Miyerkules, Mayo 10, 2017

Coldplay’s ‘A Head Full of Dreams’ Asian tour is pure magic

Ni Len Armea



 Para sa milyun-milyong fans ng British rock band na Coldplay, isang pambihirang pagkakataon ang mapanood ang banda ng personal. Ito ang unang beses na nagtanghal sina Chris Martin (vocalist), Jonny Buckland (guitarist), Guy Berryman (bassist ), at Will Champion (drummer) sa Pilipinas, ikalawang beses pagkaraan ng dalawang dekada sa Taiwan, at ikaapat na beses naman sa Singapore.
 Nagpunta rin ang Coldplay sa Thailand, South Korea at Japan.
 Sa lahat ng naging pagtatanghal ng Coldplay sa Asya, mayroong isang pagkakapareho at ito ay dinayo ng libu-libong fans ang bawat concert at lahat ay nagpatotoo kung gaano kahusay ang banda at gaano kaganda ang kanilang naging pagtatanghal.
 A visual spectacle Isang visual spectacle ang “A Head Full of Dreams” ng Coldplay mula sa malaki at makulay na stage na may mahabang runway at pop-up na entablado sa glowing wristbands na ipinasuot sa mga fans at pagsaboy ng confetti. At nang magsimula ng lumabas at tumugtog ang banda ay walang kapaguran ang mga fans sa pagtalon, paghiyaw at pagsabay sa mga luma at bagong kanta ng Coldplay.
 Sa Singapore pa lamang, mahigit sa 100,000 ang naging audience sa Singapore National Stadium sa loob ng dalawang araw na pagtatanghal ng banda. Binuksan nila ang concert sa pagkanta ng A Head Full of Dreams na agad na sinundan ng popular na kanta na “Yellow” kung saan nagkulay dilaw ang buong stadium mula sa LED wristbands ng fans.
 “Thank you for coming out tonight wherever you’re from. This is gonna be the best show we’ll ever play,” panimula ni Chris.
 Sinundan ito ng “Every Teardrop Is a Waterfall,” “The Scientist,” “Birds,” at “Paradise” na kung hindi paikot-ikot si Chris sa stage ay tumutugtog ito ng piano o kaya ay dala ang kanyang gitara na labis na ikinamangha ng mga fans.
 “This is our first show of the year. So either we’re a little rusty or we’re fresh, depends on how you see it,” biro pa ni Chris sa mga fans na karamihan ay mula pa sa Pilipinas, Indonesia, Hong Kong at ibang panig ng mundo.
 Combination of old and new songs Karamihan sa mga kinanta ng Coldplay ay mula sa kanilang 2015 album na kinabibilangan ng mga kantang “Hymn for the Weekend,” “Everglow,” “Amazing Day,” “Amazing Day,” “Up and Up,” at “Adventure of Lifetime” kung saan maraming makukulay na malalaking bola ang nagsipagbagsakan na pinagpasa-pasahan ng mga manonood.
 Hindi rin mawawala sa set list ang kanilang iba pang popular na mga kanta tulad ng “Always in my Head,” “Magic,” “Clocks,” “Viva La Vida,” “Charlie Brown,” “Don’t Panic,” “Midnight,” “A Sky Full of Stars” at “Fix You.”
 Nagbigay din ng tribute si Chris kay David Bowie sa pagkanta ng “Heroes” habang kinanta rin ng banda ang bago nilang collaboration kasama ang The Chainsmokers, ang “Something Just Like This.”
 “I think you’re one of the greatest audiences we’ve ever played for. I wish you could know what it feels like to be up here. It’s an amazing feeling,” ani Chris habang tumugtog ng piano.
 “See you next time, yeah?” na sinagot ng malakas na palakpakan at hiyawan ng fans.
 Worth the wait for Manila fans Worth the wait at worth the price naman ang sigaw ng 35,000 Filipino fans na pumunta sa Mall of Asia Arena concert grounds para sa kauna-unahang pagtatanghal ng Coldplay.
 Halos pareho lamang ang naging set list ng Coldplay sa Asian Tour nito liban lamang sa isa o dalawang kanta na mula sa napiling request ng fans. Sa Singapore ay “Til Kingdom Come” at “In My Place” ang napiling tugtugin ng banda habang “Ink” naman sa Manila na dedicated kay Ken Santiago na isang cancer patient na binisita ni Chris sa ospital bago ang concert.
 Impromptu rin gumawa ng “Manila song” ang banda kung saan ang bahagi ng lyrics ay “I’d say that the crowd is such a thrilla | They’re all killer, no filler.”
 “Sorry for making you all wait for 17 years. Lots of people were asking why it took us a long time to visit your beautiful country. We have been waiting, so we would have enough good songs,” pahayag ng 40-taong-gulang na bokalista ng Coldplay.
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento