Ni
Florenda Corpuz
Ang mga bumubuo ng Kyoto International Film and Art Festival ngayong taon. (Kuha ni Din Eugenio) |
Pormal nang inanunsyo ang event outline ng 2017 Kyoto International Film and Art Festival (KIFF) sa isang press conference na ginanap sa Yoshimoto Gion Kagetsu Hall kamakailan.
Pinangunahan ni KIFF Chairman Ichiya
Nakamura ang pag-aanunsyo kung saan sinabi niya na gaganapin ang festival sa
maraming ‘Kyoto-esque’ venues tulad ng Nishi Honganji temple, Okazaki Park at
Kyoto Botanical Garden. Aniya, maraming kapana-panabik na kaganapan ang
naghihintay sa mga bisita tulad ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng
animation.
“I hope visitors from all over the
world will enjoy the festival for three nights and four days,” aniya.
Naniniwala naman ang film legend na
si Sadao Nakajima, ang Organization Committee Honorary President na magbubunga ng
mga bagong creative endeavors sa pelikula ang KIFF.
Dumalo rin sa kaganapan si Kyoto
City Mayor Daisaku Kadokawa.
“Let’s inspire the whole nation
using the arts and cultural activities. I hope Kyoto can be a stepping stone to
that,” aniya.
Gaganapin ang red carpet walk sa
harap ng Japanese National Treasure (Karamon gate) habang ang opening ceremony
naman ay sa Southern Noh Stage ng Nishi Honganji temple. Ang Buddhist temple na
ito ay kabilang sa listahan ng UNESCO World Heritage Site.
Bukod sa animation section na
dinagdag ngayong taon ay nariyan din ang TV Director’s Movie section, Silent/Classic
Movies category, Art section at marami pang iba.
Ang tema ngayong taon ay nakatuon
sa “Movies, Art, and Everything Else.”
Gaganapin ang KIFF 2017 mula
Oktubre 12 hanggang 15 at may tagline na “Kyoto: 3 Nights and 4 Days.”
“I feel the festival is dear to the
people of Kyoto and they have great expectations for it,” pahayag ng direktor at
komedyanteng si Yuichi Kimura na dumalo rin sa pagtitipon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento