Linggo, Oktubre 8, 2017

Geje Eustaquio ng Team Lakay, pinangunahan ang main event sa ONE: Total Victory

Kuha mula sa ONE Championship
Kapag nababanggit ang pangalang Team Lakay, kadalasan sa maiisip ay mga pangalan ng mga title holders nitong sina Eduard Folayang, Honorio Banario, Kevin Belingon, Crisanto Pitpitunge, Dave Galera, Mark Eddiva at Rey Docyogen na mga notable fighters ng martial arts group na mula sa Baguio. Subalit, isang pangalan ang unti-unti rin na gumagawa ng marka sa Mixed Martial Arts (MMA) – ang world title challenger na si Geje “Gravity” Eustaquio na kamakailan ay nagbabalik sa ONE: Total Victory sa Jakarta Convention Center, Indonesia.

“I worked hard to be back in this position again. It’s truly an honor and a privilege. Thank you ONE Championship for the opportunity and the trust to headline a stacked card like this one,” ang masayang pagbabahagi ng 28-taong-gulang na si Eustaquio sa panayam ng ONE Championship.

Matatandaang ang lima sa kanyang pinakahuling laban ay isinagawa sa ilalim ng undercard segment ng ONE Championship sa loob ng tatlong taon at huli naman siyang nag-topbill sa isang main event noong Setyembre 2014 nang lumaban ito sa title match ng ONE Flyweight World Championship kontra kay Adriano Moraes.

Promising standout   

“His solid striking and grappling skill set has led to huge victories over the course of a six-year professional martial arts career. Training in the high altitudes of the Philippines’ mountainous region, Eustaquio hones his craft alongside world-class teammates at the fabled Team Lakay.”

Ito ang pagsasalarawan sa Igorot flyweight fighter na kinikilala ngayon bilang isa sa pinakamahusay na martial artists sa Asya. Sa kasalukuyan, may siyam na panalo at limang talo si Eustaquio kumpara sa mas mahabang track record ng kalaban nitong si dating world champion Kairat “The Kazakh” Akhmetov na may 23 wins at nag-iisang talo lamang.

Bagaman natalo si Eustaquio sa kasalukuyang ONE flyweight world champ na si Moraes na siya rin nagbigay ng katangi-tanging talo kay Akhmetov, bumawi agad ito sa mga sumunod na laban kung saan tatlo sa limang matches ay naipanalo ng Baguio City native.

Nariyan ang first-round knockout win niya kay Saiful “The Vampire” Merican at ang matagumpay na pagbawi nito sa isang split decision win kontra kay Thai striker Anatpong Bunrad na tumalo sa kanya noong 2015 sa kanilang unang paghaharap.

Ayon pa kay fight commentator Steve Dawson, “It was a beautiful exhibition of standup fighting . . . This was a rematch and it really was, for my money, the best performance of his career.”

Tinukoy ang footwork, timing at counter-punching na kanyang naging alas para maipaghiganti ang pagkatalo sa mas malakas na si Bunrad.

Areas of strength

“My ground game is coming. My wrestling is coming. I believe if you’re going to compare it with others, it’s not very low in terms of performance in wrestling or grappling. Honestly speaking, I am not that far behind,” ang pahayag ni Eustaquio tungkol sa naging paghahanda nito sa pagharap kay Akhmetov.

Dagdag pa nito, sa loob ng ilang buwang pagsasanay, mas gusto rin niyang makipag-spar sa mga mas nakababatang miyembro ng Team Lakay gaya nina Joshua Pacio, Stephen Loman, Danny Kingad, at Cris Pitpitunge.

“They keep me sharp and motivated. Although I learn from the veterans as well, I think there is still a lot to learn from the younger generation,” aniya.



Miyerkules, Oktubre 4, 2017

Nanjo City modelo ng ecotourism ng Victorias City sa Negros


Modelo ng Victorias City sa Negros Occidental ang Nanjo City sa Okinawa pagdating sa ecotourism para tulungang mapalakas ang turismo sa lugar.

Pinapalakas ng lokal na pamahalaan ng Victorias ang agri-ecotourism dito sa pamamagitan ng bird watching tours sa mga turistang Hapon, farm tours sa mga lokal na turista, at pagpapakilala ng eco-bento meals sa mga local cafes.

Isinasagawa ito sa tulong ng Japanese volunteer na ipinadala sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA) Volunteer Program at Nanjo City.

“The goal is to help Victorias City increase its tourist arrivals by 30% from the 2015 baseline of 80,924 tourists. Victorias, with its natural parks, bears semblance to Japan’s Nanjo City as ecotourism destination. We can certainly explore new tourism opportunities through Victorias’ eco parks and agriculture products,” pahayag ni Japanese volunteer Mikaru Nakazato na ipinadala sa lugar sa ilalim ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) Program ng JICA noong 2016.

Nagtrabaho si Nakazato sa tourism department ng Nanjo City Hall.

Ang Nanjo City at Victorias City ay sister cities at nagtutulungan para sa revitalization ng bawat isa sa pamamagitan ng sustainable development at partnerships sa ilalim ng technical cooperation project kasama ang JICA.

Ibinahagi ni Nakazato na magsasagawa ng seminar ang Victorias tungkol sa eco bento-making na papangunahan ng instructor mula sa Nanjo City. Tampok sa mga meal boxes ang lokal na pagkain at ani ng mga magsasaka na nakabalot sa dahon ng saging.

“The eco-bento meals can offer opportunities for restaurants and cafes in Victorias especially to cater to tourists in bird watching activities,” dagdag ni Nakazato.

Ang Victorias ay migratory path ng aabot sa 166 species ng ibon na lumilipad sa kagubatan ng Gawahon Eco Park.


“Victorias could learn from Nanjo City new areas to enhance tourism to create more jobs and economic opportunities at the local level,” ani Nakazato. 

Get lost away from the crowd in Kubrick Cafe & Bookstore, Yau Ma Tei’s hipster gem


“If you can’t travel, read. At least your heart can get going first.” – The Book Thief (Markus Zusak).

Ang naturang short passage ang isa lamang sa klase ng mga bagay na babati sa iyo sa pagpasok mo sa Kubrick Cafe & Bookstore na matatagpuan sa isang tahimik na bahagi ng residential area sa 3 Public Square Street, Yau Ma Tei, Kowloon sa Hong Kong na malayo sa shopping areas ng Mong Kok at Tsim Sha Tsui. Bukas ito araw-araw mula 11:30am – 10:00pm.

Artistic and stylish

Ipinangalan ang cafe-bookstore kay American director Stanley Kubrick, na isa sa itinuturing na greatest directors sa cinematic history.

Sa unang tingin, hindi agad makakapukaw ng pansin ang naturang bookstore-cafe dahil sa kanyang ordinaryo at kulay-abong pader, mosaic tiles at dark-tinted glass ngunit sa loob nito ay madidiskubre ang kakaiba at old-fashioned na lugar mula sa kumbinasyon ng isang bookstore at cafe.

Makikita rito ang communal tables, wooden seats at milk bottles na may mga bulaklak sa bawat mesa, gayon din ang mala-art gallery na istilo nito mula sa mga nakasabit na makukulay na paintings at artworks sa pader. At habang hinihintay mo ang iyong order, maaari kang kumuha ng libro mula sa maraming seleksyon nito – may English, Mandarin, at European-languaged books, literature, self-help, graphic books, at magazines.

A quiet haven for art and literature enthusiasts

Dahil sa mapanlikha nitong kapaligiran at disenyo, ayon sa mga blog reviews, ‘di mo talaga mamamalayan ang takbo ng oras at ingay sa labas at ang pakiramdam mo ay parang pumasok ka sa isang ‘imaginative world’ sa gitna ng fast-paced environment ng tinaguriang “Pearl of the Orient.”

Nakadugtong din ang naturang cafe-bookstore sa Broadway Cinematheque, isang arthouse cinema outlet na nagpapalabas ng mga bago at lumang artistic at independent films at venue ng mga independent film screenings at film festivals sa Hong Kong. 

Madali lamang maglabas-masok mula sa Cinematheque at Kubrick ngunit mas mainam kung manonood muna ng mga pelikulang dito mo lang mapapanood at puntahan ang film shop na naglalaman ng mga rare at classic selections ng mga pelikula.

Pagkatapos ng iyong pag-iikot sa Cinematheque, siguradong makararamdam ka na ng gutom kaya’t nariyan ang kalapit na Kubrick para rito. Sa kanilang menu ay may sandwiches, cheese cakes, snacks, lunch sets (around HK $50) at dinner sets (around HK $70) na may kasamang pasta dish at drink.

Inirerekomenda naman ng website na hiphongkong.city ang kanilang whole day breakfast (HK$49) – continental style combo ng eggs, ham/sausage, mushroom/tomato/beans, toasted bread, at coffee; at spaghetti in lobster sauce (with scallop and sea urchin), floral tea selections at rose latte  mula naman sa isang Trip Advisor at blog reviews.

Mayroon din ditong wifi at electrical plugs, nariyan din ang art shop at stationery section kung saan makabibili ng mga quirky souvenirs. Nagdadaos din dito ng mga literary events at live music gigs.






Martes, Oktubre 3, 2017

‘Creation is a Solitary Pursuit’ exhibition makikita sa pagbubukas ng Yayoi Kusama Museum


Taong 2014 pa nang matapos ang 5-story building na may salamin na bintana sa Shinjuku Ward na gawa ng Kume Sekkei ngunit isa lang ang alam ng publiko tungkol dito, na pag-aari ito ng Yayoi Kusama Studio. Tatlong taon ang nakalipas, kamakailan lamang inanunsyo na ito pala ang Yayoi Kusama Museum na nagbukas nitong Oktubre 1.

Pinamagatang “Creation is a Solitary Pursuit, Love is What Brings You Closer to Art” ang inaugural exhibition na magbubukas sa naturang museo at tatakbo hanggang Pebrero 25 sa susunod na taon.

Sentro ng exhibition ang 16 mula sa pinakabagong painting series ng artist na “My Eternal Soul” na itinampok sa kanyang solo exhibition sa National Art Center, Tokyo Minato Ward. Itatampok din ang iba pang mga bagong gawa ni Kusama gaya ng “Love Forever” series, isang black-and-white drawing collection, isang red pumpkin, at installation piece na ginawa mismo para sa pagbubukas ng museo.

Fill up for your infinity obsession

“A polka-dot has the form of the sun, which is a symbol of the energy of the whole world and our living life, and also the form of the moon, which is calm. Round, soft, colorful, senseless and unknowing. Polka-dots become movement ... Polka dots are a way to infinity.”

Pamamahalaan ito ng Yayoi Kusama Museum Foundation sa pangunguna ni museum director Akira Tatehata  na siyang pangulo ng Tama Art University at namamahala sa Museum of Modern Art, Saitama.

Magho-host din ang museum ng rotating exhibitions dalawang beses sa isang taon at mayroon din lectures tungkol sa mga obra ng world-renowned avant-garde artist na si Kusama, na kilala sa kanyang mga polka dot, net patterns at infinity mirror installations.

Sa unang palapag ay makikita ang gift shop, exhibition spaces para sa mga artworks ni Kusama sa ikalawa at ikatlong palapag, immersive installations naman sa ikaapat, at reading room na naglalaman ng mga materyales at dokumento na may kaugnayan sa mga obra ni Kusama sa ikalimang palapag, at outdoor space.

Nakatakda naman ang gallery talks ni museum curator Yuji Maeyama sa Oktubre 7 at Oktubre 28, Sabado, 2:30pm at lecture ni Tatehata sa 3rd floor gallery sa Oktubre 22, Linggo, 2:30pm na tatalakayin ang mga kasanayan at mga koleksyon ni Kusama partikular na ang “My Eternal Soul” series.

70 years of artistic obsession

 “If it hadn’t been for art, I would have killed myself a long time ago.” Bahagi ito ng sanaysay na “Why do I create art?” ni Kusama na matagal nang nakikipaglaban sa mental illness at nagsimulang makaranas ng hallucinations noong 10-taong-gulang siya.

Inilarawan niya ang mga ito na “flashes of light, auras or dense field of dots,” gayon din ang mga bulaklak na nakikipag-usap sa kanya, at mga dibuho na dumarami na para bang nilalamon siya na tinawag niyang “self-obliteration”

Aniya, nahumaling din siya sa mga makikinis na putting bato sa may ilog na malapit sa kanyang family home. Ngayon, ang mga ito ang nagsisilbing impluwensiya ng mga obra ni Kusama.

Isang illustrated children’s book din ang ilalabas sa Oktubre 10, ang “Yayoi Kusama: From Here to Infinity” na gawa nina illustrator Ellen Weinstein at Museum of Modern Art (MoMA) curator Sarah Suzuki. Ipinapakita rito ang buhay at karera ni Kusama mula sa kanyang early visions (the world covered in polka dots), sa pag-alis nito sa Japan sa edad na 28 patungong Seattle, New York, at Venice hanggang sa pagbabalik niya sa Japan noong 1970s kung saan boluntaryo siyang pumasok sa isang mental institution.

Nitong 2014 ay pinarangalan siya ng The Art Newspaper dahil sa mahigit dalawang milyong museum attendance sa kanyang “Infinite Obsession” exhibit sa South at Central America.
Nasa 107 Bentencho, Shinjuku-ku, Tokyo ang Yayoi Kusama Museum at bukas ng 11am-5pm tuwing Huwebes – Biyernes at national holidays. May general admission fee na ¥1,000 at apat na admission time slots. Kinakailangan din ang bumili ng advanced tickets sa official website nito na http://yayoikusamamuseum.jp/en

Kolaborasyon ng Toyota at Grab layuning palawakin ang connected car services


“Through this collaboration with Grab, we would like to explore new ways of delivering secure, convenient and attractive mobility services to our fleet customers in Southeast Asia,” ang pahayag ni Shigeki Tomoyama, senior managing officer ng Toyota Motor Corporation (TMC) at pangulo ng The Connected Company.

Tinutukoy ni Tomoyama ang bagong proyekto ng TMC, Toyota Financial Services Corporation (TFS), Aioi Nissay Dowa Insurance Co., Ltd. (Aioi), at Singapore-based ride-hailing platform na Grab na inilunsad kamakailan tungkol sa isang bagong data-focused program.

Toyota Mobility Services Platform

Sa ilalim ng programa, gagamitin ang data-transmission driving recorder na tinatawag na Translog na gawa ng The Connected Company (Toyota in-house) para kumuha ng driving patterns mula sa 100 Toyota cars na ginagamit ng Grab.

Aanalisahin ang driving patterns sa pamamagitan ng Toyota Mobility Services Platform (MSPF) at kung paanong ang iba pang connected car services gaya ng financing program, predictive maintenance at user-based insurance ay makatutulong para mapaganda ang karanasan ng kanilang driver partners sa Grab platform.

Dagdag pa ni Grab CEO at co-founder Anthony Tan, “Toyota is a global leader in the automotive sector, and one of the most popular brands with drivers on our platform. We are confident this collaboration will benefit our driver partners and help them serve our passengers better.”

Nakipag-partner din ang Grab sa Honda Motor Companies para naman sa Southeast Asia operations ng motorcycle-hailing platform nito.  

Nauna nang inilunsad ang Toyota Mobility Services Platform sa unang bahagi ng taon sa isang pilot program sa kolaborasyon ng Toyota sa US car-sharing company na Getaround kung saan pinag-aralan ang mga benepisyo ng paggamit ng Smart Key Box (SKB) na binuo ng Toyota para sa mas ligtas na sistema ng car lending at renting.

80 years, strategic tech investments

Bahagi na ng marka ng Toyota sa automotive industry ang mga makabagong technology investments nito, at kamakailan lang namuhunan din ito sa Grab sa pamamagitan ng trading arm nitong Toyota Tsusho Corp. isang taon pagkatapos nitong bumili ng shares sa Uber Technologies.

Nitong Agosto ay inanunsyo rin ang capital tie-up ng Toyota at Mazda para sa electric vehicle (EV) development at nakatakda silang magbukas ng isang planta sa Amerika na may kakayahang gumawa ng 300,000 na sasakyan bawat taon at makakabuo ng 4,000 na trabaho sa US. Inaasahang magsisimula ang operasyon nito sa 2021.

Kamakailan naman sa pagdiriwang ng 80th anniversary ng Toyota, ipinahayag ni Toyota Honorary Chairman Shoichiro Toyoda ang tila pagpapahiwatig sa pagpasok ng Toyota sa ibang teritoryo na labas sa auto industry.

It’s important to set high goals like Kiichiro’s dream of making cars and have a firm resolve to open up the future,” ani Toyoda.











15th World Suicide Prevention Day: Encouraging communities to ‘Take a minute, Change a Life’


Taun-taong tuwing sumasapit ang Setyembreay idinaraos sa iba’t ibang panig ng mundo ang World Suicide Prevention Day (WSPD) na pinangungunahan ng International Association for Suicide Prevention (IASP) sa tulong ng kolaborasyon ng World Health Organization (WHO). 

Unang isinagawa ang WSPD noong 2003. Isa lamang ang “Cycle Around the Globe” sa mga aktibidad na isinagawa para palawakin ang kaalaman tungkol dito. Nagsisindi rin ng kandila sa bintana para alalahanin ang mga mahal sa buhay at suicide survivors.

Ngayong taon, napili ang “Take a Minute, Change a Life” bilang tema ng awareness day na hinihikayat ang lahat mula sa iba’t ibang komunidad – publiko, gobyerno, eskwelahan, mga pribadong negosyo, mga opisina, mga kabahayan at tahanan. Sentro ng tema ang “connecting with others and letting people know that #itsokaytotalk.”

TELL Lifeline

Dito sa Japan, naka-alerto ang suicide watch sa pagsisimula muli ng pasukan nitong Setyembre 1. Ayon sa datos ng gobyerno, mas maraming kabataan ang nagpapatiwakal sa araw na ito. Nagdaos din ng unang TELL Tokyo Tower Climb ang TELL Lifeline, isang mental health non-profit organization na layunin na gawing 24/7 ang TELL Lifeline nito, gayon din ang Talkie Walkie walks sa Meiji-Jingumae Station at Shibuya at nagpamahagi ng suicide prevention cards at lumikom ng signatures of support.

“The number one reason behind all suicides whether in Japan or any other country is a mental health problem – typically a mood disorder such as depression,” pahayag ni TELL Lifeline director Vickie Skorji sa panayam ng Tokyo Weekender.

“In 2016, 21,897 lives were lost to suicide.  This represents significantly decreased numbers since 2003 when the number peaked around 34,000. Since 2007 the Japanese government has taken numerous steps and actions to attack this problem. However, this is not a number to be celebrated. This number represents 59 lives lost every day – increasingly young lives,” dagdapg pa niya.

Aniya, nakitaan ng 8-10% na pagtaas ang mga tawag na natatanggap ng Lifeline at 20% increase rin sa kanilang answering machines. May call center na rin ang Lifeline sa Kansai at tinitingnan ang pagbubukas ng centers sa mga lugar na nasa labas ng Kanto region.

Inilunsad din nila kamakailan ang overnight chat support service para sa mga taong nais humingi ng tulong kapag sarado ang Lifeline sa gabi tuwing Sabado ngunit plinaplano na gawing available ito tuwing gabi.

Suicide literacy and stigma

Ayon sa IASP, malaki ang epekto ng mga pananalita at aksyon mula sa ibang tao. Madalas ‘di naman talaga nila gustong magpakamatay ngunit nais lamang nila na mayroong makialam o mamagitan. Marami ang nagsabing naghahanap sila ng taong makakaramdam ng kanilang pinagdadaanan, na bukas na magtatanong sa kanila at aalamin ang kanilang mga saloobin.

Sa suicide stigma, madalas iniuugnay ang suicide sa isolation, feeling lost, loneliness at disconnection. Mula sa resulta, iniisip ng iba na ang mga taong nagkukwento tungkol sa suicide ay ‘di naman talaga ito gagawin, ngunit isa itong warning sign at dapat seryosohin.

Halos 20% rin ang nag-aakalang kapag pinag-uusapan ang suicide ay lalo lang ito mapapalala ang suicide risk, ngunit mas nakatutulong nga ito dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na maging totoo at mapag-usapan ang problema.

Makipag-ugnayan sa Tell Counseling sa kanilang TELL Lifeline (03 5477 0992). Nakatakda rin sila magsagawa ng training program sa Oktubre 1.

Lunes, Oktubre 2, 2017

Paulo Avelino at Ritz Azul, bagong tambalan sa ‘The Promise of Forever’

Dreamscape photo
Unang ipinasilip ang trailer ng fantasy romance-drama na produksyon ng Dreamscape Entertainment, ang “The Promise of Forever” sa ABS-CBN Trade Event sa huling bahagi ng nakaraang taon. Agaw-pansin agad sa mga manonood ang napakagandang mga eksena nito sa Europa, gayon din ang kaabang-abang na bagong pagtatambal nina Paulo Avelino, Ejay Falcon at Ritz Azul.

Bagaman naantala ang pag-ere nito na dapat sana’y sa primetime nitong summer. Sa wakas ay nagsimula na rin itong umere sa telebisyon sa Kapamilya Gold bilang kapalit ng “The Better Half” pagkatapos ng “Pusong Ligaw.”

Love is beyond forever

“Hindi siya mabigat pero romantic at susubukan ng kwento nito na patunayan na ‘love is beyond forever’ sa kwento ng isang immortal na lalake at isang babaeng may kaugnayan sa kanyang mahabang nakaraan,” pahayag ng mga direktor nitong sina Darnel Villaflor (Nathaniel) at award-winning independent filmmaker Hanna Espia (Transit) sa kanyang unang proyekto sa telebisyon.

Bilang isa sa malalaking proyekto ng ABS-CBN, ito rin ang kauna-unahang teleserye sa bansa na kinunan sa Prague, Czech Republic. Bahagi rin ang lokasyon nito ang Bruges, Belgium; Amsterdam, Netherlands; at Krakow, Poland.

Isang “canned series” ang serye dahil tinapos na ang produksyon nito sa loob ng halos isang taon. Makabago rin ang konsepto nito dahil ngayon lang na isang imortal ngunit hindi supernatural being ang pangunahing karakter.

Ginagampanan ni Paulo Avelino ang apat na karakter na dahil sa matinding kagustuhan na mabalikan ang babaeng minamahal na si Elizabeth (Sarah Lahbati) ay naging imortal pagkatapos ng isang aksidente. Nagpapalit siya ng katauhan hanggang sa maging kaibigan nito ang isang batang babae ngunit maghihiwalay ang landas ng dalawa sa isang pangyayari.

Si Ritz naman ay si Sophia, isang babaeng nagtatrabaho sa isang cruise ship na may piraso ng kanyang nakaraan na hinahanap at si Ejay bilang si Philip na kaibigan ni Sophia na sikretong nagmamahal sa kanya.

Tampok din sa all-star cast sina Eva Darren, Cherry Pie Picache, Amy Austria-Ventura, Tonton Gutierrez, Benjie Paras, Yana Asistio, Nico Antonio, at Susan Africa. Special participation naman sina Desiree del Valle, Ahron Villena, Sarah Lahbati at Mutya Orquia.

Theme song naman nito ang “Hanggang May Kailanman” na bersyon ni Angeline Quinto.

Kapamilya debut project

Malaking usap-usapan nitong nakaraang taon ang paglipat ng dating TV5 actress na si Ritz sa Kapamilya Network, lalo na nang inanunsyo na mayroon agad itong pinagbibidahan na bagong serye kasama sina Paulo at Ejay.

“Siyempre feeling blessed ako kasi kakapasok ko lang as a Kapamilya nakasama na ako agad sa isang teleserye. So ‘nung sinabi naman sa akin ‘yong story talagang maganda at bago. Isa itong oportunidad sa akin na mapakita ko naman sa ABS [CBN] na talagang karapat-dapat naman akong maging Kapamilya,” ang pahayag ni Ritz nang inanunsyo ito.

Nang matanong naman kung kumusta ang makatrabaho sina Paulo at Ejay, na parehas na matagal nang Kapamilya, “Actually noong una, nag-adjust ako kasi intimidated ako sa kanila (Paulo and Ejay) parehas. Pero nag-adjust din sila sa akin dahil inalalayan nila ako. Alam nilang medyo hirap ako minsan sa pakilig kasi hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Nagpatulong ako sa kanilang dalawa and in fairness, tinulungan nila ako,” ang tugon ng dalaga.

MNL48, makikipag-partner sa ABS-CBN


            Nag-perform ang AKB48 performs sa “It’s Showtime” noong
Nobyembre 2015. (Kuha mula sa  MNL28 Facebook)
Nakatakdang umere sa Kapamilya network ang bagong talent show kung saan maghahanap ng miyembro para sa MNL48, ang “sister group” ng Japanese all-girl pop group na AKB48.

Ayon sa Hallohallo Entertainment (HHE), makikipag-partner sila sa Kapamilya network para “showcase a new flavor of entertainment to the Filipino audience.”

Ang MNL48 ay itutulad sa orihinal na konsepto ng AKB48 kung saan pagpapasiyahan ang mga miyembro sa pamamagitan ng public votes.

Inilunsad ang AKB48 noong Disyembre 2005. Ito ay nahahati sa limang grupo: ang A, K, B, 4 at 8 na may konseptong “Idols You Can Meet” kung saan sila ay maaaring makilala at makasalamuha ng mga tagahanga.

Araw-araw na mapapanood ang kanilang mga pagtatanghal sa Akihabara, Tokyo kung sila ay mapapanood na kumakanta at sumasayaw at minsan ay nagsasagawa ng “handshake event” na katumbas ng meet and greet sa mga tagahanga.

Tinatayang 28 sa mga kanta ng AKB48 ay sunud-sunod na nanguna sa music charts sa Japan. Umabot sa 36.158 milyon ang kanilang CD single sales. Sila ay isa sa pinakamatagumpay na idol groups sa Japan.

“We’re very excited for this partnership and with ABS-CBN as the home for our new project, we’re very positive that this will be one of our biggest milestones yet,” ani HHE President Paulo Kurosawa.

Hindi pa inaanunsyo ang mga detalye ng talent show.

Inilunsad ang pagbuo sa MNL48 noong 2016.

May mga sister groups ang AKB48 sa iba’t ibang lugar sa Japan: Ang SKE48 sa Nagoya, NMB48 sa Osaka, HKT48 sa Hakata at NGT48 sa Niigata. Mayroon din itong sister groups sa ibang bansa: Ang JKT48 sa Jakarta, Indonesia at ang inaabangang TPE48 sa Taipei, Taiwan at BNK48 sa Bangkok, Thailand.

Kauna-unahang Japanese color film na ‘Gate of Hell’ mapapanood na sa TIFF

Kuha mula sa Kadokawa Corporation 1953

Ipapalabas sa special night event ng 30th Tokyo International Film Festival (TIFF) ang 4K digitally restored version ng “Gate of Hell (Jigokumon),” ang unang Japanese color film na ipinalabas sa ibang bansa, sa Kabukiza Theatre sa Oktubre 26.

Idinirehe ni Teinosuke Kinugasa, ipinalabas ang “Gate of Hell” sa 1954 Cannes Film Festival at tinawag na “the pinnacle of beauty” ng jury president na si Jean Cocteau. Napanalunan nito ang Cannes Grand Prix ng taong iyon at Academy Awards for Best Foreign Language Film and for Costume Design noong 1955.

Bida rito sina Kazuo Hasegawa, Machiko Kyo at Isao Yamagata. Base sa nobela ni Kan Kikuchi, umiikot ang istorya nito sa isang samurai na lubos na umibig sa isang babaeng may asawa. Dahil sa takot at pagsisisi ng babae ay napagdesisyunan niya na isakripisyo ang kanyang sarili para iligtas ang buhay ng kanyang asawa at ang karangalan nito. 

Samantala, magtatanghal naman sa isang Kabuku performance na pinamagatang “Otokodate Hana no Yoshiwara” ang Kabuki stalwart na si Ichikawa Ebizo pagkatapos ng screening.

Ang “Special Night Event at Kabukiza Theatre” ay isa sa mga highlights ng 30th Tokyo International Film Festival na gaganapin sa Roppongi Hills at iba pang venues sa Tokyo mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3.

Linggo, Oktubre 1, 2017

Event outline ng 2017 Kyoto Int’l Film and Art Festival inanunsyo na


Ni Florenda Corpuz


Ang mga bumubuo ng Kyoto International Film and
Art Festival ngayong taon. (Kuha ni Din Eugenio)

Pormal nang inanunsyo ang event outline ng 2017 Kyoto International Film and Art Festival (KIFF) sa isang press conference na ginanap sa Yoshimoto Gion Kagetsu Hall kamakailan.

Pinangunahan ni KIFF Chairman Ichiya Nakamura ang pag-aanunsyo kung saan sinabi niya na gaganapin ang festival sa maraming ‘Kyoto-esque’ venues tulad ng Nishi Honganji temple, Okazaki Park at Kyoto Botanical Garden. Aniya, maraming kapana-panabik na kaganapan ang naghihintay sa mga bisita tulad ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng animation.

“I hope visitors from all over the world will enjoy the festival for three nights and four days,” aniya.

Naniniwala naman ang film legend na si Sadao Nakajima, ang Organization Committee Honorary President na magbubunga ng mga bagong creative endeavors sa pelikula ang KIFF.

Dumalo rin sa kaganapan si Kyoto City Mayor Daisaku Kadokawa.

“Let’s inspire the whole nation using the arts and cultural activities. I hope Kyoto can be a stepping stone to that,” aniya.

Gaganapin ang red carpet walk sa harap ng Japanese National Treasure (Karamon gate) habang ang opening ceremony naman ay sa Southern Noh Stage ng Nishi Honganji temple. Ang Buddhist temple na ito ay kabilang sa listahan ng UNESCO World Heritage Site.

Bukod sa animation section na dinagdag ngayong taon ay nariyan din ang TV Director’s Movie section, Silent/Classic Movies category, Art section at marami pang iba.

Ang tema ngayong taon ay nakatuon sa “Movies, Art, and Everything Else.”

Gaganapin ang KIFF 2017 mula Oktubre 12 hanggang 15 at may tagline na “Kyoto: 3 Nights and 4 Days.”

“I feel the festival is dear to the people of Kyoto and they have great expectations for it,” pahayag ng direktor at komedyanteng si Yuichi Kimura na dumalo rin sa pagtitipon.