Miyerkules, Disyembre 5, 2018

Brighten up your festive food this holiday season with Creamy Tomato Garlic Chicken

Carnation photo

Palapit nang palapit na naman ang panahon ng Kapaskuhan ngunit ngayon pa lamang ay mabuti nang pag-isipan at paghandaan nang maaga ang mga balak gawin sa muli na namang pagsasama-sama ng pamilya sa Noche Buena para sa pagdiriwang ng Pasko.

At dahil napakahilig ng mga Pinoy sa mga salo-salo at masasayang kwentuhan sa hapag-kainan, siguradong hindi mawawala ang presensiya ng kahit anumang lutuin na manok – mapa-lechon, adobo, tinola, sinampalukan, pininyahan na may gata, sopas, barbecue, curry, kaldereta, asado, salpicao, inasal, binacol, afritada, chicken ala king, chicken pastel, cordon bleu, lemon chicken, at siyempre fried chicken.

Hearty and tasty, rich and creamy

Itinuturing na isa sa paboritong pagkain ang manok ng mga Pinoy anumang klase ng okasyon. Maliban sa mga popular nang lutuing manok na madalas nakikita sa mga handaang Pinoy, hindi ba’t nakapupukaw ng pansin at nakagagawa ng memorableng karanasan ang makatikim ng panibagong putahe?

At dahil diyan, narito ang exciting recipe (good for 6) na Creamy Tomato Garlic Chicken na mula sa Carnation para maging next level ang sarap ng lutuing manok bilang main dish.

Ihanda ang tatlong piraso ng chicken drumsticks, tatlong piraso ng chicken thighs, garlic powder, 1 tbsp garlic (chopped finely), 1/2 cup white onions (chopped finely), 1 can crushed tomatoes (with juice), 2 tbsp tomato paste, 1/2 can Carnation Evap, 1 pc chicken broth cube, salt (as needed), black pepper (as needed), 1/4 cup olive oil, fresh basil (as needed), at fresh parsley (as needed).

Pagkatapos ay ibabad na ang mga piraso ng manok sa garlic powder, asin, at paminta sa loob ng 30 minuto bago ito lutuin at saka takpan ng plastic wrap.

Sa isang kawali, mag-init ng olive oil at saka pasuin ang mga piraso ng manok sa bawat gilid nito para makuha ang brown crust at masipsip nito nang mabuti ang juices saka tanggalin sa kalan at itabi muna pagkatapos.

Smooth buttery texture with delicious garlic flavors

Sundan ito ng paggisa ng puting sibuyas at saka dagdagan ng bawang at sauce hanggang maging light brown ang kulay. Ihalo naman dito ang tomato paste at sauce (until slightly brown) at isunod ang crushed tomatoes at hayaang kumulo ng ilang minuto.

Ilagay na rin ang chicken broth cube at pakuluin muli ng lima pang minuto, isunod ang evaporated milk, at huling isama ang mga piraso ng manok at hayaang maluto ito nang mabuti saka budburan ng asin at paminta.

At siyempre ‘wag kakalimutan ang fresh basil at parsley bilang garnish para maganda ang presentasyon nito sa inyong hapag-kainan.

Mainam na ihain ito na may kanin, green salad, pasta o kahit anong gulay. Maaari rin gumamit ng kahit anong klase ng kamatis sa halip na canned tomatoes gaya ng cherry at roma tomatoes at kailangan lang hiwain nang mas maliliit para magawa ang butter-like texture nito.

Pwede rin na alternatibo ang chicken breasts basta lutuin lang ito sa mas mababang apoy, gayon din ang marinara sauce sa halip na tomato sauce.

Mediterranean diet, susi sa higit na mas mababang tsansa ng Alzheimer’s disease

Healthline photo


“We found that by following a Mediterranean diet for just three years reduced the buildup of by up to 60 percent. This tells us that eating a Mediterranean diet could potentially delay the onset of symptoms of Alzheimer’s disease by years.”

Ito ang tinuran ni lead researcher Dr. Stephanie Rainey-Smith ng Edith Cowan University sa isang opisyal na pahayag kamakailan tungkol sa resulta ng bagong Australian research na inilathala sa Translational Psychiatry medical journal. 

Ang tinutukoy na ay mga amino acid-related amyloid beta peptides (brain protein) na nakikitang naiipon sa mga utak ng mga pasyente, na siyang nagdudulot ng Alzheimer’s, isang neurodegenerative disease na nasa likod ng karamihang mga kaso ng dementia.

The Mediterranean diet’s versatile, simple, and fun philosophy

Bago pa ang naturang pag-aaral, karaniwan nang kaalaman na ang tradisyonal na Mediterranean diet ay mainam sa paglaban sa heart attack at nakakapagpababa sa diabetes risk, ito ay dahil sa healthy unsaturated fats ng diet mula sa red wine, seafood, at olive oil.

Ito rin ay “good for the gut” dahil sa antioxidants mula sa healthy fats kung saan hindi lang kalusugan ng puso ang natutulungan nito kundi pati gastrointestinal issues gaya ng inflammatory bowel at ulcerative colitis.

At ‘di kagaya ng ibang mga diets, reasonable at pinaka-least restrictive ang Mediterranean. Hindi na kailangan pang mag-calorie counting o magtanggal ng ilang food groups. Kailangan lang tandaan  na binubuo ito ng “sensible, unprocessed, simply prepared but delicious food.”

High fruit intake provides the greatest benefit

Kadalasang binubuo ang Mediterranean diet ng gulay, prutas, isda (rich in heart-healthy fats: salmon, tuna, sardines), itlog, olive oil, seafood, whole grains, beans and legumes, nuts and seeds, poultry (chicken, turkey), herbs and spices, at soy (non-processed forms such as tofu and edamame).

Pagdating naman sa dairy, red meat, alcohol, at natural sweeteners ay dapat “in moderation” lamang ang pagkain ng mga ito. Higit naman na kailangang iwasan o limitahan ang mga refined oils (sunflower, peanut, corn, rapeseed, canola, at vegetable oils), processed foods (sausages, deli meat, store-bought cookies, chips, pre-made meals), at added/artificial sugars (sweets, sodas).

“While all of the aspects of the Mediterranean diet appear to be important for reducing Alzheimer's risk, in our study, fruit intake provided the greatest benefit. Fruit consumption is the most strongly related to a reduced buildup of the peptides,” ang dagdag pa ni Rainey-Smith.

Aniya, kahit dalawang piraso lamang ng prutas bawat araw ay malaki na ang maitutulong para labanan ang pagdami ng beta-amyloid. Ilan lamang sa inirerekomenda ang mga citrus fruits gaya ng orange, grapefruit, mandarin, at berries.

Sa kabila nito, hinihikayat ni Rainey-Smith na huwag lang high fruit intake ang pagtuunan ng pansin at  mas maigi pa rin na sundin ang buong Mediterranean diet para sa mas mawalak na benepisyo nito sa kalusugan.

Kaugnay nito, nadiskubre din ng mga Duke University researchers ang optical coherence tomography angiography (OCTA), isang eye scan imaging process (non-invasive diagnosis) para matukoy ang Alzheimer’s nang maaga, at kung saan natagpuan nila na ang mga pasyente ay nagkaroon ng “thinner inner layer of retina” at “loss of small retinal blood vessels.”

Tambalang Richard Gomez at Sharon Cuneta nagbabalik sa ‘Three Words to Forever’



“Alam mo ang pagsasama ng mag-asawa parang kasing-tibay ng kamang ito. Kayang kargahin ‘yung nakaraan, ‘yung kasalukuyan, at ‘yung hinaharap.

Ito ang maririnig sa trailer ng pinakabagong family drama ng Star Cinema na pinamagatang “Three Words to Forever” tampok ang pagbabalik-pelikula ng isa sa pinakamamahal na tambalan sa showbiz noon at ngayon – ang tambalang Richard Gomez at Sharon Cuneta mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, na ipinapalabas na sa mga sinehan ngayon.

Bahagi rin ng cast ang mga beteranong sina Freddie Webb at Liza Lorena, gayon din sina Tommy Esguerra, Joross Gamboa, Marnie Lapus, Tobie Dela Cruz, at Kathryn Bernardo.

Tampok din sa pelikula ang theme song na “Show Me A Smile” na kinanta ng mga Tawag ng Tanghalan boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez.

Kilala ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina hindi lang sa mga minahal na love stories kundi pati sa mga hit family dramas, mula sa “Four Sisters and a Wedding” (2013) tungkol sa apat na babaeng magkakapatid at pagpapakasal ng kanilang bunso at nag-iisang lalake sa pamilya, at “Seven Sundays” (2017) na umikot naman sa apat na magkakapatid at kung paanong nagsama-sama muli ang mga ito nang malamang may taning na ang buhay ng kanilang ama.

Ngayong taon, pamilya muli ang sentro ng kwento kung saan tinatalakay din nito ang mga totoong pagsubok sa isang kasal at pagsasama na umiikot sa tatlong henerasyon ng isang pamilya.  
Dito ay magsasama-sama muli ang mga miyembro ng pamilya para ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng mga magulang ni Tin (Kathryn Bernardo) na ginagampanan nina Richard at Sharon at kasama ang kanyang kasintahan na si Kyle (Tommy Esguerra) at Lolo Cito (Freddie Webb) at Lola Tinay (Liza Lorena).

Sa kabila ng tila perpektong pamilya, lingid sa kaalaman ng lahat ang mga sikreto at tototong saloobin ng bawat isa na matagal na nilang itinatago na unti-unting magdudulot ng lamat sa samahan ng buong pamilya.

Martes, Nobyembre 27, 2018

‘Silver Screen Symphonies’ by Manila Symphony Orchestra brings the music of beloved films alive


Ni Jovelyn Javier


Kapag nanonood tayo ng mga pelikula at mga serye sa telebisyon, sinasabayan ng musika ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento, na lalong nakakadagdag sa ganda ng bawat eksena at nakakaapekto sa reaksyon at karanasan ng manonood.

Kadalasan ay nagiging trademark ng mga pelikula ang musika nito kung kaya’t kapag naririnig mo ang mga naturang musika lalo na kapag live ay binabalik nito ang iyong emosyon at isip sa pelikulang pinagmulan nito.

Iconic movies come alive in music

Kaya naman nito lamang ay itinanghal sa ikalawang pagkakataon ngayong taon ng Manila Symphony Orchestra (MSO), sa pangunguna ni Maestro Arturo Molina, ang “Silver Screen Symphonies: By Request” na bahagi ng Rush Hour Concerts Season 2018 ng MSO sa Ayala Museum sa Makati.

Dito ay isinabuhay ng MSO ang mga tumatak nang musika mula sa mga classic at award-winning films gaya ng Hitchcock psychological films na “Psycho” (1960) at “Vertigo” (1958) sa musika ni Bernard Hermann, drama-romance na “Out of Africa” (1985) sa musika ni John Barry, Italian drama na “Cinema Paradiso” (1988) sa musika ni Ennio Morricone, mga musicals na “Prince of Egypt” (1998) sa musika nina Hans Zimmer at Stephen Schwartz, “Chicago” (2002) sa musika nina John Kander at Danny Elfman, at “Phantom of the Opera” (2004) sa musika ni Andrew Lloyd Webber, “Themes from 007” sa areglo ni Calvin Custer, “John Williams Highlights” sa areglo ni Ted Ricketts, at “Tribute to John Williams” sa areglo ni Paul Lavender.

Tagahanga ka man o hindi, sadyang kamangha-manga ang marinig nang live ang mga musikang gawa ni John Williams habang ipinapakita sa screen ang ilang eksena sa mga iconic Hollywood films na “Star Wars,” “Jaws,” “Superman,” “Harry Potter,”  “Indiana Jones,” “E.T. The Extra-Terrestrial,” “A.I. Artificial Intelligence,” at “The Patriot.”

Nakaka-goosebumps ang musika ng Prince of Egypt, ang animated musical drama na adaptation ng Book of Exodus tungkol sa buhay ni Moses habang mapapaindak ka naman sa jazz music ng crime comedy-drama na Chicago. Samantala, nag-uumapaw din ang emosyon sa isa sa pinakapopular na musical sa mundo na Phantom of the Opera.

At kung mayroong James Bond music ay hindi naman nagpahuli ang suspenseful music ng “Mission Impossible” ni Lalo Schifrin na tinugtog sa encore ng Silver Screen Symphonies.

 Enriching the Filipinos’ cultural life through fresh, spirited, and entertaining music

Itinatag ang MSO noong 1926 ni Viennese conductor Dr. Alexander Lippay at isa sa pinakaunang symphony orchestras sa Asia. Marami nang mga conductors ang namuno sa orchestra gaya nina Dr. Herbert Zipper, Oscar Yatco, Helen Quach, at Regalado Jose.

Isinagawa ni Prof. Basilio Manalo ang isang reorganization sa MSO noong 2001 kung saan sa gitna ng pagtatanghal ay ipinasa ni Manalo ang pamamahala sa MSO sa kanyang conductor-violinist apprentice na si  Prof. Arturo Molina.

Nagsanay si Maestro Molina sa mga tanyag na music conservatories sa Moscow, Russia at Kiev, Ukraine. Dito ay nagwagi siya sa prestihiyosong String Competition na nagbunsod para makapagtanghal siya sa historic Bolshoi Theatre sa Moscow.

Noong 2014 naman ay binuo ng MSO ang MSO Music Academy at Manila Symphony Junior Orchestra (MJSO) at nitong nakaraang taon naman ay binuksan din ang bagong MSO Recital Hall sa Ayala Malls Circuit Lane sa Makati, na nauna nang nagkaroon sa Glorietta 5 at Burgundy Transpacific sa Taft Avenue na layong gawing mas accessible ang classical music sa publiko.

Mystery master Keigo Higashino returns to his finest form in new novel ‘Newcomer: A Mystery’


Ni Jovelyn Javier


“Part Sherlock Holmes, part Harry Bosch, Higashino’s hero is a quietly majestic force to be reckoned with.”

Bahagi ito ng review ng Kirkus Review sa pinakabagong crime mystery novel na pinamagatang “Newcomer: A Mystery” mula sa binansagang “mystery king” ng Japan na si Keigo Higashino.

Ang naturang nobela ang ikalawang English translation ng Police Detective Kaga series ni Higashino, na mula naman sa pagsasalin ni Giles Murray at Minotaur Books ng Macmillan Publishers.

Original, exotic, clever and charming

“He seems to be crafting a chain of tiny, gemlike short stories – until the tales start intersecting, scaffolding on one another, and eventually creating a bridge between the lives of the longtime residents of Kodenmacho and the death of a woman.”

Sentro ng kwento ang detective na si Kyochiro Kaga, ang parehas na pangunahing karakter na itinampok sa naunang nobela ng Detective Kaga series na “Malice: A Mystery” (2015) ng Tokyo Metropolitan Police Department Homicide Division. 

Dahil sa demosyon ay kinailangang bumalik si Kaga sa local policing duties at inilapat sa isang bagong presinto sa Nihonbashi. Dito ay iaatas sa kanya ang pag-iimbestiga sa pagpatay sa isang babae na pinangalanang Mineko Mitsui, na natagpuang binigti sa kanyang apartment sa Kodenmacho.

Kakaiba ang pamamaraan ni Kaga sa pag-iimbestiga, sa halip na ituon lamang ang pansin sa pinangyarihan ng krimen ay inoobserbahan niya ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa kalsada at mga ginagawa ng mga residente rito.

Ngunit habang palalim nang palalim ang imbestigasyon niya, tila lumalabas na lahat ng mga taong nakatira rito ay may motibo sa pagpatay sa biktima. At para mapigilan ang maysala na matakasan ang hustisya, kailangan matuklasan ni Kaga ang mga sikreto sa likod ng kumplikadong buhay ni Mitsui – ang kanyang nakaraan, pamilya, at ang mga araw bago ang pagpatay.

Mind-bending mysteries

“Rewarding... [readers] will appreciate Higashino's graceful prose and willingness to push the limits of the genre.”

Ito ang pagsasalarawan ng Library Journal sa istilo ng international bestselling author na si Higashino na tanyag sa kanyang mga obra gaya ng Edgar Award finalist na “The Devotion of Suspect X” (2011), “The Miracles of the Namiya General Store (Chuo Koron Literary Prize 2012), “Dream Flower” (Shibata Renzaburo Award 2013), “When the Curtain Falls on Prayer” (Yoshikawa Eiji Prize for Literature 2014), “Hollow Cross” (2014), at marami pang iba.

Nagsimulang magsulat ng fiction ang award-winning author habang siya ay nagtatrabaho bilang inhinyero sa isang auto-parts maker. Literary debut niya noong 1985 nang mapanalunan niya ang Edogawa Rampo Prize sa pamamagitan ng “Hokago” (After-School Hours).

Dahil sa tagumpay ay tuluyan nang iniwan ni Higashino ang karera bilang inhinyero. Pagdating ng mid-90s ay kapansin-pansin na ang kanyang mga obra sa publiko hanggang sa parangalan siya sa Mystery Writers of Japan Award noong 1998 sa nobelang “Naoko.”

Kasunod nito ay sunud-sunod nang bestsellers ang naisagawa ni Higashino at pagkatapos ng limang beses na pagkaka-shortlist niya sa Naoki Prize ay nakuha rin niya ang parangal noong 2006 para sa The Devotion of Suspect X na mula sa Detective Galileo series.

Miyerkules, Nobyembre 14, 2018

Kyoko Nakajima debuts Naoki Prize-winning novel ‘The Little House’ in English


Ni Jovelyn Javier


“A delightful and cleverly plotted novel in the form of memoirs written by a maid about her days working for a family in prewar Japan.

Ito ang pagsasalarawan ng Nippon.com sa nobela ni Kyoko Nakajima na pinamagatang “The Little House” (Chiisai ouchi). Inilunsad ang English edition nito kamakailan na mula sa translation ni Ginny Tapley Takemori at Darf Publishers.

Una itong inilathala noong 2010 ng Bungeishunju at ginawaran ng Naoki Prize sa 143rd edition ng naturang literary award sa parehas na taon.

A gentle, nostalgic perspective of the refined middle-class life

Sa loob ng 336 na pahina, sinusundan ng nobela ang kwento ni Taki Nunomiya, isang live-in housemaid na nagtatrabaho sa pamilya Hirai sa isang European-style na bahay na may kulay pula at hugis tatsulok na bubong sa Tokyo. 

Inaalala ni Taki ang mga panahong kasama nito ang mga miyembro ng pamilya noong unang bahagi ng Showa era (1926–89) kung saan tumataas na ang tensyon ngunit hindi pa ito pangkalahatang nasa estado ng giyera.

Kaabang-abang din ang huling bahagi ng nobela na magsisiwalat sa isang malaking sikreto pagkatapos pumanaw ni Taki, na magbubunsod sa mga mambabasa na makaramdam ng pagkagulat at gugustuhing balikan ang emosyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.

Nagkaroon na rin ng film adaptation ang nobela na parehas ang pamagat noong 2014 sa direksyon ni Yoji Yamada at tampok sina Takako Matsu, Haru Kuroki, Hidetaka Yoshioka, Satoshi Tsumabuki, Chieko Baisho, at Takataro Kataoka.

Itinampok ang pelikula sa 64th Berlin International Film Festival kung saan ginawaran si Haru Kuroki ng Silver Bear – Best Actress.

Master of style and technique

Ayon kay Ian McDonald, isa sa mga naging translators ni Nakajima, ang klase ng pagsusulat niya ay inilarawan nitong “deceptively simple prose.” At karamihan sa kanyang mga karakter at lokasyon naman ay base sa sariling karanasan – pangangalaga sa isang magulang na may dementia sa “Nagai owakare” (A Long Goodbye, 2015) at pakikitungo sa isang nakababatang kapatid sa “Kirihatake no endan” (2010).

Ipinanganak sa Suginami, Tokyo noong 1964 sa mga magulang na propesor at translator ng French literature sa Chuo University at Meiji University. Nagtrabaho siya bilang editor sa isang publishing firm hanggang sa naglagi siya sa Amerika ng isang taon bago bumalik sa bansa noong 1997 at nag-umpisang maging freelance writer.

Taong 2003 nang ilunsad niya ang kanyang debut novel sa “Futon” na base sa modern classic ni Katai Tayama na parehas ang pamagat at naging nominado ito sa 2003 Noma Literary New Face Prize.

Nasundan ito ng dalawang nobela at anim na short story collections bago siya nakatanggap ng grant para sa International Writing Program mula sa University of Iowa Center for Asian and Pacific Studies.

Pagkatapos manalo sa Naoki Prize 2010, sunud-sunod ang parangal na natanggap ni Nakajima para sa Izumi Kyoka Prize 2014 (When My Wife was a Shiitake), Shibata Renzaburo Prize 2015 at Kawai Hayao Story Prize 2015 (One-Horn), at Chuo Koron Literary Prize 2015 (A Long Goodbye).

Kabilang din sa kanyang mga obra ang “Ito no koi” (Ito’s Love, 2005), “Heisei dai-kazoku” (One Big Family in the Heisei Era, 2008), “Pasutisu: Otona no Arisu to Sangatsu Usagi no ochakai” (Pastis: A Grown-Up Alice and the March Hare Have Tea, 2016) at selected works nito sa English na “Go, Japanese!” (Granta 114, March 2011), “Things Remembered and Things Forgotten” (Granta 127, April 2014) at “When My Wife Was a Shiitake” (Words Without Borders, March 2015).

Regular naman na mababasa si Nakajima sa opinion essays nito ukol sa kultura at pulitika sa Mainichi Shimbun.





Martes, Nobyembre 6, 2018

Miss International 2018, gaganapin sa Tokyo Dome sa Nobyembre 9


Ni Florenda Corpuz


Muling paglalabanan ng mahigit sa 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa buong mundo ang Miss International Beauty Pageant 2018 crown sa coronation night ng prestihiyosong patimpalak ng kagandahan at katalinuhan na gaganapin sa Tokyo Dome Hall sa Nobyembre 9.

Isa sa tatlong pangunahing beauty pageants sa buong mundo, ang Miss International Beauty Pageant 2018 ang ika-58 na edisyon ng patimpalak mula nang ito ay inilunsad noong 1960 sa Long Beach, California, U.S.A.

Nagsisimula nang dumating sa Japan ang mga naggagandahang kandidata upang makibahagi sa ilang mga kaganapan bago ang coronation night na may kinalaman sa kulturang Hapon at iba pang exchange events.
           
Kabilang sa mga kandidata ang pambato ng Pilipinas na si Maria Ahtisa Manalo, 21, accountancy graduate mula sa Candelaria, Quezon.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Manalo na ang isusuot niyang national costume ay gawa ni Amir Sali habang ang kanyang gagamiting evening gown naman ay gawa ni Michael Cinco.

Nakatakdang ipasa ni Miss International 2017 Kevin Lilliana ng Indonesia ang korona sa tatanghaling Miss International 2018 habang kokoranahan din ang mga runners-up na kabilang sa Top 5 at special award winners.

May anim na Miss International titleholders ang Pilipinas na kinabibilangan nina Gemma Teresa Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013) at Kylie Verzosa (2016).

Japanese scientist wagi ng Nobel Prize in Medicine 2018




Itinanghal na co-winner ng Nobel Prize in Physiology or Medicine 2018 si Tasuku Honjo, isang tanyag na propesor sa Kyoto University.

Kasamang nanalo ni Honjo, 76, si James P. Allison, 70, ng MD Anderson Cancer Center sa University of Texas.

Kinilala ng Nobel Assembly sa Karolinska Institute ang kontribusyon ng dalawang siyentipiko “for their discovery of cancer therapy by inhibition of negative immune regulation.”

Nadiskubre ni Honjo ang PD-1, isang uri ng protina na nag-ambag sa pag-unlad ng immunotherapeutic drug na Nivolumab na ibinibenta bilang Opdivo at ginagamit laban sa lung cancer at melanoma.

“I’m very honored to receive the Nobel Prize in physiology or medicine,” ani Honjo sa isang press conference matapos ang pag-anunsyo.

Nagpahayag din ng pagkagalak si Prime Minister Shinzo Abe sa magandang balita.

“This award reflects the high acclaim given worldwide to Professor Honjo’s discovery of cancer therapy by inhibition of negative immune regulation,” pahayag ni Abe.

“I take great pride as a citizen of Japan in the fact that this discovery of truth, achieved through the creative ideas of a Japanese researcher, has greatly contributed to the continued progress of humankind and the international community and has been recognized by the world,” dagdag pa niya.

Paghahatian ng dalawa ang prize money na nagkakahalaga ng siyam na milyong Swedish crowns.

Si Honjo ang panlimang Hapon na nanalo ng physiology o medicine prize at pang-26 na Hapon na ginawaran ng Nobel Prize.

Gaganapin ang awards ceremony sa Stockholm sa Disyembre 10.

Walong estudyante kakatawan sa PH sa Asian Children’s Film Fest


Walong high school students ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2018 Asian International Children’s Film Festival sa ilalim ng JENESYS2018 Programme.

Nagsumite ng 3-minute film entries na may temang “Self-Responsibility” ang mga high school students mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa kung saan ang top three entries ang lalaban sa final selection at awarding ceremony na gaganapin sa Grand Hall ng Kitami City Hall sa Hokkaido sa Nobyembre 24.

Ito ay ang “When Stars Align” nina Cayna Angelica Gemora, Francesca Aina Unas at Nina Summer Emmanuelle Cello ng St. Scholastica’s College Manila; “I Did It” nina Bea Maureen Cayone, Christine Anne Roa at Catherine Anne Roa ng International Christian Academy; at “Lampara” nina Louie Ace Paneda at Earl John Tavor ng Rosario Integrated School.

Nakatakdang lumahok sa iba’t ibang aktibidad ang mga mag-aaral tulad ng pagbisita sa mga cultural at historical sites sa Hokkaido pati na rin sa cultural exchange sa mga mag-aaral na Hapon.

Layon ng Asian International Children’s Film Festival na palaganapin ang pagkamalikhain, pagkakaibigan, at mabuting pakikitungo sa mga kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya sa pamamagitan ng pelikula at video. Inorganisa ito sa ilalim ng Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youths 2018 (JENESYS2018) Programme na layon naman na palakasin ang relasyon ng mga kabataan sa Asya sa pamamagitan ng iba’t ibang cultural at academic exchanges.

Miss International 2018 gaganapin sa Tokyo Dome sa Nobyembre 9


Ni Florenda Corpuz

Susubukan ni Maria Ahtisa Manalo, 

kinatawan ng Pilipinas, na makuha
 ang titulo ng Miss International, na gaganapin
 sa Japan sa darating na Nobyembre 9. 
(Kuha ni Din Eugenio)
Muling paglalabanan ng mahigit sa 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa buong mundo ang Miss International Beauty Pageant 2018 crown sa coronation night ng prestihiyosong patimpalak ng kagandahan at katalinuhan na gaganapin sa Tokyo Dome Hall sa Nobyembre 9.

Isa sa tatlong pangunahing beauty pageants sa buong mundo, ang Miss International Beauty Pageant 2018 ang ika-58 na edisyon ng patimpalak mula nang ito ay inilunsad noong 1960 sa Long Beach, California, U.S.A.

Nagsisimula nang dumating sa Japan ang mga naggagandahang kandidata upang makibahagi sa ilang mga kaganapan bago ang coronation night na may kinalaman sa kulturang Hapon at iba pang exchange events.
           
Kabilang sa mga kandidata ang pambato ng Pilipinas na si Maria Ahtisa Manalo, 21, accountancy graduate mula sa Candelaria, Quezon.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Manalo na ang isusuot niyang national costume ay gawa ni Amir Sali habang ang kanyang gagamiting evening gown naman ay gawa ni Michael Cinco.

Nakatakdang ipasa ni Miss International 2017 Kevin Lilliana ng Indonesia ang korona sa tatanghaling Miss International 2018 habang kokoranahan din ang mga runners-up na kabilang sa Top 5 at special award winners.

May anim na Miss International titleholders ang Pilipinas na kinabibilangan nina Gemma Teresa Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013) at Kylie Verzosa (2016).

Miyerkules, Oktubre 10, 2018

‘Kawaii Kabuki Play’ tampok sa Sanrio Puroland



Isa ang Sanrio Puroland o kilala rin sa tawag na Hello Kitty Land sa pinakapopular na theme parks hindi lamang sa Japan kundi sa buong mundo. Sa katunayan, isa ito sa mga madalas na dinarayo ng mga dayuhang turista. Nito lamang 2017, umabot sa 800,000 turista ang pumunta sa naturang parke.

Upang lalo pang maengganyo ang karamihan na bumisita sa Sanrio Puroland ay inilunsad ang “Kawaii Kabuki Play,” na tampok ang tradisyonal na kultura ng Japan at ang masasabing “kawaii” o cute culture, sa Marchen Theater.

Simula nang ilunsad ito nitong Marso, marami ang nagkagusto sa naturang pagtatanghal dahil sa magandang interpretasyon nito ng “Momotaro,” na isang popular na kwentong-bayan sa Japan. Kahanga-hanga rin ang naggagandahang costumes na kumbinasyon ng damit ng kabuki na mayroong disenyo na Hello Kitty.

“We would love Hello Kitty fans from around the world to enjoy this unique and original musical, which blends for the first time, the traditional Japanese art of Kabuki Theater with the ‘KAWAII’ (cute) nature of the characters,” pahayag ni Aya Komaki, Director ng Sanrio Entertainment Co. Ltd.

Dagdag pa ni Komaki, orihinal at natatangi ang itinatanghal na musika kaya naman kadalasan ay punung-puno ang Marchen Theater ng mga manonood dahil sa agad itong naging paboritong puntahan ng mga turista.

“We are simply delighted with the warm and encouraging reception of the new Marchen Theatre show. Our aim at all times is to give our visitors a unique experience that uplifts the spirit through the warmth and kindness that our Puroland characters embody in their very own ‘kawaii’ ways. We feel that that new Kawaii Kabuki is helping much to achieve that,” ani Komaki.

Ikinukunsidera bilang “Mecca of Sanrio Characters,” itinayo ang Sanrio Puroland noong 1990 ng Sanrio Entertainment Co., Ltd., na apat na beses ang laki sa Nippon Budokan.
“The concept of the theme park is communication, to have fun by meeting Hello Kitty, to make a fun memory inside the theme park and to feel ‘kawaii.’ Sanrio Puroland is for everyone, not just for children and female visitors. We also have Sanrio male visitors “Sanrio danshi” (Sanrio boys).”

Ilan sa mga paboritong atraksyon sa Sanrio Puroland ang Sanrio Character Boat Ride, na tumatagal ng 10 minuto na pagliligid sa Sanrio World; My Melody & Kuromi – Mymeroad Drive, kung saan maaaring magmaneho gamit ang Eco Melody Car at maaari rin kumuha ng litrato; at ang Gudetama Land, na lugar para sa mini-games at photo spots.

Tampok din ang Lady Kitty House, kung saan maaaring makita ang pribadong lugar ni Hello Kitty, ang hardin nito, Japanese tea room, dress tower at iba pa. Nariyan din ang Rainbow World Restaurant kung saan maaaring kumain ng pasta, ramen at curry.

Matatagpuan sa Tokyo, nagkakahalaga ang ticket ng ¥3, 300 para sa mga matatanda at ¥2,500 para sa mga bata tuwing Lunes hanggang Biyernes habang nasa ¥3,800 para sa mga matatanda at ¥2,700 para sa mga bata tuwing Sabado at Lingo.

Shibuya’s favorite izakaya Toritake brings its famous yakitori at UP Town Center



“Through the different innovations in Japanese cuisine, yakitori has been prepared and served in Japan in many various ways, but Toritake remains loyal to traditional Japanese eating.”

Ito ang pahayag ni Yusuke Teruya, director at executive chef ng Toritake, sa panayam ng Breakfast Magazine ukol sa pagbubukas kamakailan ng sikat na Shibuya izakaya place sa UP Town Center sa Quezon City, na siya ring kauna-unahang branch ng Toritake sa labas ng Japan.

Dumating sa bansa si Teruya para sanayin ang mga staff at pangasiwaan ang operasyon ng restaurant para masigurado ang authentic yakitori dishes kung saan ito kilala. Hindi naman kataka-taka ang pagkakapili ng ‘Pinas bilang unang international branch ng Toritake, aniya, isa ang mga Pinoy sa mga pangunahing banyagang customers sa Shibuya.

Swak na swak ito sa mga Pinoy na mahilig sa manok at anumang inihaw na pagkain. Kaya’t sabihan na ang mga kaibigan o kamag-anak para ‘di na kailangan pang dayuhin ang Shibuya para sa katangi-tangi at big servings ng yakitori at grilled dishes ng nag-iisang Toritake.

The popular hole-in-the-wall since 1963

“As traditional as it gets – open-air dining areas and the smell of charcoal mingling with cigarette fumes,” ang pagsasalarawan naman ng Spot.ph sa set-up ng Toritake sa Shibuya.
Mula sa mga salitang “tore” (chicken) at “tare” (bamboo), kapag pinagsama ay nangangahulugang “chicken on bamboo sticks,” kaya ang pangunahing menu nito ay mga chicken dishes. 

Mula nang magbukas ito noong 1963 sa Shibuya, napanatili nito ang tradisyonal na izakaya setting, gayon din ang istriktong 55-taong tradisyon ng pamamaraan nito sa pag-iihaw ng manok at pagpili ng mga piling-piling sangkap.

Ngayon, isa na ito sa pinakamatagal na izakaya ng Japan at dahil sa pagiging dining hotspot nito sa loob ng mahabang panahon sa parehas na mga residente at mga turista, naging tatlong palapag na ang open-air izakaya na bantog sa kasiglaan ng ambiance nito sa mga kumakain, umiinom at naninigarilyong customers.

Bagaman hindi kasing-casual ang set-up ng Toritake sa UP Town Center dahil sa mall location nito, aniya, mayroon pa rin namang presensiya ng ilang “izakaya elements” – ang open kitchen nito at display ng Japanese whisky at sake bottles.

Crispy ajishio and smoky savory tare

At dahil din nasa mall ito, gumagamit ng electric grills sa halip na charcoal grills. Ani Erika Lim na senior marketing manager ng Toritake Philippines sa Spot, “We put charcoal inside the grill so we still get that charcoal taste and smell.”

Ngayon, medyo kakaunti pa ang menu ng Toritake kumpara sa Shibuya, ngunit dagdag pa ni Lim, “We plan to include chicken liver and gizzards, soon, as well as alcoholic drinks beer, Japanese whisky, sake, and highballs. We just want to be sure we can keep the quality consistent before we can think of adding more.”

Sa kabila nito, sigurado naman na mapupunan ito ng kakaibang sarap ng iba’t ibang grilled chicken dishes na gaya rin ng nasa Shibuya lalo na’t metikuloso ang sinusunod na pamantayan sa paggawa nito.

Aniya, kinakailangan na laging dalawang kilogramo ang bigat ng karne at higit sa lahat hindi ito frozen para magarantiya ang “tender, tastier, and juicier yakitori.”

Pwede rin mamili sa dalawang klase ng marinate – “ajishio” (salt and pepper) na malutong ang pagkakaluto na gaya ng sa fried chicken at “tare” (special yakitori glaze) na may smoky-savory-juicy barbecue flavor.

Ilan lamang sa inirerekomenda ang Toritake special soup (chicken broth, with mushroom, nori, chicken strips, quail egg, veggies) at potato salad bilang appetizers; supersized na chicken karaage; momoyaki (grilled quarter chicken); chicken ketchup rice; tsumire (chicken meatballs stuffed in bell pepper slices); yakitori rice bowl (good for two); chicken wings; chicken skin yakitori; chicken tail yakitori; at ang signature grilled chicken yakitori (served in various chicken cuts like chicken breasts, chicken hock).

Magical potions come alive at a pop-up cocktail experience in New York and London


Ni Jovelyn Javier


Ipinagdiwang sa pagsisimula ng Setyembre ng mga tagahanga ng “Harry Potter” ang “Back to Hogwarts Day” sa King’s Cross Station sa London kung saan sinorpresa pa ng mga bida ng nalalapit na “Fantastic Beasts 2” movie na sina Jude Law at Eddie Redmayne ang mga tagahangang nagtipun-tipon dito.

Ngunit tuluy-tuloy pa ang selebrasyon ngayong buwan hanggang sa winter season dahil sa pagbubukas kamakailan sa New York ng fantasy-themed pop-up cocktail making experience na The Cauldron.

Matatagpuan ang The Cauldron sa 2nd floor ng Bavaria Bierhaus sa Stone Street, Financial District ng Lower Manhattan mula Setyembre 12 – Disyembre 31. Mabibili ang tickets nito sa thecauldron.io/nyc na nasa $44.99 (off-peak) at $54.99 (peak) at nagtatagal ang klase ng isang oras at 45 minuto.

A magical cocktail experience through science

The idea that magic is real and just inaccessible to ordinary people is a concept that resonates with a generation of fantasy fans. Our goal is to use science, the magic of our world, to make that dream real.”

Sa pagpasok ng mga guests, bibigyan sila ng robes at interactive magic wand na kanilang gagamitin para maglagay ng Poetic Meade, isang honey wine na nakikita sa mga kwento ng mitolohiya sa kanilang cauldron.

Gaya ng potions class sa Harry Potter, mayroong workstations na may cauldrons, mixing utensils at fresh/bottled potion-making ingredients para makagawa ng dalawang klase ng drinkable potions na nag-iiba ng kulay, umuusok, at bumubula.

“The potions behave in different ways according to what you put in them and how you make them. It basically stems from molecular mixology,” ang paliwanag ni co-founder David Duckworth, isang molecular mixologist at cocktail experience designer sa panayam ng Business Insider.

Dagdag pa niya, “We use a lot of different ingredients in our drinks but we’re sticking with traditional things – elderflower, lavender, and we also have a flower native from Indonesia which has its own magical properties.”

Makakakuha rin ng beer gamit ang magical wand sa tinatawag na “tree of life.” Mayroon din silang sariling plants at herbs gaya ng basil, thyme, mandrake, at monkey jars na ginagamit bilang mga sangkap. Available rin ang alcohol-free, gluten at vegan options ngunit dapat ay nasa legal drinking age ang mga guests.

Bringing magical lore to life

Mula sa tagumpay ng unang pop-up sa London kung saan tumakbo ito ng limang buwan na dinaluhan ng mahigit 15,000 guests, ibinabalik muli ang naturang experience rito sa ikalawang beses na gaganapin sa Elephant & Castle mula Setyembre 26 - Enero 31 ng susunod na taon at makakabili ng tickets sa thecauldron.io/London.

Nag-umpisa bilang Kickstarter project mula kay Matthew Cortland, isang dating reading teacher na ngayo’y technology entrepreneur, noong Hunyo 26 nang nakaraang taon na araw din ng ika-20 anibersaryo ng Harry Potter para noo’y maglikom ng pondo para sa Cauldron Wizarding Pub & Inn.

Aniya, sa kumbinasyon ng teknolohiya at Internet of Things na tinawag niyang “Magic of Things,” ay gagawa ng isang pub kung saan maisasabuhay ang mga konsepto ng magic ng mga fantasy novels at wizarding universes sa inspirasyon ng mga obra nina J.K. Rowling, C.S. Lewis, at J.R.R. Tolkien.

Ngunit dahil hindi nito naabot ang target funding, naisipan ni Cortland na i-rebrand ito bilang pop-up at saka lumipat sa London mula Dublin kung saan niya nakilala sa London Cocktail Week si Duckworth.

Sa kabila nito, inamin ni Cortland na nasa plano pa naman ang naunang proyekto. “Eventually, we would like a permanent pub that’s for locals and tourists alike that’s based kind of in the Soho area. But for now, we are validating the idea to show that it has traction and people like it. This is kind of the midway point in between that journey,” ang dagdag pa nito sa Business Insider.