Nagsimula na ngang umere at mapapanood na nang
eksklusibo sa Amazon Prime Video ang pinakabagong Amazon Original series nito
sa pagsisimula ng Setyembre at pagpasok ng autumn season dito sa Japan – ang
inaabangang action-drama-thriller na pinamagatang “Final Life – Even if You’re
Gone Tomorrow (ファイナルライフ− 明日、君が消えても−) na pinagbibidahan ng sikat na
aktor na si Shota Matsuda at miyembro ng KPop idol group na SHINee na si Taemin.
Hate, Love, Fate, Loss
Ang bagong serye ay pagpapatuloy ng pagbibigay ng Amazon Japan ng mga
de-kalidad at matatagumpay na regional programming.
“Prime members will become hooked on this thrilling yet poignant drama
series with an unusual pair of leads from completely different backgrounds,”
ang pahayag ni Amazon Prime Video Asia Pacific content head James Farrell sa panayam ng Variety sa kanya. Kasabay din ng
anunsyo ang paglulunsad kamakailan sa official trailer at visual image ng
naturang serye.
Inilalarawan
ang kwento nito na isang human drama tungkol sa dalawang kalalakihan na lumaki
sa magkaibang klase ng buhay – si Ryo Kawakubo (Matsuda) na isang matinik na
detective sa isang special investigative unit, na dumaan sa kahirapan at
pagkasawi ng nakababatang kapatid dahil sa kapabayaan ng sariling ina at
ngayo’y hinahanap din ang nawawalang ina pagkatapos ng pangyayari; at si Song
Shi-on (Taemin) na naging marangya ang buhay at nanguna sa pagtatapos nito sa
isang medical school sa Amerika hanggang sa maging test subject ito ng isang
eksperimento na magiging sanhi ng pagkawala ng kanyang memorya.
Magtatagpo
ang landas ng dalawa sa secret special unit at sa kabila ng ‘di pagkakatulad ng
dalawa ay matutulak sila na harapin ang mga hamon para resolbahin ang mga kumplikadong
kaso.
Mula ang
produksyon kina director Masatoshi Kurakata at screenwriters Sumino
Kawashima at Junichiro Taniguchi. Mayroon itong
kabuuang 12 episodes na ilalabas tuwing Biyernes ng 12 midnight simula
Setyembre 8 at tatakbo hanggang Nobyembre 24.
Tampok
din ang theme song nito na “What’s This Feeling” na kinanta ni Taemin. Bahagi
rin ng cast sina Miori Takimoto, Shigeyuki Totsugi, Maho
Nonami, at Sho Aikawa.
Unexpected pair of leads
Isa sa
kaabang-abang ang kumbinasyon ng dalawang bida, na gaya ng mga karakter nila ay
malaki ang pagkakaiba.
Kilala
sa industriya si Matsuda na showbiz royalty bilang anak ng iconic actor na si
Yusaku at actress-photographer na si Miyuki, kuya na si Ryuhei na isa rin na
aktor at nakababatang kapatid na singer na si Yuki.
Ilan
lamang sa mga notable performances ng aktor sa loob at labas ng Japan ang “Dias
Police,” “Over the Fence,” “Liar Game” series “Love Shuffle,” at “Hana Yori
Dango” series. Naparangalan na rin nito sa Nikkan Sports Film Awards, Japan
Academy Prize at Mainichi Film Awards para sa “Ikigami” at “Waruboro.”
“Though
I struggled, I did my best to say the Japanese and English lines. Since it’s a
role that required detailed expressions besides the words (saying the lines),
it was difficult. I did my best giving it a lot of thought and listening to
advice so please look forward to it,” ang pahayag ni Taemin na unang pagkakataon
sasabak sa pag-arte.
Pormal
na acting debut ito ni Taemin na nakilala bilang bahagi ng SHINee ng SM
Entertainment. Ilan lamang sa kanyang mga acting projects ang “Ring Ding Dong,”
“Replay,” “Juliette,” “Stand By Me,” “Sherlock,” at “Hello.” Kamakailan naman
ay nagtanghal ang singer bilang promosyon din ng Japanese album nito na “Flame
of Love” sa kanyang unang solo concert sa Nippon Budokan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento