Lunes, Agosto 7, 2017

Studio Ponoc’s debut feature ‘Mary and the Witch’s Flower’: The familiar Ghibli tale and modern newness


“It’s a delightful children’s fantasy film that perfectly captures the charm and whimsy of a classic Ghibli tale, but with a more updated, modern look,” ang isa sa pagsasalarawan ng Anime News Network sa unang feature film ng bagong Studio Ponoc na pinamagatang “Mary and the Witch’s Flower” na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan dito sa Japan ngayong buwan.

Base ang naturang anime film sa 1971 English novel ni Mary Stewart na “The Little Broomstick” at ito naman ang ikatlong directorial film ni Hiromasa Yonebayashi, direktor ng critically-acclaimed Studio Ghibli films, ang fantasy na “Arrietty” (2010) at drama-mystery na “When Marnie Was There” (2014).

Ang screenplay ay gawa ni Yonebayashi at Riko Sakaguchi (The Tale of the Princess Kaguya) at musika mula kay Takatsugu Muramatsu (When Marnie Was There).

Striking first impression, keeping the spirit of Studio Ghibli

Sentro ng kwento nito ang 10-taong-gulang na si Mary na pinapunta sa bahay ng kanyang tiyahin kung saan niya makikilala ang isang itim na pusa, na magdadala sa kanya sa isang kakaibang bulaklak sa kagubatan. Mula rito, mabibigyan siya ng kakaibang kapangyarihan at madidiskubre ang isang mahiwagang lugar.

Mula pa nang mailabas ang teaser nito noong Disyembre, nakapukaw agad ito ng malaking atensyon sa kanyang nakamamanghang artwork na hindi maikakailang may pagkakahawig sa istilo ng Ghibli ngunit may katangian din na naiiba gaya ng upgraded CG at digital effects at kumbinasyon nito sa hand-drawn animation.

Mula naman sa hand-painted backgrounds ni Kazuo Oga sa Ghibli films, gawa naman ng Studio Pablo ang breathtaking backgrounds ng unang animated feature ng Ponoc.

Kapansin-pansin din ang ‘visual homage’ ni Yonebayashi sa Ghibli partikular na ang reversal transformation ng isang karakter na maihahalintulad ng mga tagahanga kay Madam Suliman mula sa “Howl’s Moving Castle” (2004).

Sa isang panayam ng The Telegraph kay Yoshiaki Nishimura, ang animated film ay “a film for children who are moving into the 21st century. I think we all had a vision of what the world would be like but it’s not the one we’re moving into. So what filmmakers should say at a time when people are losing hope and what kind of film might help restore it in our children – are big themes for right now.”

Carving its own path: The rise of Studio Ponoc

Noong 2014, inanunsyo na hindi na gagawa ang studio ng feature films pagkatapos ng pagreretiro ni maestro Hayao Miyazaki. Sa huling bahagi ng parehas na taon, umalis naman si Yonebayashi, pinakabatang direktor sa Ghibli na 20 taon na sa studio. Sa kabila nito, naglabas ng pahayag noong 2015 si Ghibli producer Toshio Suzuki, “Right now, Studio Ghibli is open, but not in production. We’re worrying over what would be good to make.”

Pumasok ang direktor sa Ghibli noong late 1990s at nagsimula sa paggawa ng clean-up animation (Princess Mononoke - 1997) hanggang sa in between animation (My Neighbors The Yamadas - 1999), key animation (Spirited Away – 2001/Howl’s Moving Castle – 2004/Ponyo – 2008/ From Up on Poppy Hill - 2011), at assistant animation director (Tales from the Earthsea – 2006) bago siya maging direktor sa Arrietty.

At noong Abril 2015 ay inilunsad nina Yonebayashi at Nishimura kasama ang ilan pang dating empleyado ng Ghibli ang Studio Ponoc. Ang pangalan nitong Ponoc ay isang salitang Croatian na ang kahulugan ay ‘midnight’ na may reperensiya sa pag-uumpisa ng bagong araw.

Brillante Mendoza, pipili ng pelikula para sa Tokyo Int’l Film Festival

Ni Florenda Corpuz
Kuha ni Din Eugenio

 Isa ang award-winning Filipino filmmaker na si Brillante Mendoza sa apat na direktor mula Southeast Asia na napili ng organizers ng prestihiyosong 30th Tokyo International Film Festival (TIFF) at The Japan Foundation Asia Center para magrekomenda ng pelikula na ipapalabas sa “Crosscut Asia #04: What’s Next from Southeast Asia” section ng prestihiyosong festival.

Ipapalabas sa seksyon na ito ang “work from young filmmakers in Southeast Asia recommended by maestros in the same region.”

Una nang ipinalabas sa tatlong edisyon ng Crosscut Asia ang mga pelikula mula sa Pilipinas, Thailand at Indonesia.

Nasa 10 Pinoy indie films na kinabibilangan ng limang pelikula ni Mendoza ang “Taklub,” “Thy Womb,” “Serbis,” “Lola” at “Foster Child” ang ipinalabas sa Crosscut Asia #02 section na tinawag na “The Heat of Philippine Cinema” noong 2015.

Ipinalabas naman ang kanyang omnibus film na “Shiniuma” na co-production project ng TIFF at The Japan Foundation Asia Center sa “Asian Three-Fold Mirror” ng festival noong 2016.

“Maganda ang experience ko rito sa TIFF. Nakita ko sa Japanese audience ang interes nila sa pelikula natin,” sabi ni Mendoza sa panayam ng Pinoy Gazette noong TIFF 2015.

Makakasama ni Mendoza sa pagpili ang mga direktor na sina Tran Anh Hung (Vietnam), Apichatpong Weerasethakul (Thailand) at Garin Nugroho (Indonesia).

Tinatayang 10 pelikula ang makakasama sa line-up mula sa mga bansa sa Southeast Asia.

Ang 30th Tokyo International Film Festival (TIFF) ay gaganapin mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3 sa Roppongi Hills at iba pang lugar sa Tokyo.

Miyerkules, Agosto 2, 2017

Organic farming nagiging popular sa Visayas sa tulong ng Japanese volunteers

 Ipinakilala ni JOCV Natsumi Tanida (kaliwa) ang paggamit ng
silver mulch sa kanyang counterpart mula sa San Jose de Buenavista, Antique
Unti-unti nang nagiging popular ang organic farming sa Antique sa tulong ng mga Japanese volunteers na nakatutulong upang makahanap ng alternatibong paraan para kumita ang mga lokal na magsasaka rito.

Itinuturo ng isang grupo ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) sa mga magsasaka ang bagong paraan para mapalago ang organic na ani gamit ang recycled material at rice straw mulching, isang pamamaraan na ginagamit para mapabuti ang kundisyon ng lupa.

“I’m teaching farmers how to recycle snack wrappers and use it as soil protection to help balance soil temperature and prevent weeds,” ani JOCV Natsumi Tanida na nagtapos ng agrikultura sa Tokyo University of Agriculture at isa rin na agriculture trainor sa Miyako Islang bago nagtungo sa Pilipinas.

Hinuhugasan ang mga snack wrappers at magkakasamang tinatahi para takpan ang lupa na ayon kay Tanida ay makatutulong para sipsipin ang init at matiyak na ang ani ay hindi madaling malanta.

Bukod kay Tanida, isa pang Japanese vounteer na si Wakana Horikiri ang nagpapakilala sa rice straw mulching sa Antique. Nakatutulong ang rice straw mulch para protektahan ang lupa mula sa kahalumigmigan (moisture) at maputik na tubig tuwing panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Horikiri, ang pamamaraang ito ay makatutulong para maiwasan ang sakit sa mga prutas at gulay.

Ipinapakilala rin niya ang Japanese technique na “mokusaku” gamit ang wood vinegar bilang alternatibo sa chemical fertilizers, ang kauna-unahan sa Antique.

“Wood is a readily available material for farmers and with the mokusaku, farmers can save money instead on spending on chemical sprays,” ani Horikiri.

Karaniwan ay nagkakahalaga ng 250 piso ang isang litro ng chemical spray habang ang mokusaku ay nagkakahalaga lamang ng Php100.

“Working with a Japanese volunteer like Horikiri is a good opportunity to gain more knowledge and ideas on how to promote organic farming to our municipality and farmers,” ani Frenzei-An Ronquillo na isang agricultural technician mula Sebaste, Antique.

Sumasang-ayon ang mga batang Japanese volunteers na ang organic farming ay maaaring maging bahagi ng economic future ng Visayas. 

“Filipino farmers are very hard working. They are open to learning new things and are very helpful. They just need support to improve their skills in organic farming to give them better opportunities,” pahayag ng mga Japanese volunteers.

Negosyo 101: Apat na personal na bentahe ng pagiging negosyante

Ni MJ Gonzales


Palaging may kinalaman sa pera ang nangungunang dahilan kung bakit gustong maging negosyante ng karamihan. Kung magagawa nga namang mapalago ang itinayong kumpanya o tindahan ay susi ito para umalwal sa buhay.  Subalit, totoo rin na pagdating sa pagnenegosyo ay hindi lamang sa pera ito iikot at lalago. Katunayan ay marami pang ibang bentaheng personal ang pagiging negosyante gaya ng mga sumusunod:  

Malalaman mo pa ang iyong kakayahan

Sabi nga ni Bob Marley, “You never know how strong you are until being strong is your only choice.” Sa pagnenegosyo ay masusukat ang iyong determinasyon sa kabila ng matumal na benta, kumpetisyon, kung paano mo kaya pamahalaan ang hindi magkamayaw na pangungulit ng iyong mga kliyente, at iba pang pagsubok.

Kung hindi mo naman sisipagan, lalakasan ang iyong loob, at gagawan nang mainam na diskarte ay wala rin mangyayari.  Sa ibang banda, ang pagharap o hindi sa hamon ng pagnenegosyo ay magpapakilala sa iyong tunay na kakayahan.  Tandaan na kapag ikaw na ang negosyante, ikaw na mismo ang kapitan ng iyong kabuhayan. Masusubok dito kung gaano ka kagaling bilang pinuno, sa pagdedesiyon, sa iyong disipilina sa sarili, at pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao.

Nakatutulong ka sa iyong kapwa

Bagaman may kapalit na pera ang ibinibigay mong produkto o serbisyo ay hindi rin maikakaila na nakapagbibigay ka ng ginhawa (convenience) at kasiyahan (satisfaction) sa ibang tao.   Halimbawa ay may tutorial school ka na nagtuturo ng Nihongo sa kapwa mo Pilipino, ang iyong maituturo ay makakagaan sa kanilang paghahanapbuhay at pamumuhay sa Japan sa mahabang panahon.   

Hindi ba’t masarap sa pakiramdam na ikaw ay may natulungan at naging tulay sa kanilang pag-asenso sa buhay?

Katunayan, ang pagiging negosyante ay magpapalawak ng kaalaman sa iba pang bagay na labas sa iyong larangan o nalalaman. Ito ay dahil na rin sa nakakakuha ka ng mga ideya sa iyong mga kliyente.  Bukod pa rito, iba rin ang kasiyahan na makatanggap ng pasasalamat sa iyong nagawa para sa kanila.

May kakayahan kang matamasa ang “work-life balance”

Maliban sa layunin na “financial freedom sa hinaharap,” ang isa pang maaaring matamo sa pagiging entrepreneur ay pagkakaroon ng “work-life balance.”. Ito nga rin ang isang dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng mga babae, lalo na iyong mga ina, na negosyante na kung tawagin ay “momtrepreneur.”

Gaya ng nabanggit, bilang lider o kapitan ng iyong negosyo ay ikaw ang bahala kung kailan ka at saan ka mag-oopisina.  Kung sa bahay pa nga magnenegosyo o magkakaroon ng “home-based business” ay makakasama pa ang pamilya araw-araw. Maliban pa rito ay maasikaso ang iba pang hilig, lalo na kung may maaasahan kang sariling mga empleyado. Ito ay dahil nakatutulong  na tumatakbo ang iyong kumpanya kahit nagbabakasayon ka pa sa Palawan o Amerika.

Dadalhin ka nito sa iba’t ibang lugar at tao

Kadalasan sa pagiging manggagawa, ang palagi mong makakasalamuha ay mga kasama  mo sa kumpanya o sa lugar kung saan ka madedestino. May kaibahan dito ang pagnenegosyo dahil may pagkakataon na ikaw mismo ang dadayo sa iba’t ibang lugar.
Ito ay maaaring upang  humanap ng murang produkto, kumuha ng konsepto, matuto mula sa mga eksperto o kaya makadaupang palad pa ang iyong mga  kliyente.  Para sa mahilig sa pagbiyahe at sa sosyalan, masayang bahagi ito lalo na’t may mas makahulugang dahilan ang kanilang paglalakbay.

Martes, Agosto 1, 2017

Ramen with Pinoy twist: Combining Filipino favorites’ dinuguan and bagnet


“Feeling gloomy this rainy season? Wake up your senses with some of the country’s beloved dishes – mixed up with a Japanese twist!”

Iyan ang nakakaengganyong caption sa Facebook page ng Bitesized.ph, sa exciting mash-up recipe na tinawag nitong Dinuguan Ramen with Bagnet.

Ang Bitesize ay isang Pinoy grub culture website – ‘your go-to resource for binge-worthy recipes and food marvels’ -- na nagbabahagi ng mga kakaibang kumbinasyon ng samu’t saring Pinoy and international recipes na bagay sa mga Pinoy na mahilig magluto.

At dahil maagang pumasok ang tag-ulan sa Pilipinas buwan pa lang ng Hunyo at maging dito sa Japan ay kalat-kalat din ang pag-ulan at pagkidlat ay swak na swak subukang lutuin ang hindi pangkaraniwang ‘ramen with Pinoy twist’ recipe. Bagay ito sa mga naghahanap ng pambihirang klase ng ramen sa kumbinasyon ng kulturang Japanese at Filipino.

Warmly soothing: Spiced-up traditional ramen

Ang servings nito ay dalawa hanggang apat at isang oras at 15 minuto ng preparation-cooking time. Para sa mga sangkap, ihanda ang mga sumusunod: 

Para sa pork stock: kalahating kilo ng baboy na hiniwa ng maliliit, asin, anim na tasa ng tubig, dalawang piraso ng bay leaves,  isang kutsara ng pamintang buo, isang maliit na pulang sibuyas na hinati sa apat at isang pirasong pork broth cube. 

Para sa dinuguan soup: dalawang kutsara ng mantika, isang piraso ng puting sibuyas, apat na piraso ng bawang, ginadgad na luya, tatlong tasa ng pork stock, isang tasa ng dugo ng baboy, isang bungkos ng tanglad, dalawang piraso ng siling haba, kalahating tasa ng suka, isang kutsarita ng asukal, asin at paminta.

Para sa pag-assembly: dalawang tasa ng sariwang ramen noodles, hiniwang bagnet, tinadtad na spring onions, itlog ng pugo.

Some of the most-craved Pinoy dishes of OFWs and balikbayans

Narito naman ang paraan ng pagluluto:

Para sa pork stock ay lagyan ng asin ang karne saka ito pakuluan sa tubig para palambutin. Isama rito ang bay leaves, pamintang buo, sibuyas at pork broth cube. Hayaan lang ito kumulo hanggang maluto ang karne at ‘pag luto na ay hayaan muna itong nakasalang nang 20 pang minuto. Saka ito tanggalin sa kalan (cool for awhile) at pwede nang salain at ihiwalay ang karne.

Para sa dinuguan soup naman ay igisa ang sibuyas, bawang at luya hanggang sa lumabas ang mabangong amoy nito. Idagdag ang pork stock at karne at ihalo na ang dugo at hintaying kumulo habang hinahalo. Isunod naman ang tanglad, siling haba at suka at hayaang kumulo hanggang tuluyan nang manuot ito sa sabaw. Tanggalin ang tanglad at siling haba, pagkatapos ay timplahan na ito ng paminta, asin at asukal.

Sa pag-assemble, lutuin ang ramen sa loob ng isang minute at saka salain ito habang hinuhugasan sa malamig na tubig. Kumuha ng malaking mangkok at ilagay na ang dinuguan soup at noodles, saka ihalayhay ang lutong bagnet, itlog ng pugo, siling haba at lasona.

Savor the flavor

Pwedeng-pwede mo nang lasapin ang sarap ng traditional ramen ng mga Japanese at paboritong dinuguan at bagnet na ulam ng mga Pinoy.

Bagaman nasa Japan ang maraming Pinoy, maaari pa rin naman lutuin ang dinuguan at bagnet kahit nasaan basta’t susundin lang ang tradisyonal na paraan ng pagluluto nito. Kung may kaibigang magagawi sa Ilocos Norte, maigi na rin ang  magpabili na para sa authentic crispy-savory Ilocos bagnet. Sa Batac at Paoay, Ilocos Norte, nariyan ang Malabed Toledo Snack Hauz na mula 1960 pa ay gumagawa na ng bagnet at Herencia’s Restaurant at Marsha’s Delicacies sa Bantay at Vigan, Ilocos Sur.

‘The Great Passage’: An introspective story of deep passion and searching the right words


To be able to communicate well with words is unreasonably difficult, to the point it might last a lifetime. It is truly difficult to communicate and perceive well.”
Ito ang pahayag ng award-winning author na si Shion Miura sa isang panayam ng Sanseidou Publication noong 2013 tungkol sa kanyang bestselling novel na “The Great Passage” (Fune wo Amu). Makikita ang kabuuang translated interview sa sa website ng Story Unlocker.
Kagaya ng kanyang pangunahing karakter na si Mitsuya Majime, ang pahayag ni Miura ay sumasalamin sa kwento ng paglalakbay ni Majime para mahanap nito ang tamang mga salita at ang tunay na para sa kanya na naaayon sa kanyang kakaibang talento.
Taong 2011 nang ilathala ang nobela mula sa Kobunsha at hinirang naman itong Japan Booksellers’ Award sa sumunod na taon. Anim na taon din ang hinintay bago ito maisalin at mailathala sa English na inilunsad kamakailan ng Amazon Crossing.
Eccentric, charming and profound
Sentro ng kwento ang 27-taong-gulang na si Majime, na naiiba sa mga empleyado ng Genbu Publishing dahil sa kanyang karakter at malawak na kaalaman sa linguistics. Sa kanyang ikatlong taon dito, iniligtas siya ni Kohei Araki, editor ng dictionary editorial department mula sa sales department dahil naghahanap si Araki ng papalit sa kanya sa nalalapit nitong pagreretiro.
Pinaghahandaan ng editorial department ang nakatakdang paglulunsad ng isang makabagong diksyunaryo na tinatawag na “Daitokai” (Great passage across the ocean) na binubuo ng 230,000 na salita at 2,900 na pahina.
Dito niya makikilala ang linguistics scholar na si Professor Matsumoto, admin clerk na si Sasaki at si Nishioka na hindi niya kaugali. Kasabay nito, ibang pagsubok din ang kinakaharap ni Majime sa pagpasok ni Kaguya Hayashi sa kanyang buhay, na apo ng kanyang landlady.
A life’s work, true love and nostalgia 
A dictionary is a boat to carry us across the sea of words. In a vast sea of words, to find the right word is a miracle.” Ito ang pagsasalarawan ni Araki at Matsumoto kay Majime sa Daitokai na siyang tutulong sa mga tao para mahanap ang tamang salita para maibahagi nila nang maayos ang kanilang mga damdamin at kaisipan.
Nakatakda ang unang bahagi ng kwento noong early 1990s at dahil dito, higit na nararamdaman ang kahanga-hangang dedikasyon ni Majime, Araki, Matsumoto at maging ni Nishioka sa mahigit 15 taon para mabuo at tuluyang mailathala ang Daitokai, na gamit lamang ang lapis at papel at manu-manong pagsasaliksik, pagtitipon at pag-aayos ng libu-libong salita na nakaimbak sa reference room.
Shion Miura: In her own world and words
“It was heavy, full of words, and wildly different from the dictionaries I had used up until that point. I thought, ‘I became a grown-up!’ The sensation of doing things such as turning over the pages was also amazing,” sa alaala nito nang una niyang mahawakan ang “Daijirin” noong middle school na ginagamit niya pa rin ngayon at apat pang diskyunaryo para pagkumparahin ang iba’t ibang kahulugan ng mga salita.
“I increasingly started to think of dictionaries as human being-like. Perhaps I should say that the romantic part of humanity created the books we call dictionaries. If there was a single answer, such a variety of dictionaries wouldn’t have been publicized.

“Many people’s thoughts and views enter [the dictionary’s] production process, and it is completed in a series of silent discussions so to speak. We polish it repeatedly, like top-quality brewed sake, it truly is a work of polishing.”

Bagaman isang nobelista, mas mahilig itong magbasa lalo na ng manga kaysa magsulat, at noong middle schooler siya ay naglalagi siya sa silid-aklatan at bookstore pagkatapos ng eskwela. At gaya ni Majime, ‘di siya magaling sa pagpapahayag ng kanyang saloobin sa salita maging ngayon.  
Anak ng isang kilalang Japanese classics scholar at nagtapos sa Faculty of Letters sa Waseda University si Miura. Nadiskubre siya ng isang literary agent sa kanyang paghahanap ng editorial job. Kinuha siya nito para magsulat sa isang online book review column bago pa siya nagtapos sa Waseda.
Nag-debut siya sa “Kakuto suru mono ni maru” (A Passing Grade for Those Who Fight - 2000). Nasundan ito ng Naoki Prize sa story collection na “Mahoro ekimae Tada Benriken” (The Handymen in Mahoro Town - 2006), “Kaze ga tsuyoku fuiteiru” (The Wind Blows Hard - 2006), “Kogure-so monogatari” (The Kogure Apartments - 2010), at “Masa to Gen” (Masa and Gen – 2013).

Retro keyboard Penna brings back the nostalgic feeling of using a typewriter

Penna keyboard
Kapansin-pansin ang sunud-sunod na pagbabalik-eksena ng mga bagay na tinaguriang ‘vintage’ o ‘retro’ na dati’y mga mahahalagang kagamitan bago dumating ang internet at teknolohiya gaya ng kamakailan na paglulunsad ng Nokia 3310 na mas moderno ngunit nananatiling tradisyonal, nariyan din ang muling pagsikat ng vinyl sa musika, film cameras, at wooden radios.

Ngayon, maaari ka nang mag-type sa iyong smartphone o tablet na walang kahirap-hirap at magagawa mo na rin ulit mag-type na gaya sa isang typewriter sa pamamagitan ng wireless bluetooth keyboard na idinisenyo sa isang traditional typewriter na tinatawag na Penna, isang Kickstarter project ng American company na Elretron Inc., na binuo sa loob ng tatlong taon.

Taong 1874 nang ipakilala ang mga commercial typewriters ngunit mid-1880s na nang maging permanenteng kagamitan na ito sa mga opisina, private homes at ng mga professional writers.  

Functionality and style but old-school

May sukat itong 267.4mm upper width (slots for iPad, Galaxy Tab, smartphones), 194.7mm na length, 330.8mm bottom width at may bigat na 800g. May dalawang AA battery ito at may anim na buwang maximum standby time. Limang kulay naman ang mapagpipilian – matte black, pure white, baby pink, olive green, at wood.

At ang keyboard style nito ay may dalawang klase – diamond-shape keycaps (rounded corners for accurate typing, smooth feeling) at retro chrome keycaps (with blue type mechanical switch, like a real vintage typewriter). Gawa ang keycaps ng German company na Cherry GmBH, isang mechanical switch system manufacturer.

Maging ang tunog ng typewriter ay nagagawa ng Penna sa pamamagitan ng Cherry switch na itinuturing na pinaka-advanced switch technology. Gamit ito, may tatlong mechanic switch options ang Penna – Cherry mx red switch (for fast, quick typing, less noise, suitable for office), Cherry mx blue switch (click sound, typewriter-like feeling, for accurate typing) at brown switch (for typing or gaming, office set-up) na pwedeng pagpilian depende sa klase ng ‘clickiness’ na gusto ng gumagamit.
Kung sa dating typewriter, ang macro bar sa kaliwa ay ginagamit para itaas ang papel o para mag-umpisa ng bago, sa Penna ay ginagamit na ito para mag-save ng keys, mga salita, pangungusap na madalas mo na ginagamit sa simpleng one-time press lang. Gamit din ang macro bar may tatlong modes ito – record mode (pull up the bar), wait mode (press down), at transfer mode (press down slightly).

Connectivity, support, multi-media features

Ang koneksyon nito ay gumagamit ng wireless bluetooth 4.2 (for automatic pairing, battery efficiency). Multi-pairing din ito at pwedeng i-connect ang limang devices at gamitin lang FN+F1 – F5 depende sa kung pang-ilan ang connected device. Suportado rin nito ang iba’t ibang operating system – Windows, Android at iOS kaya’t maaaring gamitin ang anumang klase ng smartphones ngayon.

Gaya ng computer keyboards, pwede rin gamitin ang keycaps para i-adjust ang multi-media features gaya ng brightness, volume, at may sleep mode pa.

May ginawa rin ang Elretron na exclusive pouch para sa Penna (sold separately) na may compartments para sa mouse, mobile pad, earphones, smartphone, earphones, at pen na sakto sa mga laging on-the-go para sa eskwelahan, opisina, bahay, airport, at cafe para madali itong dalhin kahit saan.

Available na ang Penna for pre-orders sa Kickstarter.com at may halagang $89 (early-bird backers) at $99 starting regular price. Nakatakda ang shipping nito ngayong Agosto. At dahil baguhan pa ang Elretron, inaaasahan ang mga pagbabagong gagawin nito sa layout at disenyo ng Penna.

Lunes, Hulyo 31, 2017

Gurong Hapon tumutulong sa mga kabataang may kapansan sa Bohol

Nagbalik sa Bohol si dating Japan Overseas Cooperation Volunteer 
Akiko Sugiyama sa Bohol para ipagpatuloy ang pagtulong sa mga PWDs.
Para sa mga kabataan na nagtapos sa mataas na paaralan, walang katapusan ang mga posibilidad ng buhay. Maaari silang mag-aral sa mga unibersidad, kumuha ng nais na kurso, sumabak sa sports, o mamuhay sa kanilang nais.

Ngunit ang kaso ay naiiba para sa mga kabataan na intellectually handicapped o disabled na kadalasan ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na maranasan ang kasiyahan sa high school maliban na lamang kung kuntento na sila na manatili sa bahay.

Ito ay binabago ng isang gurong Hapon sa Bohol na tinutulungan ang mga kabataan na may mga kapansanan na magkaroon ng pantay na pagkakataon sa buhay.

Si Akiko Sugiyama, isa sa mga volunteers ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) Program of Japan International Cooperation Agency (JICA)  ay nagtayo ng support center para sa mga kabataan na may kapansanan na nakapagtapos sa SPED Center.

Isang guro sa Yokohama at Kyoto si Sugiyama na nakumpleto ang volunteer work sa ilalim ng JICA para sa Tagbilaran City Central School SPED Center noong 2015 bago bumalik sa Bohol.

“This is my personal project. I really wanted to help young people with disabilities lead productive lives,” ani Sugiyama.

Tinawag na Babita House, isang two-storey dormitory at native house kung saan ang mga kabataan na may kapansanan ay tinuturuan ng Math, sign languages, pagbabasa, pagsusulat at mga gawaing pangkabuhayan tulad nang paggawa ng miniature toy tricycles.

Tulad sa mga centers para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa Japan, sinabi ni Sugiyama na ang mga aktibidad sa Babita House ay maaaring makatulong sa mga batang PWDs sa Bohol na maging produktibo at kumita para sa kanilang mga sarili.

Ang mga toy matchboxes na gawa ng mga intellectually handicapped na mga kabataan sa Babita House ay ginaya sa popular na motor tricycle sa Bohol na isang cultural symbol.

Noong una ay isang estudyante lamang ang nakagagawa ng toy tricycle gamit ang matchboxes ngunit ngayon ay mas marami na ang nakagagawa nito gamit ang chipboards.

Sa tulong ng isa pang Japanese volunteer na si Shiro Takaki na nakatalaga sa isang design fabrication laboratory sa Bohol, ang mga materyales para sa mga laruan ay laser cut at dinidikit, pinipintahan at binubuo ng mga kabataan sa Babita House. Ngayon ay ibinebenta ito bilang mga souvenir items kung saan ang pinagbentahan ay binibigay bilang allowance sa mga kabataan na gumagawa nito at suporta sa center.

“The center also receives donations from people in Japan and every now and then we host study tours for Japanese visitors who want to learn more about PWDs and how they can be supported,” dagdag ni Sugiyama.

“Boholanos are kind people. Life here is slow, but for volunteers like me, it makes us happy to see that people with disabilities are able to enjoy life without discrimination,” pagbabahagi pa niya.

Ang mga kabataang may kapansanan ay nahaharap sa mga hamon upang gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga normal na bata. Ngunit ang proyekto ng Babita House ay nagpapakita na ang makabuluhang pagbabago ay maaaring mangyari kapag ang mga kabataan ay binibigyan ng pantay na pagkakataon sa buhay.

Jesas Wada, kinatawan ng FilCom sa Mutya ng Pilipinas

Si Jesas Wada kasama si Ambassador Jose Laurel V sa isang courtesy
call na ginanap sa Embahada ng Pilipinas sa Japan.
Isang send-off party ang ibinigay kay Mutya ng Pilipinas-Japan Jesas Wada kamakailan sa Sakura Hall ng Metropolitan hotel sa Ikebukuro, Tokyo bago ito tumulak sa Pilipinas para lumaban sa Mutya ng Pilipinas bilang kinatawan ng Filipino community.

Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga naging runner-up sa naturang pageant na kinabibilangan nin Cherry Ann Ventura, Anju, Hasemi at Miai Tanaka. Dumating din ang ilang opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Japan sa pangunguna ni Consul General Marian Jocelyn Tirol-Ignacio, mga opisyal at miyembro ng Dabawenyos’ Organized Society-Japan, ilang mga tagasuporta, pamilya, kaibigan at sponsors.

Bago pumunta sa Maynila para lumahok sa pageant na gaganapin sa Agosto 4 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila ay nagkaroon muna si Wada ng courtesy call kay Philippine Ambassador Jose Laurel sa Embahada.

Makakalaban ni Wada ang tinatayang 40 kandidata mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at mga kinatawan ng Filipino community sa ibang bansa. Naniniwala ang Filipino community sa Japan na malaki ang tsansa na maiuwe ang korona ni Wada, anak ng Japanese na si Takaaki Wada at Pinay na si Arlyn Cruz de Guzman. Nagtapos ang 22-taong-gulang na si Wada ng Tourism Management sa Bulacan State University.

Ang Mutya ng Pilipinas-Japan ay nagsimula bilang Miss Philippines-Japan Pageant noong 2012 na inilunsad ng Dabwaenyos Organized Society-Japan (DOSj) para sa mga dalaga na nasa edad 17-25 na malaki ang potensiyal na maging isang beauty queen at model.

Sa kauna-unahang pagkakataon na idinaos ito at 10 kandidata mula Tokyo, Chiba,Saitama, Kanagawa at Shizuoka ang naglaban-laban para sa korona. Pinamunuan ng Nakama Organization sa Shizuoka ang prefectural competition sa lugar kung saan ang dalawang nanalo ay pumasok sa grand completion sa Tokyo.

Napanalunan ni Jerimae Capuyan, 17-taong-gulang mula sa Yokosuka U.S Naval Base, ang titulo ngunit kanyang ipinasa ang korona sa kanyang runner-up na si Princess Ayeza Magsalin dahil sa kailangan na niyang bumalik sa Estados Unidos para sa kanyang pag-aaral.

Nagwagi naman noong 2013 si Mayu Murakami habang pinangunahan noon ng  Miss Visayas-Japan (2nd runner-up) Youki Akimoto ang fundraising para sa mga nasalanta ng mga bagyo at trahedya na dumating sa Visayas at Mindanao.

Hanggang sa noong 2015 ay iminungkahi ni Jacqueline Tan, chief executive officer at pangulo ng Mutya ng Pilipinas, Inc. (MPI), na gawing official partner sa Japan ang organisasyon para sa paghahanap ng maaaring sumali sa Mutya ng Pilipinas. Ang mananalo ay may pagkakataon na maging kinatawan ng Filipino community sa Mutya ng Pilipinas na ginaganap sa Pilipinas.

Nilagdaan ang naturang kasunduan ni Tan bilang kinatawan ng MPI at Joseph Banal, founder ng DOSj kasama sina Daisy Jumilla Katsurahara at George Astilla na pangulo at bise pangulo ng organisasyon.  Itinalaga si Banal bilang National Director for Japan ng MPI.

Napagpasyahan ng DOSj na baguhin ang pangalan ng Miss Philippines-Japan Pageant sa Mutya ng Pilipinas-Japan. Ipinadala ng organisasyon si Murakami sa 2016 Mutya ng Pilipinas Grand Coronation kung saan nakaabot ito hanggang semi-finals.


Inaanyayahan ng organizing committee ng Mutya ng Pilipinas-Japan ang lahat ng indibidwal at organization mula sa iba’t ibang prepektura na nais mag-host ng competition sa kanilang mga lugar. Ang mananalo ay makakasali sa grand competition sa Tokyo na gaganapin sa 2018. Magaganap ang pag-screen sa mga kandidata ngayong darating na Setyembre. 

OFW IDs ilalabas na ng DOLE sa Agosto

Sample ng magiging OFW ID
Inilunsad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) ID na nakatakdang iisyu ng tanggapan ngayong darating na buwan ng Agosto. Magpapalabas ang DOLE ng patakaran kung paano makukuha ng mga OFWs mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang kanilang ID bago ito ilabas.

Ang OFW ID o Integrated DOLE ID (iDOLE ID) ang papalit sa Overseas Employment Certificate (OEC) na isang requirement sa mga OFWs bago makalabas ng bansa patungo sa bansang pagtatrabahuhan.

Sasailalim muna ito sa tatlong buwang trial at pagkaraan ay ito na ang magiging automated OEC ng OFW. Bukod dito, maaari rin itong magsilbing airport at immigration ID pass at Social Security System (SSS), Pag-ibig Fund, at PhilHealth membership IDs.
Lalagyan ang ID ng QR code bilang security feature sa mga impormasyong ibibigay ng mga OFWs.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na libre ang OFW ID na sinasabing “pinakamagandang regalo” ng administrasyong Duterte sa mga tinatawag na bagong bayani ng bansa.

“Huwag kayong maniwala (na may bayad ang ID). Maliwanag na ang ibibigay na ID sa OFWs ay walang bayad. Libre po iyan at walang gagastusin ang ating OFW. Kung may nagsasabi man, nambobola iyan o kaya gustong kumotong,” pahayag ni Bello sa isang panayam.

Ani Bello, ipapasagot ng tanggapan ang bayad sa OFW IDs sa mga employers at recruiting agencies.

“Depende na iyan sa pag-uusap ng technical people, maaaring employer, maaaring recruitment agency. Basta importante na walang babayaran ang OFWs,” dagdag pa ng kalihim.

Iginiit din in Bello na bawal ikaltas ang bayad sa naturang ID sa mga OFW dahil maaaring pagmultahin ang employer o recruitment agency kapag nangyari iyon.

“Bawal iyan. May penalty iyan or baka makansela license nila ‘pag ginawa nila iyan dahil maliwanag libre ang OFW ID.”

Portal site

Nagulat ang ilang OFWs na agad na sumubok sa pagkuha ng kanilang OFW ID sa pamamagitan ng pagpunta sa portal site na inilabas ng DOLE, https://ofw.idole.ph//, dahil sa hinihingan sila ng Php501 na bayad para sa ID at karagdagang Php200 para sa delivery ng ID.

Hindi naitago ang pagkadismaya ng mga ito lalo na’t sinabi ng DOLE na walang babayaran sa pagkuha nito.

“At the onset, we already had doubts that this ID is totally free. After I encoded my personal and employment details, I was asked to pay 501 pesos and another 200 pesos to have it delivered at my hometown,” pahayag ng OFW na si Nhel Morona sa pahayagan Khaleej Times sa Middle East.

Duda rin ang OFW na si Jun Cargullo, na nagtatrabaho sa Dubai, na sasagutin ng kanilang mga amo ang bayad sa naturang ID.

“The (Philippine) government earlier announced that employers or recruitment agencies will shoulder the cost of the ID. But this ID is only relevant to domestic transactions and has nothing to do with our employment abroad. This is not like the Emirates ID or UAE health card.

“At the end of the day, it is us, OFWs, who will have to pay for the card. The OFW ID is actually more expensive than the OEC. We used to pay only 100 pesos to acquire an OEC every time we travel and we go back home at least once every year. So it will take at least five travels or five years before we can recoup the same expense of getting an OEC five times,” paliwanag ni Cargullo.

As of press time, wala pa rin access sa portal site ng DOLE at mayroon lamang nakapaskil na mensahe: “This website is for testing purposes only. To our beloved OFWs, please wait for the official launching, rest assured that the OFW card is 100 per cent free of charge to the OFW.”

Pagdudulot ng kalituhan

Nanawagan ang Migrante International, alyansa ng mga OFW, na dapat liwanagin ng gobyerno kung libre o hindi ang OFW ID at maglabas ng patakaran na malinaw sa lahat upang hindi magdulot ng kalituhan.

Kinuwestiyon din ng Migrante kung ito ba talaga ang pinakamagandang regalo sa mga OFWs gayong sa bandang huli ay mukhang ito pa rin ang magbabayad sa kanilang ID.

“How could it be the ‘best gift’ when even the DOLE is clueless on its relevance? There is as yet no implementing guidelines on how it is supposed to function,” pahayag ni Migrante International spokesperson Arman Hernando.

“Employers are expected to pay for the iDOLE but since when has this stopped them from passing on the burden to recruitment agencies and, consequently, to OFWs?

“Unfortunately, it has been exposed as yet another money-making scheme as quickly as it was hastily launched by the government.

“Thanks, but no thanks, President Duterte. Hindi po ito regalo kundi dagdag-perwisyo para sa mga OFW,” ani Hernando.