Miyerkules, Abril 27, 2016

Ama: The Sea Women of Japan

Ni Florenda Corpuz

The Ama of Toba City
Ilang libong taon na ang nakalilipas nang piliing pasukin ng mga magigiting na kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng Japan ang isang mapanganib ngunit nakakabilib na trabaho, hindi lamang para sa kanilang kabuhayan ngunit para na rin mapreserba ang isang tradisyon na kanilang minana mula pa sa kanilang mga ninuno – sila na kung tawagin ay Ama.

Ang Ama ay mga breath-hold divers na nangunguha ng mga abalone, sea urchins, seaweed, sea cucumbers at turban snails sa karagatan. Sila ay matatagpuan lamang sa Japan at sa Korea (Jeju Island).

Sa kasalukuyan ay may humigit-kumulang 2,000 Ama na matatagpuan sa 18 prepektura sa Japan ngunit ang karamihan ay makikita sa Shima Peninsula sa Mie Prefecture na aabot sa 800 ang bilang. Sa Shima City ay mayroong aabot sa 300 Ama habang sa Toba City naman ay may mahigit sa 500. Karamihan sa bilang na ito ay nasa 65 pataas ang edad.

Ayon sa mga tala, nagsimula ang kasaysayan ng Ama sa Shima Peninsula mahigit 3,000 taon na ang nakalilipas nang makahukay ng awabiokoshi, isang kagamitan na ginagamit ng Ama sa pagkuha ng abalone mula sa reef at shell mula sa mga ruins ng Jyomon (14,000 - 300 B.C.) at Yayoi (300 B.C. at 300 A.D.) periods. Natiyak na gamit ito ng mga Ama noong ikawalong siglo dahil sa nakitang tala sa literatura. Pagsapit ng ika-18 siglo ay nai-drawing na ang imahe ng mga Ama sa mga Ukiyoe prints.

Uri ng Ama

Mayroong dalawang uri ng Ama: ang Funado na nagtatrabaho kasama ang isang bangkero na kung tawagin ay Tomae na kadalasan ay kanyang asawa; at ang Kachido na mag-isang nagtatrabaho. Madalas ay mas malalim sumisid ang mga Funado kumpara sa mga Kachido. Maaari silang magtungo sa fishing site mula sa pampang sa pamamagitan ng paglangoy o ‘di kaya naman sa pagsakay sa bangka patungo rito.

Nasa tatlo hanggang apat na metro ang lalim ng pagsisid ng mga Ama ngunit may iba naman na sumisisid hanggang 20 metro. Tumatagal ng 50 segundo ang kanilang bawat pagsisid sa dagat.

Sa kanilang pangunguha ng yamang-dagat, tinitiyak nilang hindi sila lumalabag sa mga kautusan para mapanatili ang kagandahan at kaayusan nito. Hindi nila kinukuha ang mga abalone na mas maliit sa 10.6 sentimetro pati na rin ang mga maliliit na turban snails, sea urchins at sea cucumbers. May panahon din ang kanilang pagkuha ng seaweed dahil ito ay pangunahing pagkain ng mga abalone.

Pagpapanatili sa tradisyon

Noong unang panahon ay naked diving ang ginagawa ng mga Ama ngunit sa paglipas ng panahon ay nagsimula na silang magsuot ng puting kasuotan. Taong 1960 nang sila ay magsimulang magsuot ng wetsuits para protektahan ang kanilang mga sarili sa lamig.

Bukod sa panganib ng dagat ay kalaban din ng mga Ama ang matinding lamig. Para labanan ito ay gumagamit sila ng mga fire pit na kung tawagin ay Kamado o hiba na inilalagay sa gitna ng Ama hut. Bago at matapos ang pag-dive ay nagpapainit sila rito. Sa loob naman ng Ama hut sila nagpapahinga, nakikipagkwentuhan at kumakain.

Ilan sa mga mahahalagang kagamitan na ginagamit ng mga Ama ay ang goggles, chisels, ring float at lifeline na kumokonekta sa kanila sa kanilang ring float. Nariyan din ang beach towels at fins.

Tuwing magsisimula ang fishing season ay nagsasagawa ng mga festivals ang mga Ama para ipagdasal ang malaking huli at ligtas na pag-dive. Naniniwala sila na may mga masasamang ispiritu sa karagatan kaya nagdadasal sila para sa kanilang kaligtasan. Kadalasan ay isinasagawa ang festivals sa pagsisimula ng panahon ng tag-init. May mga talismans symbol din na isinusuot ang mga ama ang doman (monk’s amulet, Kuji-nine hand seal) at seiman (single stroke symbol) para panlaban sa mga ito.

Dahil sa katandaan, may mga insidente na naitala kung saan ilang Ama ang namatay dulot ng atake sa puso habang sumisisid.

Simula 2007 ay nagtutulungan na ang Japan at Korea para maparehistro ang Ama culture bilang UNESCO Intangible Cultural Heritage.


Biyernes, Abril 15, 2016

‘My Bebe Love #KiligPaMore’ now available in Japan, Singapore and UAE


Following the phenomenal success of “My Bebe Love #KiligPaMore” in cinemas worldwide, Filipinos in Japan can now enjoy the much-awaited film on pay-per-view, while those in Singapore and the United Arab Emirates can watch it anytime, anywhere via video-on-demand (VOD).

“My Bebe Love” features a stellar roster of Kapuso stars who appear on top-rating programs that air on GMA Pinoy TV. The cast is led by Vic Sotto, who headlines the family sitcom “Vampire Ang Daddy Ko” and the Philippines’ longest running noon-time show “Eat Bulaga,” and Ai Ai Delas Alas, who is one of the main hosts of the comedy-musical variety program “Sunday PinaSaya.” They are joined by the sensational AlDub love team from Eat Bulaga's Kalyeserye composed of Maine “Yaya Dub” Mendoza and Alden Richards.

The Box Office King and the Comedy Queen portray the roles of Vito (Vic Sotto) and Cora (Ai Ai Delas Alas), business rivals who will find conflict brewing between them as Anna (Maine), daughter of Vito, and Dondi (Alden), Cora’s nephew, become romantically involved.
The romantic comedy film became a blockbuster hit at the recently concluded Metro Manila Film Festival (MFFF), going on to have international screenings in different countries across the globe.

Keeping Pinoy entertainment within reach of Filipinos abroad, My Bebe Love is now available through GMA International’s partner carriers in Japan, Singapore and UAE, which also air GMA’s three international channels – GMA Pinoy TV, GMA Life TV and GMA News TV International.

Viewers in Japan can watch the wacky antics of the “My Bebe Love” cast via pay-per-view on GMA VOX TV for ¥1,000.

Meanwhile, Filipinos in Singapore can catch the film on demand through Singtel for 11 SGD starting March 15.

In addition, “My Bebe Love” can be enjoyed in UAE through Etisalat eLife TV On Demand for 19 AED.

More Kapuso viewers overseas can also anticipate the release of the hit film as it will soon be made available through video-on-demand on other GMA Pinoy TV carriers around the world.

“My Bebe Love” is written by Bibeth Orteza and Jose Javier Reyes, who also served as its director. The film is produced by OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment, GMA Films, and MEDA Production.

Catch more of Vic, Ai Ai, and AlDub, along with your other favorite Kapuso stars on GMA’s flagship international channel, GMA Pinoy TV.

For more information, subscribers in Japan may call 0032-6444 or 03-3549-7627 or email voxtv_cs_group@ipsism.co.jp; subscribers in Singapore may call 1609 or visit the website www.singteltv.com.sg; and subscribers in UAE may call 800-101.

Lunes, Abril 11, 2016

Gerald Anderson and his learnings in showbiz 10 years after


Nagdiriwang ngayong taon ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson ng kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz simula nang makilala siya bilang third big placer sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition” noong 2006. Pagkatapos ay inilunsad siya ng Star Magic, ang homebased talent agency ng ABS-CBN, bilang isa sa mga up and coming actors na dapat abangan.

Ani ng aktor, natutuhan niya sa 10 taon sa showbiz ang pagpapahalaga, pagmamahal at konsentrasyon sa ginagawa mo na dahilan kung nasaan siya ngayon sa kanyang karera. Natutuhan na rin niyang tanggapin ang hindi magandang bahagi ng showbiz gaya ng mga kontrobersya at pagkawala ng privacy.

Dagdag pa niya, gusto niya matandaan bilang aktor na ginagawa ang lahat ng makakaya sa mga proyekto at maging inspirasyon sa mga nakababata sa industriya. Nakatakda na rin gumawa ng bagong pelikula ang aktor.

‘Always Be My Maybe’

Napanood kamakailan si Gerald sa post-Valentine romantic-comedy movie ng Star Cinema na “Always Be My Maybe” kapareha ang “Pasion de Amor” star na si Arci Muñoz at mula sa direksyon ni Dan Villegas. Tungkol ito sa kwento ng mga heartbroken na sina Jake at Tin-Tin at ang relasyon na walang labels.

Maganda ang pagtanggap ng publiko sa bagong tambalan nina Gerald at Arci na fresh ang dating ng chemistry. Positibo rin ang opinyon ng mga kritiko sa pelikula na tinawag na “romance done right” at “refining the rom-com genre.” Kamakailan, kinumpirma na kumita na ang pelikula ng Php100 milyon at napapanood pa rin sa sinehan.

Trademark roles in TV and movies

Hindi naman binigo ni Gerald ang tiwala sa kanya at nagpakita ng malaking potensiyal at natural na galing sa pag-arte sa mga proyekto niya sa telebisyon at pelikula.

Tumatak sa mga manonood at mga kritiko ang magagandang performance niya sa mga teleseryeng “Sana Maulit Muli” (2007), “My Girl” (2008), “Tayong Dalawa” (2009), “Kung Tayo’y Magkakalayo” (2010), “Budoy” (2011-12), “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” (2013), “Dyesebel” (2014), at “Nathaniel” (2015).

Itinanghal siyang Prince of Philippine Movies and Television at kinikilala rin na Action Drama Prince ng Pinoy television. Pumatok din agad sa publiko ang tambalan nila ng kaparehong PBB Teen alumni at big winner ng edisyong ‘yon na si Kim Chiu na kalaunan ay naging kasintahan ng aktor at pinangalanang Most Popular Loveteam ng tatlong beses mula sa Guillermo Mendoza Box Office Awards.

Recognitions and loveteams

Nagkasama ang tambalang Gerald – Kim sa maraming serye at pelikula gaya ng “First Day High,” “I’ve Fallen For You,” “Paano Na Kaya,” “24/7 in Love” at “Till My Heartaches End.” Sinundan ito ng pagkakapareha niya kay Sarah Geronimo sa “Catch Me I’m In Love” at “Won’t Last a Day Without You” pagkatapos nilang maghiwalay ni Kim.

Una namang pinarangalan ang talento niya bilang Best Single Performance by an Actor sa PMPC Star Awards for Television at Gawad Tanglaw para sa kanyang pagganap sa “Maalaala Mo Kaya: Lubid” episode. Napukaw din niya ang puso at atensyon ng publiko at mga eksperto sa pagganap niya sa teleseryeng “Budoy” bilang isang mentally-challenged at ginawaran siya ng Best Performance by an Actor ng Golden Screen TV Awards, Gawad Tanglaw at KBP Golden Dove Awards.  

Nagpakitang-gilas ulit siya sa Maalaala Mo Kaya episodes na “Bituin” (2014) at “Class Picture” (2015) episodes na kinilala ng Gawad Tanglaw at Best Supporting Actor sa indie film na “On the Job” mula sa Gawad Pasado Awards.

Philanthropy work

Aktibo rin ang aktor sa mga volunteer works, isang halimbawa na lang ang pagtulong niya sa mga kababayan noong Typhoon Ondoy at dito niya naisip magpatayo ng isang foundation. At kamakailan ay ipinagdiwang ng Kapamilya star ang kanyang ika-27 na kaarawan kasabay ng isang benefit dinner at launch ng Gerald Anderson Foundation Inc., (GAF) na ginanap sa Le Rêve sa Diliman, Quezon City sa pagkalap ng pondo at orientation na layuning sanayin ang mga aso para sa search and rescue operations.

Bilang dog-lover, mahalaga aniya ang mapanatili na nasa magandang kundisyon ang mga aso kaya’t malaki sa pondo ang mapupunta sa kanilang pagkain at vitamins. Sa ngayon, apat na trained dogs ang nasa organisasyon. Nakaatas sa kapatid na si Ken ang training na ginagawa sa Clark, Pampanga.

Misyon din ng foundation ang bumisita sa mga barangay para tulungan ang mga residente na sanayin ang kanilang mga aso ng mga safety drills at hiling ni Gerald na mas marami pa ang tumulong at sumuporta sa adhikain niyang ito.

Alyssa Valdez: Bagong prinsesa ng UAAP Women’s Volleyball



Kuha mula sa Internet
Katulad ng UAAP Men’s Basketball kung saan laging mainit ang tunggalian ng dalawa sa mga paboritong koponan sa liga, ang Ateneo Blue Eagles at La Salle Archers, parehas din ang eksena sa nagaganap na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Women’s Volleyball kung saan head-to-head ang laban ng two-time at defending champion na Ateneo Lady Eagles at La Salle Lady Spikers para manguna sa standing ng UAAP Women’s Volleyball Season 78. 

At sa gitna ng hitik na aksyon at masigabong sigawan ng mga kani-kanilang taga-suporta, isang pangalan ang higit na kapansin-pansin sa pangunguna niya sa kanyang koponan para muling makuha ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato – si Alyssa Valdez. Kung dati ay si Rachel Daquis ng FEU Lady Tamaraws ang namamayani at itinuturing na mukha ng UAAP Women’s Volleyball, ngayon ay makikita naman ito kay Alyssa Valdez.

Isang two-time UAAP Volleyball MVP (Season 76 – 77) ang outside spiker at three-time best scorer na si Valdez, gayon din ang Conference MVP at Shakey’s V-League Open. Isa rin siya sa itinuturing na pinakamagaling na offensive players at kabilang sa tinaguriang Ateneo Fab 5 kasama sina Fille Cainglet, Angeline Gervaciio, Gretchen Ho, Aillysse Nacachi at Jem Ferrer.

Scoring ace, two losses

Patuloy na hinahamon ni Valdez ang sariling kakayahan at nilalampasan ang sariling points record. Nang kakaumpisa pa lang ang Season 78, early top scorer agad si Valdez. Itinakda ng Ateneo star ang 69 puntos sa loob lamang ng tatlong linggo. Mula sa 69 na puntos, 60 dito ay spikes, tatlong off blocks at anim ay mula sa serve. Sa pagtatapos ng first round eliminations, umabot ang total points ni Valdez sa 113 at kung saan nanguna naman si UST Lady Tigresses ace na si Cherry Rondina (129 points).

Bagaman dumanas ng two-losing streak ang Ateneo nang ginulat sila ng La Salle at UP Lady Maroons, nakabalik naman sa winning form ang Ateneo nang talunin nila ang NU Lady Bulldogs.

“You can’t have the strongest heart if you don’t play happy. We really need to be happy inside the court and naturally lalabas iyong strong heart namin,” pahayag ni Valdez.

Kinilala niya na mas may drive manalo ang UP at La Salle kaysa sa kanila kaya sila natalo. Tinukoy niya ang kakulangan nila skills-wise, teamwork, consitency, drive to win at being happy inside the court kaya sila natalo.

Bukas naman si Valdez sa muling pagsasama nila ni Abigail Maraño ng La Salle. Naging teammate ang dalawa sa national team sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.

Final year

Huling taon na ng 22-taong-gulang na si Valdez sa UAAP ngunit para sa kanya ay wala muna sa isip niya na nalalapit na ang pag-alis niya sa UAAP. Dagdag pa ng dalaga, hindi pa siya handang magpaalam sa kanyang collegiate career. Mas mahalaga aniya ngayon ang mag-enjoy at mag-focus muna sa Season 78, ngunit inaming magkahalo ang nararamdaman niya, malungkot ngunit masaya rin sa mga magagandang karanasan niya sa Ateneo at UAAP.

Game changer

Sa kamakailan na Spin Sportsman of the Year kung saan ginawaran siya bilang Sportsmen Who Change the Game, ibinahagi niya na ang kanyang inang si Lita ang kanyang “game changer” at role model. Aniya, ang kanyang ina ang una niyang naging coach, ang unang nagtiyaga at nagpatikim ng hirap at saya sa volleyball. Nagpasalamat din siya sa kanyang ama na si Ruel na kanyang unang cheer leader.

Dagdag ng dalaga, minsan parehas ang mga personalities ng mga nanay at hindi maiiwasan na maiinis tayo sa mga magulang natin, ngunit sa huli, alam nila ang makabubuti. “You really have to listen and you’re going to realize it soon enough.”

Para sa kanya, ngayon na mayroon tayong panahon, mahalagang magpasalamat at kilalanin ang mga ginagawa ng mga magulang natin para sa atin.

Promising talent in early years

Maaga pa lang ay nakitaan na si Valdez ng talento sa volleyball. Laking San Juan, Batangas si Valdez at nag-iisang babaeng anak nina Ruel at Pablita. Natuto siyang maglaro kasama ang dalawa niyang kuya sa edad na 10.

Nadiskubre siya ng University of Santo Tomas (UST) nang maglaro siya sa Southern Tagalog Athletic Association (STACAA). Naging produktibo ang apat na taon niya sa UST. Sa unang taon pa lang ay napili siyang miyembro ng NCR team para sa Palarong Pambansa. Isa siya sa mga nanguna para makuha ng UST ang mga kampeonato sa UAAP Seasons 70 – 72, National Shakey’s Girls’ Volleyball League (2009) kung saan naging three-time MVP din siya.

Miyerkules, Abril 6, 2016

Tuklasin ang mga bagong summer destinations sa Pilipinas


Nalalapit na naman ang summer kung saan paborito ng karamihan na mag-travel sa mga sikat na destinasyon sa loob at labas ng bansa.

Maliban sa mga nakagawian nang puntahan na destinasyon gaya ng Baguio City, Sagada, Banaue Rice Terraces sa Ifugao, El Nido, Coron, Tubbataha Reefs Natural Park, Puerto Princesa sa Palawan, at Boracay sa Aklan. Tuklasin natin ang mga bagong destinasyon na hindi pa gaanong popular ngunit kasing ganda rin ng mga lugar na alam na ng karamihan.

Hindi na bago sa mga banyaga at mga Pinoy na turista ang Surigao del Norte, ngunit hindi pa gaanong natutuklasan ang Surigao del Sur na mayroon din mga kamangha-manghang mga lawa gaya ng Blue Lagoon na matatagpuan sa munisipalidad ng Cantilan gayon din ang mga spotless na white beaches.

Huwag din palampasin ang Britania group of islands sa San Agustin na nagtataglay ng 24 na isla at maliliit na isla na pinapaligiran ng karst (landscape formed from dissolution of rocks), 55 meter three-tiered Tinuy-an Falls na 95 metro ang lawak sa munisipalidad ng Bislig, gayon din ang misteryosong 80 feet-deep na Enchanted River sa kanyang kaakit-akit na kulay na sapphire blue na matatagpuan naman sa Hinatuan.

At sa Mindanao region pa rin, lumabas sa siyudad ng Davao, dito ay sasalubungin ka ng Davao Oriental at ang maharlikang 1,110 feet, 8-tiered na Aliwagwag Falls sa Cateel, ang 7-kilometrong Dahican Beach sa Mati na magandang mag-skimboarding, at higit sa lahat ang bagong UNESCO World Heritage Site na Talicud island sa Davao del Norte at ang Mt. Hamiguitan na kilala sa mga bonsai trees nito at tahanan ng mga agila.

Sa rehiyon naman ng Visayas, mag-relax at magliwaliw sa Roxas sa probinsiya ng Capiz na tinaguriang Seafood Capital ng bansa, mag-river cruise, mag-island hopping sa white beach ng Olotayan at rock island sa Mantalinga, akyatin ang bell tower ng Santa Monica church sa Pan-ay, mag-caving sa Lahab Cave sa Dumalag, mag-sunny dip sa Suhot Spring, mag-trekking sa Liktinon, Pres. Roxas at Camp Peralta sa Jamindan.

Bagaman tinamaan ng Typhoon Yolanda, unti-unti nang nakakabangon ang Leyte kaya’t magandang pagkakataon para suportahan ang mga mamamayan nito sa pagbisita sa Kalanggaman island sa Palompon, maglaro sa payapang tubig ng Lake Danao sa Ormoc, restored MacArthur Landing Memorial Park, at makisaya sa Ginsiyaman Music Festival ng mga taga-Tacloban tuwing Setyembre na unang isinagawa noong nakaraang taon.

Lumabas naman sa Cebu City at galugarin ang katimugang bahagi ng Cebu na nagtataglay ng Alcoy at Aloguinsan beach, Bojo River, nature trip sa Moalboal, canyoneering sa Badian, Malapascua island at historical trip sa Carcar.

Hindi naman magpapahuli ang Luzon na matatagpuan ang Quirino na mayaman sa mga kweba, karsts, bulubundukin, at mga ilog na swak na swak sa mga aktibidad na canoeing at tubing sa Siitan, spelunking sa Aglipay caves, dipping, whitewater rafting sa Governor’s Rapids sa Maddela at boating. Panoorin din sa Nagtipunan ang mala-larawang view ng Cagayan River.

Nariyan din ang laging nasa bucket list ng lahat, ang evergreen Batanes na punung-puno ng naggagandahang tanawin ng burol at talampas na pinapaikutan ng mga alon at mga stone houses. Hamunin ang sarili at tahakin ang mga matataas na alon sa pagsakay sa faluwa papuntang Itbayat, ang isla sa pinaka-hilagang bahagi ng isla na malapit na sa Taiwan. At siyempre, pagdating sa pagkain siguradong masasarap din gaya ng samu’t saring seafood.


Isama din sa iyong listahan ang Langun Gobingob sa Samar at Biri sa Northern Samar, Dumaguete sa Negros Oriental, Antique Rice Terraces sa Panay, Catanduanes sa Bicol, Carabao island at El Fraile sa Ternate at Maragondon sa Cavite, Calayan Group of Islands, Calaguas Group of Islands, Batlag Falls sa Tanay, Rizal, Bukal Falls sa Majayjay, Laguna, Tinalisay island sa Masbate, Sibale island sa Romblon, Mt. Ulap sa Itogon, Benguet, Malicong Rice Terraces sa Bontoc Province, at Mt. Pinagbanderahan sa Atimonan, Quezon. 

Experience unique travel in one-of-a-kind Asian train journeys


Sa Japan, malaking bahagi na ng kanilang katangi-tanging kultura ang mga tren, maliban sa dami ng mga taong sumasakay dito araw-araw, para sa kanila, hindi lang ito simpleng klase ng transportasyon. At dahil dito, isa ang Japan sa unang papasok sa isip ng sinuman kapag naisip ang mga mahuhusay at mabibilis na tren gaya na lang ng Shinkansen.

Katangi-tangi rin ang konsepto ng bawat istasyon na may kanya-kanyang departure melody na maririnig bago umalis ang tren. Wari ay para itong senyas na magbibigay sa’yo ng impormasyon kung nasaang istasyon ka.

Mayroon din tinatawag na mga “train otaku” o mga indibidwal na napakalaki ang interes sa anumang may kinalaman sa mga tren. Pinag-aaralan nila at lagi silang updated sa mga iba’t ibang modelo ng tren, dumadalo sa mga convention, nagko-kolekta ng mga train-related items at collectibles, at sinasadya ang mga tren para obserbahan at maranasan ang mga ito at kinukunan ng mga litrato.

At kung ikaw ay kagaya ng maraming train otaku sa Japan at nais mo pang tuklasin at maranasan ang iba pang ‘di malilimutang paglalakbay sa pamamagitan ng tren, nariyan ang The Eastern & Oriental Express, Maharajas’ Express ng India, Qingzang Railway ng China, at Golden Eagle.

Bumibiyahe ang Eastern & Oriental Express o E&O sa Singapore, Malaysia at Thailand. Mayroon itong 2 nights / 3 days journey mula Singapore - Bangkok isa o dalawang beses bawat buwan mula Marso hanggang Disyembre; 3 nights / 4 days journey mula Bangkok - Singapore ng isa o dalawang beses sa isang buwan mula Pebrero hanggang Disyembre; at mga espesyal na 3 – 6 nights journey sa Bangkok – Vientiane, Bangkok – Chiang Mai at mas mahabang itinerary ng Singapore – Bangkok.

Bahagi ng package ang private sleeper, meals maliban sa drinks, at tours sa Kuala Kangsar, Malaysia at Bridge on the River Kwai sa Thailand. Para sa tickets at iba pang impormasyon, magpunta lamang sa ww.belmond.com.

Maging isang maharaja o maharani sa loob ng ilang araw sa pamamagitan ng Maharajas’ Express na dadalhin ka sa isang mala-royalty na paglalakbay. Mayroon itong limang biyahe:  Heritage of India (7 nights / 8 days, Mumbai – Ajanta – Udaipur – Jodhpur – Bikaner – Jaipur – Ranthambore – Agra – Delhi), Treasures of India ( 3 nights / 4 days, Delhi – Agra – Ranthambore – Jaipur – Delhi), Gems of India ( 3 nights / 4 days, Delhi – Agra – Ranthambore – Jaipur – Delhi), Indian Panorama ( 7 nights / 8 days, Delhi – Jaipur – Ranthambore – Fatehpur Sikri – Agra – Gwalior – Orchha – Khajuraho – Varanasi – Lucknow – Delhi), at India Splendor ( 7 nights / 8 days, Delhi – Agra – Ranthambore – Jaipur – Bikaner – Jodhpur – Udaipur – Balasinor – Mumbai).

Isa namang kamangha-manghang imbensyon ang Qingzang Railway na binuksan noong 2006 at bumibiyahe mula Xining, Qinghai Province papuntang Lhasa, Tibet o “Roof of the World” kung saan makikita ang Tibetan Plateau na pinaliligiran ng nagtataasang mga bulubundukin at ang dalawa sa pinakamataas na bundok sa mundo – Mount Everest at K2. Ito rin ang pinakamataas na railway line sa buong mundo kung saan ang pinakamataas na istasyon nito ay ang Tanggula station na nasa 5,072 metres above sea level.

Lakbayin naman ang Russia hanggang Mongolia sakay ng Golden Eagle Trans-Siberian Express na nagdurugtong sa silangan at kanluran. Tatlo ang regular journey nito kabilang ang Golden Eagle – Trans-Siberian Express Eastbound (Moscow – Kazan – Yekaterinburg – Novosibirsk – Irkutsk – Lake Baikal – Ulan Ude – Ulaan Baatar – Vladivostok), Westbound (Vladivostok – Khabarovsk – Ulaan Bataar – Ulan Ude – Lake Baikal – Irkutsk – Novosibirsk – Yekaterinburg – Kazan – Moscow) at Golden Eagle Ulaan Baatar Express ( Moscow – Ulaan Bataar).

Nagdiriwang ito ngayong taon ng ika-100 anibersaryo nito mula nang magbukas ito sa publiko at bilang bahagi ng selebrasyon ay inihahandog nila ang dalawang eksklusibong biyahe – ang Trans-Siberian Express via Baikal-Amur Magistral ngayong Hunyo at Trans-Siberian Express – Siberian Discovery sa darating na Hulyo.


X-ray astronomy satellite na susuri sa black holes inilunsad ng Japan


Ni Florenda Corpuz


Kuha mula sa JAXA
Matagumpay na inilunsad ng Mitsubishi Heavy Industries, Ltd. at Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) ang H-IIA rocket lulan ang X-ray astronomy satellite na susuri sa misteryo ng black holes.

Mula sa Tanegashima Space Center, lumipad ang H-IIA rocket 5:45 p.m. Pebrero 17 habang humiwalay naman dito ang X-ray astronomy satellite na tinawag na ASTRO-H humigit kumulang 14 minuto at 15 segundo matapos itong umangat sa lupa.

“The satellite is currently in good health,” pahayag ng JAXA.

“ASTRO-H is the eye to study the hot and energetic universe. Therefore we name ASTRO-H, ‘Hitomi,’ dagdag pa ng ahensya.

Ang Hitomi ay salitang Hapon na may kahulugang “pupil or entrance window of the eye - the aperture.”

Ang ASTRO-H ay may habang 14 na metro at bigat na 7.2 tonelada. Ito ang itinuturing na pinakamabigat na scientific satellite na ginawa ng Japan katulong ang NASA at iba pang ahensya. Mula sa final orbit nito kung saan iikot ito sa mundo sa altitude na 580 kilometro ay oobserbahan nito ang kalangitan. Inaasahan na magsisimula ang operasyon nito sa Agosto.

Taglay ng ASTRO-H ang apat na X-ray telescopes at dalawang gamma-ray detectors. Ang mga datos na makakalap nito ay gagamit para pag-aralan ang misteryo ng black holes.

Inaasahan na isasagawa ng ASTRO-H ang misyon nito sa loob ng tatlong taon kung saan mahigit sa 200 mananaliksik mula sa Japan at iba’t ibang bansa sa mundo ang mag-aaral nito.

Ang ASTRO-H ang pang-anim na X-ray astronomy satellite na inilunsad ng Japan; una ang Hakucho satellite na inilunsad taong 1979. Habang ito naman ang ika-30 paglulunsad sa H-IIA rocket na nagbigay dito ng 97 porsyentong success rate.

Umabot sa $271 milyon ang kontribusyon ng Japan sa proyekto habang naglagak naman ng $70 milyon ang NASA.


TOTO opisyal nang inanunsyo bilang partner ng Tokyo 2020

Ni Florenda Corpuz


TOTO officials (Kuha mula sa Tokyo 2020)
Opisyal nang bahagi ng 2020 Tokyo Olympics and Paralympics Games ang nangungunang Japanese toilet maker brand na TOTO Ltd. (TOTO), ito ang inanunsyo ng organising committee ng Tokyo 2020 kamakailan.

Sa ilalim ng Tokyo 2020 Sponsorship Programme, nakapasok ang TOTO sa kategoryang second tier na binubuo ng mga official partners kung saan ito ay magsu-supply ng bathroom at kitchen fixtures para sa pandaigdigang palaro.

“TOTO Ltd. provides a variety of essential plumbing products that contribute to healthy and added-value lifestyles to people in Japan, and we are delighted to welcome the company as a Tokyo 2020 Official Partner. I have high expectations that TOTO will exemplify the omotenashi (selfless hospitality) that we aim to extend to all athletes, Games-related personnel and spectators,” pahayag ni Tokyo 2020 President Yoshiro Mori.

“We are extremely honoured to be able to contribute to the Tokyo 2020… we will continue to create and offer plumbing and sanitary space that both athletes who come from overseas to compete and everyone in Japan who supports them can use safely, securely and comfortably,” sabi naman ni TOTO President Madoka Kitamura.

Nangunguna ang TOTO sa toilet innovation simula ng maimbento ang unang seated flush toilet ng Japan dahil sa mga high-tech at accurate na plumbing products nito, bathtubs, washbasins at bidet jets kung saan pino-promote ang water-saving at clean technologies.


Sa kasalukuyan ay mayroon ng 27 partners ang Tokyo 2020 kung saan kabilang ang TOTO sa 12 official partners. 

Linggo, Abril 3, 2016

Your credit card and being financially responsible

Photo from the internet
Sa makabago at mabilis na takbo ng mundo ngayon na dala ng modernisasyon at mga imbensyon sa teknolohiya, halos lahat ng bagay ay mas madali na. Kung dati, lahat ng transaksyon at pagbili sa merkado ay gumagalaw sa pamamagitan ng pisikal na pera, ngayon ay nariyan na ang debit cards at credit cards na mga tinaguriang “plastic money” na isang swipe na lang ay puwede ka nang makabili ng gamit.  

Ipinakilala sa publiko ang unang universal credit card noong 1950 ng Diners’ Club, Inc. sa Amerika na inimbento ng Diners’ Club founder na si Frank McNamara at binuo para ipambayad sa restaurant bills. At noong 1958 naman, lumabas naman ang isang travel and entertainment card na binuo ng American Express Company.

Ngayon, halos lahat na ay gumagamit ng credit card, mapa-bata, estudyante, empleyado, mga negosyante at iba pa. Kapaki-pakinabang at praktikal ang credit card ngayon at mayroon din ilang benepisyo na natatanggap ang mga credit card users mula sa kanilang mga bangko. Magagamit din ito bilang epektibong paraan sa pamamahala ng iyong cash flow.

Ngunit hindi isang magic card ang isang credit card, samakatuwid, kaakibat ng paggamit nito ay ibayong pag-iingat at responsibilidad mula sa sinumang cardholder. Kinakatawan ng isang credit card ang isang kontrata sa pagitan ng isang cardholder at ng financial institution o bangko. Gagamitin ng isang cardholder ang pondo ng institusyon at babayaran ito sa nakatakdang due date bawat buwan.

Payo ng Financial Consumer Agency of Canada, bago kumuha ng credit card ay alamin muna ng maigi kung ano ang pinapasok. Basahin at intindihin ang mga nakasaad sa terms and conditions ng kontrata. Alamin ang annual fees, interest rate, payment terms at credit limit. Kilalanin ang sarili pagdating sa paggamit ng pera, tukuyin ang iyong spending habits at gumawa ng panuntunan para sa sarili kung paano at saan mo ito gagamitin. Limitahan din ang bilang ng mga credit cards dahil ang bawat pagkuha ng credit card sa iba’t ibang bangko ay magkakaroon ng hindi magandang impresyon sa iyong credit rating sapagkat maaaring iniaasa mo na ang lahat sa credit.

Kapag mayroon nang credit card, isaisip ang pag-develop ng good credit habits. Ayon sa Macquarie, para magkaroon ng good credit habits, bumuo ng balance budget para mapag-aralan ang mga incoming at outgoing mo bawat buwan. Gumamit ng budget planner kung kailangan at siguraduhing huwag gagastos ng higit pa sa kaya mo. Mahalaga rin aniya na bayaran ng buo lagi sa bawat due date ang credit card balance mo. Sa pamamagitan nito ay makakaiwas ka sa extra charges, interes at higit sa lahat pagkakautang. Maigi rin gamitin ang credit card sa mga araw-araw na bilihin para mapanatili ng mas matagal ang cash sa iyong savings account at makaiwas sa withdrawal fees.

Maging wais sa paggamit ng iyong card. Iwasan ang impulse buying lalo na kung wala ka pa talagang nakalaan na pera para ipambayad dito. Kung sakaling may maiwang balanse, siguruhing bayaran ito agad-agad dahil ang interes ay pumapasok sa bawat araw.

Umiwas din sa pagkuha ng cash advances sa iyong card dahil walang grace period ito ‘di gaya ng regular na credit card purchases at sa unang araw pa lang ay may interes ka na hanggang sa araw na mabayaran mo ito ng buo. Tingnan din mabuti ang iyong credit card statement para masiguro na walang pagkakamali sa iyong mga purchases. Huwag din magpasilaw sa rewards program at biglaang lakihan ang iyong paggastos para lang makaipon ng puntos. At higit sa lahat, panatilihing pribado ang iyong PIN at security code para makaiwas sa pagnanakaw at fraud.


Internet speak and its continued evolution and influence



Tinatawag na Internet slang o Internet speak ang mga madalas na ginagamit ngayon ng mga tao sa mundo ng online community, kung saan walang grammar rules at standards na kailangan sundin na hindi kagaya ng pormal na pagsusulat at ng mga tradisyonal na paraan ng pakikipag-usap noong wala pang Internet.

Mismong mga linguists o mga eksperto sa lengguwahe ay inaming mahirap tukuyin kung saan-saan ba nagmula ang iba’t ibang mga sikat na Internet phrase at  acronyms na namamayani ngayon sa Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr at iba pa. Ngunit aniya, nagsimulang magkaroon ng Internet slang noong halos bago pa ang Internet.

Nariyan ang mga simpleng keyboard emoticons, emojis at mga basic acronyms na ASL (Age, sex, location), BFF (Best Friends Forever), ADDY (As Far As I Know), AFK (Away from keyboard), BRB (Be right back),  BTW (By the way), OMG (Oh, my God!), IM (Instant messaging), FYI (For your information), IMO (In my opinion), IRL (In real life), LOL (Laughing out loud), LDR (Long distance relationship), PM (Private message), PDA (Public display of affection), POV (Point of view), TBT (Throwback Thursday), MCM (Man Crush Monday), FBF (Flashback Friday), WTF (What, why, who the fuck?), TTYL (Talk to you later), TBH (To be honest), IONO ( I Don’t Know), FTW (For the win!), XOXO (Hugs and kisses), NSFW (Not safe for work), MRW (My Reaction When) at napakarami pang iba.

Maging sa mundo ng pagnenegosyo sa industriya ng teknolohiya ay ginagamit din ang Internet slang gaya ng API (Application Programming Interface), B2B (Business-to-Business), B2C (Business-to-Consumer) CMGR (Community manager) CMS  (Content Management System), CPC (Cost per click), CR (Conversion rate), CRM  (Customer Relationship Management), CSS (Cascading stylesheet), CTR (Clickthrough rate), CTA (Call-to-action), ESP (Email service provider), HTML (Hyper Text Markup Language), PPC (Pay per click), UX (User experience), URL (Uniform Resource Locator),  UI  (User interface),  UGC (User-generated content), SMM (Social media marketing), SEO (Search engine optimization), at ROI (Return on investment).

Mabilis ang pagbabago ng mga bagay-bagay sa Internet na kilala sa “give-me-now” culture nito at lahat ay ginagawang shortcut at mabilisan ang pagpapaliwanag ng sarili sa online community.

Kaugnay nito, napabalitang ang Facebook ay binubuo ang isang system kung saan maghahanap ito ng mga bagong Internet slangs mula sa mga Facebook posts at tutukuyin kung ang mga ito ay ginagamit ng karamihan, saka nito isasama sa isang glossary na may kahulugan base sa user posts. Maaari rin bumoto ang mga users kung dapat bang tanggalin o isama ang mga salita sa glossary.

Ngunit hindi na lang limitado ang Internet speak ngayon sa mga emoticons, acronyms at emojis. Isang halimbawa ang Internet phrase na “I can’t even right now, I’m literally dying” na ang ibig sabihin ay para bang natatabunan ng sobra-sobrang emosyon ang nagsabi nito at hindi niya kinakaya ang sitwasyon. Sikat din na expression ang “I see what you did there,” “Right in the feels” at “Shut up and take my money.”

Ngayon maging sa pang-araw-araw na normal na pag-uusap ng mga tao kahit sila pa ay magkaharap ay ginagamit na ang mga nasabing expressions. Patunay na, hindi na lang sa online community ang impluwensiya ng Internet speak. Maging ang ibang mga lengguwahe ay may mga sariling Internet speak din.

Napaka-experimental ng Internet speak at paiba-iba ang mga salitang ginagamit na tinawag na “linguistic bonding mechanism” ng linguist na si David Crystal na depende sa social platform gaya ng YouTube, Facebook, Twitter, Instagram, Reddit, o Instagram at emails, blogs, o chatrooms

Ayon pa kay Crystal, ang Internet speak ay resulta ng natural na reaksyon ng mga tao pagdating sa pakikipag-usap sa online community. Dahil hindi nakikita ang kausap, wala rin facial expression o gesture na makatutulong para isalin sa taong kausap ang kahulugan ng sinasabi na higit pa sa salita lamang.

Bagaman, magkahalo ang reaksyon ng mga eksperto tungkol dito, wala naman aniya ito pangmatagalang epekto sa English language dahil sa “temporary and dynamic facets” nito. Malaki rin aniyang dahilan ng kasikatan nito ay dahil madali itong gamitin sa pang-araw-araw na informal conversations. Dagdag pa ni Crystal, hindi naman masama ang impluwensiya ng Internet speak, sa katunayan ay pinapalawak pa nga nito ang modernong lengguwahe.

Fukuoka: Unang lungsod na nagbukas ng oportunidad sa mga dayuhang negosyante

Ni Florenda Corpuz

Watanabe-dori Avenue sa Chuo-ku, Fukuoka City
Kabilang ang Fukuoka City sa 10 pinakamalaking lungsod sa Japan kung saan ang bilang ng populasyon ay umaabot sa 1.4 milyon. Tinatawag itong “Gateway to Asia” dahil sa pagiging accessible nito sa mga karatig-bansa sa Asya tulad ng Korea, China, Taiwan at Pilipinas kaya naman madalas itong puntahan ng mga dayuhang turista.

Ngunit hindi lamang mga dayuhang turista ang welcome sa Fukuoka City kundi pati na rin mga dayuhang mamumuhunan dahil kamakailan ay sinimulan na ang implementasyon ng “Startup Visa (Entrepreneurial Incentives for Foreigners)” na magbibigay ng insentibo sa mga dayuhan para maging business entrepreneurs sa lungsod.

Noong Mayo 2014 ay itinalaga ng pamahalaan ang Fukuoka City bilang National Strategic Special Zone kung saan nakapaloob ang implementasyon ng startup visa.

Bago makapagsimula ng negosyo ang isang dayuhang mamumuhunan sa Japan ay kinakailangan muna nitong magsumite ng mga prerequisites para makakuha ng “business manager” visa.

Nakapaloob sa kasalukuyang sistema na kinakailangan din na magbukas ng opisina at mag-hire ng dalawa o higit pang permanenteng empleyado o kaya ay may mahigit sa limang milyong yen na puhunan ang dayuhang negosyante sa kanyang pagsumite ng aplikasyon para sa business manager residential status sa Immigration Bureau.

Sa ilalim ng startup visa system ay papayagan ang mga dayuhang mamumuhunan na makatanggap ng business manager residential status na may bisang anim na buwan nang hindi na kinakailangan pang magsumite ng mga prerequisites. Ngunit kinakailangan niyang magsumite ng New Business Implementation Plan (NBIP) sa Fukuoka City.

Kapag nakumpirma ng lungsod na kayang ibigay ng dayuhang negosyante ang mga kinakailangang requirements ay susuriin ito ng Immigration. Kapag naaprubahan ay bibigyan ang dayuhang negosyante ng anim na buwan para makumpleto ang mga standard prerequisites at kumpletong proseso habang binubuo niya ang kanyang negosyo sa pamamamagitan ng pag-expose sa kanya sa Japanese market at kultura.

Tutulungan ng Fukuoka City ang mga dayuhang negosyante sa pamamagitan ng Startup Café upang mapadali ang kanilang pagkumpleto sa mga prerequisites na kailangan para ma-renew ang kanilang business manager visa. Kabilang sa mga serbisyong ibibigay ng Startup Café ay ang mga sumusunod: commercialization brush-up service, free consultations with lawyers, tax accountants, administrative scriveners, referrals to office and residential lenders, matching service for businesses and potential employees at discount coupons for cloud services.

Ang Startup Café ay matatagpuan sa 1-20-17 Imaizumi, Chuo Ward, Fukuoka City, 3rd Floor, Tsutaya Bookstore Tenjin.

Pinoy designer Kim Gan, ibinida ang mga disenyo sa Sakura Collection

Ni Florenda Corpuz


            Tangan ni Rommel Manlangit ang litrato ng designer na si
Kim Gan sa finale walk kasama si Yu Takahashi. (Kuha ni Din Eugenio)

Itinanghal ang mga obra ng Filipino fashion designer na si Kim Gan sa nagdaang Sakura Collection 2015-16 na ginanap sa Akarenga Red Brick House noong Marso 5.

Ibinida sa runway ng Japanese-Filipino actress at model na si Yu Takahashi kasama sina Miss World Japan 2015 finalists Natsuki Robertson at Himawari Yamashita ang mga disenyo ni Gan na napili ng Sakura Fashion Board na maging kinatawan ng Pilipinas.

“Kim is very proud to represent the Philippines here in Japan for the Sakura Collection because this is good venue to showcase the Filipino artistry and creativity in the world stage,” sabi ng creative director na si Rommel Manlangit na naging kinatawan ni Gan sa palabas.

Hindi nakarating si Gan sa Japan dahil sa karamdaman.

Bukod kay Gan, lima pang magagaling na fashion designers mula sa mga bansa sa ASEAN ang naimbitahan na sina Justin Chew ng Malaysia, Thim Pisith ng Thailand, Ha Linh Thu ng Vietnam, Sabrina Goh ng Singapore at Sofie ng Indonesia.

Nagtapos si Gan ng Interior Design sa University of Santo Tomas at nag-aral ng practical education in arts and fashion sa Tokyo dahil sa kanyang pagkamangha sa kultura at aesthetics ng Japan. Binuksan niya ang kanyang fashion company na “Gakuya” sa Corinthian Gardens Clubhouse noong 2009.

Nakilala si Gan sa international scene nang mailathala sa Vogue Italia ang kanyang mga gowns. Kabilang sa mga sikat na personalidad na kanyang nabihisan ay sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at Miss Philippines Universe 2014 Mary Jean Lastimosa.

Layon ng Sakura Collection na itaguyod ang craftsmanship culture ng Japan at pagyamanin ang cultural exchange sa mga bansa sa Asya.