“If you can’t travel, read. At least your heart can
get going first.” – The Book Thief (Markus Zusak).
Ang naturang short passage ang isa lamang sa klase ng
mga bagay na babati sa iyo sa pagpasok mo sa Kubrick Cafe & Bookstore na
matatagpuan sa isang tahimik na bahagi ng residential area sa 3 Public Square
Street, Yau Ma Tei, Kowloon sa Hong Kong na malayo sa shopping areas ng Mong
Kok at Tsim Sha Tsui. Bukas ito araw-araw mula 11:30am – 10:00pm.
Artistic and stylish
Ipinangalan ang cafe-bookstore kay American director
Stanley Kubrick, na isa sa itinuturing na greatest directors sa cinematic
history.
Sa unang tingin, hindi agad makakapukaw ng pansin ang
naturang bookstore-cafe dahil sa kanyang ordinaryo at kulay-abong pader, mosaic
tiles at dark-tinted glass ngunit sa loob nito ay madidiskubre ang kakaiba at
old-fashioned na lugar mula sa kumbinasyon ng isang bookstore at cafe.
Makikita rito ang communal tables, wooden seats at
milk bottles na may mga bulaklak sa bawat mesa, gayon din ang mala-art gallery
na istilo nito mula sa mga nakasabit na makukulay na paintings at artworks sa
pader. At habang hinihintay mo ang iyong order, maaari kang kumuha ng libro
mula sa maraming seleksyon nito – may English, Mandarin, at European-languaged
books, literature, self-help, graphic books, at magazines.
A quiet haven for art and
literature enthusiasts
Dahil sa mapanlikha nitong kapaligiran at disenyo,
ayon sa mga blog reviews, ‘di mo talaga mamamalayan ang takbo ng oras at ingay
sa labas at ang pakiramdam mo ay parang pumasok ka sa isang ‘imaginative world’
sa gitna ng fast-paced environment ng tinaguriang “Pearl of the Orient.”
Nakadugtong din ang naturang cafe-bookstore sa
Broadway Cinematheque, isang arthouse cinema outlet na nagpapalabas ng mga bago
at lumang artistic at independent films at venue ng mga independent film
screenings at film festivals sa Hong Kong.
Madali lamang maglabas-masok mula sa Cinematheque at
Kubrick ngunit mas mainam kung manonood muna ng mga pelikulang dito mo lang
mapapanood at puntahan ang film shop na naglalaman ng mga rare at classic
selections ng mga pelikula.
Pagkatapos ng iyong pag-iikot sa Cinematheque,
siguradong makararamdam ka na ng gutom kaya’t nariyan ang kalapit na Kubrick
para rito. Sa kanilang menu ay may sandwiches, cheese cakes, snacks, lunch sets
(around HK $50) at dinner sets (around HK $70) na may kasamang pasta dish at
drink.
Inirerekomenda naman ng website na hiphongkong.city
ang kanilang whole day breakfast (HK$49) – continental style combo ng eggs,
ham/sausage, mushroom/tomato/beans, toasted bread, at coffee; at spaghetti in
lobster sauce (with scallop and sea urchin), floral tea selections at rose
latte mula naman sa isang Trip Advisor
at blog reviews.
Mayroon din ditong wifi at electrical plugs, nariyan
din ang art shop at stationery section kung saan makabibili ng mga quirky
souvenirs. Nagdadaos din dito ng mga literary events at live music gigs.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento