Kuha mula sa Kadokawa Corporation 1953 |
Ipapalabas sa special night event
ng 30th Tokyo International Film Festival (TIFF) ang 4K digitally
restored version ng “Gate of Hell (Jigokumon),” ang unang Japanese color film
na ipinalabas sa ibang bansa, sa Kabukiza Theatre sa Oktubre 26.
Idinirehe ni Teinosuke Kinugasa,
ipinalabas ang “Gate of Hell” sa 1954 Cannes Film Festival at tinawag na “the
pinnacle of beauty” ng jury president na si Jean Cocteau. Napanalunan nito ang
Cannes Grand Prix ng taong iyon at Academy Awards for Best Foreign Language
Film and for Costume Design noong 1955.
Bida rito sina Kazuo Hasegawa,
Machiko Kyo at Isao Yamagata. Base sa nobela ni Kan Kikuchi, umiikot ang
istorya nito sa isang samurai na lubos na umibig sa isang babaeng may asawa.
Dahil sa takot at pagsisisi ng babae ay napagdesisyunan niya na isakripisyo ang
kanyang sarili para iligtas ang buhay ng kanyang asawa at ang karangalan
nito.
Samantala, magtatanghal naman sa
isang Kabuku performance na pinamagatang “Otokodate Hana no Yoshiwara” ang
Kabuki stalwart na si Ichikawa Ebizo pagkatapos ng screening.
Ang “Special Night Event at
Kabukiza Theatre” ay isa sa mga highlights ng 30th Tokyo
International Film Festival na gaganapin sa Roppongi Hills at iba pang venues
sa Tokyo mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento