Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa JICA |
Aabot na sa mahigit 1,600 ang mga Japanese
volunteers na ipinadala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa
Pilipinas simula 1966 para palakasin ang kanilang suporta sa pag-unlad sa bansa
sa ilalim ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) program. Kabilang
dito ang tatlong Haponesa na tahimik na tumutulong sa mga komunidad sa Siquijor
at Iloilo.
Sina Ayaka Ishikawa,
Mariko Katagi at Teruko Sugiyama ay mga miyembro ng JOCV na sumusuporta sa
iba’t ibang proyekto na nagsusulong ng pag-unlad sa mga komunidad na kanilang
pinagsisilbihan.
Nakikipagtulungan si
Ishikawa, isang economics graduate mula sa Hosei University sa Tokyo, sa mga
samahan sa Siquijor upang i-upcycle ang mga lumang damit at gamit na papel para
maging bagong produkto tulad ng bag.
“When I visited
communities, I learned that a lot of people want to increase their income but
they have no idea how to do it. We then put up a Material Facility Recovery in
each barangay, which they can use to collect raw materials and transform them into
new products they can sell,” aniya.
“I like listening to
the voices of the people, talking to them, and helping them with their
problems. Waste management is a challenge in Siquijor, and the upcycling
project is something that hopefully they can manage by themselves not only for
income but also for a cleaner environment,” dagdag pa niya.
Tinutulungan naman ni
Katagi na graduate ng Bachelor of Fine Arts sa Kyoto Seika University ang mga small
enterprises sa Siquijor na makagawa ng mga bagong souvenir items gamit ang
coconut shells, mga dahon at clothing scraps.
“I hope to be able to
teach them how to eventually create new products on their own,” saad niya.
Nagtrabaho siya sa product
development and design para sa isang apparel company sa Kyoto.
“I’ve never lived
abroad before my JOCV work in the Philippines. As I work with the local
communities, I began to appreciate our difference and learned that we can get
along despite our different values and culture,” aniya.
Nakikipagtulungan
naman si Sugiyama sa mga professors ng West Visayas State University sa Iloilo
sa pagtuturo sa mga estudyante ng special education program ng unibersidad kung
paano i-assess at isagawa ang interventions para sa mga batang may espesyal na
pangangailangan.
“These students are
future SPED teachers and I hope to inculcate in their hearts the importance of
early intervention to children with disabilities. This is one way that together
teachers, parents, and communities can build the children’s self-reliance after
attending special needs schools,” pahayag niya na una nang nagtrabaho sa Japan
bilang SPED teacher.
“I hope that my counterparts in the
Philippines will sustain what I started in the university particularly in
training future SPED teachers to promote equal opportunities for all,” dagdag
pa niya.
Sina Ishikawa, Katagi at Sugiyama
ay mga patunay na ang tinig ng mga kababaihan ay maaaring maging isang malakas
na puwersa na maaaring makatulong sa lumikha ng mga solusyon sa mga hamon sa
mga komunidad ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento