Martes, Oktubre 3, 2017

Kolaborasyon ng Toyota at Grab layuning palawakin ang connected car services


“Through this collaboration with Grab, we would like to explore new ways of delivering secure, convenient and attractive mobility services to our fleet customers in Southeast Asia,” ang pahayag ni Shigeki Tomoyama, senior managing officer ng Toyota Motor Corporation (TMC) at pangulo ng The Connected Company.

Tinutukoy ni Tomoyama ang bagong proyekto ng TMC, Toyota Financial Services Corporation (TFS), Aioi Nissay Dowa Insurance Co., Ltd. (Aioi), at Singapore-based ride-hailing platform na Grab na inilunsad kamakailan tungkol sa isang bagong data-focused program.

Toyota Mobility Services Platform

Sa ilalim ng programa, gagamitin ang data-transmission driving recorder na tinatawag na Translog na gawa ng The Connected Company (Toyota in-house) para kumuha ng driving patterns mula sa 100 Toyota cars na ginagamit ng Grab.

Aanalisahin ang driving patterns sa pamamagitan ng Toyota Mobility Services Platform (MSPF) at kung paanong ang iba pang connected car services gaya ng financing program, predictive maintenance at user-based insurance ay makatutulong para mapaganda ang karanasan ng kanilang driver partners sa Grab platform.

Dagdag pa ni Grab CEO at co-founder Anthony Tan, “Toyota is a global leader in the automotive sector, and one of the most popular brands with drivers on our platform. We are confident this collaboration will benefit our driver partners and help them serve our passengers better.”

Nakipag-partner din ang Grab sa Honda Motor Companies para naman sa Southeast Asia operations ng motorcycle-hailing platform nito.  

Nauna nang inilunsad ang Toyota Mobility Services Platform sa unang bahagi ng taon sa isang pilot program sa kolaborasyon ng Toyota sa US car-sharing company na Getaround kung saan pinag-aralan ang mga benepisyo ng paggamit ng Smart Key Box (SKB) na binuo ng Toyota para sa mas ligtas na sistema ng car lending at renting.

80 years, strategic tech investments

Bahagi na ng marka ng Toyota sa automotive industry ang mga makabagong technology investments nito, at kamakailan lang namuhunan din ito sa Grab sa pamamagitan ng trading arm nitong Toyota Tsusho Corp. isang taon pagkatapos nitong bumili ng shares sa Uber Technologies.

Nitong Agosto ay inanunsyo rin ang capital tie-up ng Toyota at Mazda para sa electric vehicle (EV) development at nakatakda silang magbukas ng isang planta sa Amerika na may kakayahang gumawa ng 300,000 na sasakyan bawat taon at makakabuo ng 4,000 na trabaho sa US. Inaasahang magsisimula ang operasyon nito sa 2021.

Kamakailan naman sa pagdiriwang ng 80th anniversary ng Toyota, ipinahayag ni Toyota Honorary Chairman Shoichiro Toyoda ang tila pagpapahiwatig sa pagpasok ng Toyota sa ibang teritoryo na labas sa auto industry.

It’s important to set high goals like Kiichiro’s dream of making cars and have a firm resolve to open up the future,” ani Toyoda.











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento