Modelo ng Victorias City sa Negros
Occidental ang Nanjo City sa Okinawa pagdating sa ecotourism para tulungang
mapalakas ang turismo sa lugar.
Pinapalakas ng lokal na pamahalaan
ng Victorias ang agri-ecotourism dito sa pamamagitan ng bird watching tours sa
mga turistang Hapon, farm tours sa mga lokal na turista, at pagpapakilala ng
eco-bento meals sa mga local cafes.
Isinasagawa ito sa tulong ng
Japanese volunteer na ipinadala sa ilalim ng Japan International Cooperation
Agency (JICA) Volunteer Program at Nanjo City.
“The goal is to help Victorias City
increase its tourist arrivals by 30% from the 2015 baseline of 80,924 tourists.
Victorias, with its natural parks, bears semblance to Japan’s Nanjo City as
ecotourism destination. We can certainly explore new tourism opportunities
through Victorias’ eco parks and agriculture products,” pahayag ni Japanese
volunteer Mikaru Nakazato na ipinadala sa lugar sa ilalim ng Japan Overseas
Cooperation Volunteers (JOCV) Program ng JICA noong 2016.
Nagtrabaho si Nakazato sa tourism
department ng Nanjo City Hall.
Ang Nanjo City at Victorias City ay
sister cities at nagtutulungan para sa revitalization ng bawat isa sa
pamamagitan ng sustainable development at partnerships sa ilalim ng technical
cooperation project kasama ang JICA.
Ibinahagi ni Nakazato na
magsasagawa ng seminar ang Victorias tungkol sa eco bento-making na
papangunahan ng instructor mula sa Nanjo City. Tampok sa mga meal boxes ang
lokal na pagkain at ani ng mga magsasaka na nakabalot sa dahon ng saging.
“The eco-bento meals can offer
opportunities for restaurants and cafes in Victorias especially to cater to
tourists in bird watching activities,” dagdag ni Nakazato.
Ang Victorias ay migratory path ng
aabot sa 166 species ng ibon na lumilipad sa kagubatan ng Gawahon Eco Park.
“Victorias could learn from Nanjo
City new areas to enhance tourism to create more jobs and economic opportunities
at the local level,” ani Nakazato.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento