Taun-taong tuwing sumasapit ang Setyembreay idinaraos
sa iba’t ibang panig ng mundo ang World Suicide Prevention Day (WSPD) na
pinangungunahan ng International Association for Suicide Prevention (IASP) sa
tulong ng kolaborasyon ng World Health Organization (WHO).
Unang isinagawa ang WSPD noong 2003. Isa lamang ang “Cycle
Around the Globe” sa mga aktibidad na isinagawa para palawakin ang kaalaman
tungkol dito. Nagsisindi rin ng kandila sa bintana para alalahanin ang mga
mahal sa buhay at suicide survivors.
Ngayong taon, napili ang “Take a Minute, Change a
Life” bilang tema ng awareness day na hinihikayat ang lahat mula sa iba’t ibang
komunidad – publiko, gobyerno, eskwelahan, mga pribadong negosyo, mga opisina,
mga kabahayan at tahanan. Sentro ng tema ang “connecting with others and
letting people know that #itsokaytotalk.”
TELL Lifeline
Dito sa Japan, naka-alerto ang suicide watch sa
pagsisimula muli ng pasukan nitong Setyembre 1. Ayon sa datos ng gobyerno, mas
maraming kabataan ang nagpapatiwakal sa araw na ito. Nagdaos din ng unang TELL
Tokyo Tower Climb ang TELL Lifeline, isang mental health non-profit
organization na layunin na gawing 24/7 ang TELL Lifeline nito, gayon din ang
Talkie Walkie walks sa Meiji-Jingumae Station at
Shibuya at nagpamahagi ng suicide prevention cards at lumikom ng signatures of
support.
“The
number one reason behind all suicides whether in Japan or any other country is
a mental health problem – typically a mood disorder such as depression,”
pahayag ni TELL Lifeline director Vickie Skorji sa panayam ng Tokyo Weekender.
“In
2016, 21,897 lives were lost to suicide. This represents significantly
decreased numbers since 2003 when the number peaked around 34,000. Since 2007
the Japanese government has taken numerous steps and actions to attack this
problem. However, this is not a number to be celebrated. This number represents
59 lives lost every day – increasingly young lives,” dagdapg pa niya.
Aniya,
nakitaan ng 8-10% na pagtaas ang mga tawag na natatanggap ng Lifeline at 20%
increase rin sa kanilang answering machines. May call center na rin ang
Lifeline sa Kansai at tinitingnan ang pagbubukas ng centers sa mga lugar na
nasa labas ng Kanto region.
Inilunsad
din nila kamakailan ang overnight chat support service para sa mga taong nais
humingi ng tulong kapag sarado ang Lifeline sa gabi tuwing Sabado ngunit
plinaplano na gawing available ito tuwing gabi.
Suicide literacy and stigma
Ayon sa IASP, malaki ang epekto ng mga pananalita at
aksyon mula sa ibang tao. Madalas ‘di naman talaga nila gustong magpakamatay
ngunit nais lamang nila na mayroong makialam o mamagitan. Marami ang nagsabing
naghahanap sila ng taong makakaramdam ng kanilang pinagdadaanan, na bukas na
magtatanong sa kanila at aalamin ang kanilang mga saloobin.
Sa suicide
stigma, madalas iniuugnay ang suicide sa isolation, feeling lost,
loneliness at disconnection. Mula sa resulta, iniisip ng iba na ang mga taong
nagkukwento tungkol sa suicide ay ‘di naman talaga ito gagawin, ngunit isa
itong warning sign at dapat seryosohin.
Halos 20% rin ang nag-aakalang kapag pinag-uusapan
ang suicide ay lalo lang ito mapapalala ang suicide risk, ngunit mas nakatutulong
nga ito dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na maging totoo at mapag-usapan
ang problema.
Makipag-ugnayan
sa Tell Counseling sa kanilang TELL Lifeline (03 5477 0992). Nakatakda rin sila magsagawa ng training program sa Oktubre 1.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento