumfacil na nadestino rin sa ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, Taiwan, at Thailand.

Bilang opisyal ng PAL sa Japan, aminado si Lebumfacil na mayroong mga adjustments na kailangan siyang gawin upang lalong maging maayos operasyon ng PAL sa Japan. Matatandaan na isa sa mga bagong serbisyo ng PAL ay ang mas pinarami na biyahe kada linggo sa Osaka (apat na beses) at Nagoya (tatlong beses) mula sa Cebu.

“Working in Japan is a very wonderful experience. Adjustments had to be made, like in giving instructions, you have to say it two or three times. Then you have to ask them to tell you what is their understanding of the instructions in their own words.

“Japan is a very wonderful country, its people are very nice and disciplined. Very modern yet has managed to keep traditional and cultural things alive,” dagdag pa nito.

Hanga rin si Lebumfacil sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dito sa Japan dahil sa kanilang kagalingan na mayakap ang kultura ng mga Hapon at ang kanilang kasipagan para matulungan ang kani-kanilang pamilya.
Payo niya sa mga ito na patuloy na magsumikap at laging gawin ang lahat ng makakaya sa kahit na anumang larangan na nais pasukin.


“One must be willing to exert effort and sacrifice if only to achieve its goal. Discipline is very important. In everything you do aim for excellence,” ani Lebumfacil.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento