Linggo, Oktubre 8, 2017

Geje Eustaquio ng Team Lakay, pinangunahan ang main event sa ONE: Total Victory

Kuha mula sa ONE Championship
Kapag nababanggit ang pangalang Team Lakay, kadalasan sa maiisip ay mga pangalan ng mga title holders nitong sina Eduard Folayang, Honorio Banario, Kevin Belingon, Crisanto Pitpitunge, Dave Galera, Mark Eddiva at Rey Docyogen na mga notable fighters ng martial arts group na mula sa Baguio. Subalit, isang pangalan ang unti-unti rin na gumagawa ng marka sa Mixed Martial Arts (MMA) – ang world title challenger na si Geje “Gravity” Eustaquio na kamakailan ay nagbabalik sa ONE: Total Victory sa Jakarta Convention Center, Indonesia.

“I worked hard to be back in this position again. It’s truly an honor and a privilege. Thank you ONE Championship for the opportunity and the trust to headline a stacked card like this one,” ang masayang pagbabahagi ng 28-taong-gulang na si Eustaquio sa panayam ng ONE Championship.

Matatandaang ang lima sa kanyang pinakahuling laban ay isinagawa sa ilalim ng undercard segment ng ONE Championship sa loob ng tatlong taon at huli naman siyang nag-topbill sa isang main event noong Setyembre 2014 nang lumaban ito sa title match ng ONE Flyweight World Championship kontra kay Adriano Moraes.

Promising standout   

“His solid striking and grappling skill set has led to huge victories over the course of a six-year professional martial arts career. Training in the high altitudes of the Philippines’ mountainous region, Eustaquio hones his craft alongside world-class teammates at the fabled Team Lakay.”

Ito ang pagsasalarawan sa Igorot flyweight fighter na kinikilala ngayon bilang isa sa pinakamahusay na martial artists sa Asya. Sa kasalukuyan, may siyam na panalo at limang talo si Eustaquio kumpara sa mas mahabang track record ng kalaban nitong si dating world champion Kairat “The Kazakh” Akhmetov na may 23 wins at nag-iisang talo lamang.

Bagaman natalo si Eustaquio sa kasalukuyang ONE flyweight world champ na si Moraes na siya rin nagbigay ng katangi-tanging talo kay Akhmetov, bumawi agad ito sa mga sumunod na laban kung saan tatlo sa limang matches ay naipanalo ng Baguio City native.

Nariyan ang first-round knockout win niya kay Saiful “The Vampire” Merican at ang matagumpay na pagbawi nito sa isang split decision win kontra kay Thai striker Anatpong Bunrad na tumalo sa kanya noong 2015 sa kanilang unang paghaharap.

Ayon pa kay fight commentator Steve Dawson, “It was a beautiful exhibition of standup fighting . . . This was a rematch and it really was, for my money, the best performance of his career.”

Tinukoy ang footwork, timing at counter-punching na kanyang naging alas para maipaghiganti ang pagkatalo sa mas malakas na si Bunrad.

Areas of strength

“My ground game is coming. My wrestling is coming. I believe if you’re going to compare it with others, it’s not very low in terms of performance in wrestling or grappling. Honestly speaking, I am not that far behind,” ang pahayag ni Eustaquio tungkol sa naging paghahanda nito sa pagharap kay Akhmetov.

Dagdag pa nito, sa loob ng ilang buwang pagsasanay, mas gusto rin niyang makipag-spar sa mga mas nakababatang miyembro ng Team Lakay gaya nina Joshua Pacio, Stephen Loman, Danny Kingad, at Cris Pitpitunge.

“They keep me sharp and motivated. Although I learn from the veterans as well, I think there is still a lot to learn from the younger generation,” aniya.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento