Martes, Mayo 9, 2017

The Appeal of ‘Wachoshoku’

Ni Florenda Corpuz


Kuha ni Din Eugenio
Popular na destinasyon ng mga dayuhang turista ang Japan dahil sa mayamang kultura ng bansa, mga naggagandahang lugar at siyempre pa, masasarap at masusustansyang mga pagkain dito. Isa na rito ang “wachoshoku” o Japanese breakfast na unti-unti na rin nagiging popular sa mga turista mula sa iba’t ibang bansa.

Kamakailan ay nagsagawa ng special wachoshoku event ang Rice Stable Supply Support Organization sa Hotel Okura Tokyo para i-promote ang Japanese rice sa mga turista mula abroad.

Sa isang lecture, tinalakay ni Kanagawa University of Human Services University President Professor Teiji Nakamura ang kahalagahan ng wachoshoku sa health longevity ng mga Hapon. Sinundan ito ng survey results presentation kung bakit pinipili ng mga dayuhan sa Japan ang Japanese breakfasts at ang mga recommended hotels at “ryokans” na nagse-serve ng wachoshoku.

Nagsagawa rin ng isang seminar tungkol sa Japanese food etiquette kung saan isang staff member ng Japanese restaurant na Yamazato ang nag-demonstrate nito habang ini-enjoy ng mga bisita ang pagkain ng wachoshoku.

Ano ang wachoshoku?

Ang wachoshoku ay kabuuang refinement ng “washoku” o traditional Japanese cuisine na may taglay na apat na katangian: ang paggamit ng sariwang sangkap at ang natural nitong mga lasa, ang well-balanced at healthy diet, at ang paggalang sa kalikasan na makikita sa presentasyon nito. Kasama rin dito ang koneksyon nito sa taunang kaganapan sa pamamagitan ng paggamit ng tradisyonal na kaalaman at kaugalian na malapit sa kalikasan.

Binubuo ito ng tatlong pangunahing elemento: ang lutong kanin (gohan) na nagsisilbing staple food, soup, three dishes at Japanese pickles. Ito ay karaniwang tinatawag na “Ichiju-Sansai” (a bowl of soup and three different dishes).

Ang wachoshoku ayon sa panlasa ng mga dayuhan        

Ayon sa survey ng Metropolis magazine na ginanap mula Disyembre 9 hanggang 28, 2016, pinipili ng mga dayuhan sa Japan ang Japanese breakfasts dahil “delicious” (56.3%), “healthy” (50.5%), “excited about” sa pagkain ng Japanese rice (47.3%).

Kabilang naman sa impresyon nila sa pagkain nito ay “able to experience Japanese culture” (53.8%), iniisip na ito ay “healthy” (50.0%) at nasorpresa dahil “so many items” (49%).

Na-enjoy naman nila sa unang beses nang pagkain nito ang “grilled fish” (42.8%), “miso soup” (40.9%), at “Japanese omelet” (40.4%).

Kabilang naman sa mga recommended hotels at ryokans ang Hotel Okura Tokyo, Ohara no Sato sa Kyoto at Kameki sa Nagano.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento