Martes, Oktubre 15, 2013

AFSJ: Isang Silip sa mga Pilipinong Estudyante sa Japan


Ni Florenda Corpuz




Mahalaga para sa isang tao ang pagkakaroon ng edukasyon dahil dito nakasalalay ang kanyang kinabukasan at papel na gagampanan sa lipunan. Ito rin ang magsisilbing sandata upang mapabuti ang pamumuhay ng sarili at pamilya.

Lingid sa kaalaman ng marami, may mga organisasyon at grupo ang mga Pilipinong estudyante sa Japan. Isa na rito ang Association of Filipino Students in Japan o AFSJ na binubuo ng humigit-kumulang sa 80 miyembro at may misyong pag-isahin ang lahat ng Pilipinong estudyante sa Japan, tulungan sila sa kanilang pag-aaral at gawing masaya at kapaki-pakinabang ang kanilang buhay-estudyante sa dayuhang lupain.

Binuo noong 1954, ang AFSJ ay aktibo sa mga gawain ng Embahada at Filipino community. Ito ay bahagi ng Philippine Assistance Group o PAG, founding member ng ASEAN Youth Network in Japan o AYNJ at nakikipagtulungan din sa Science and Technology Advisory Council-Japan Chapter o STAC-J.

Ang mga kasapi ng AFSJ ay pawang mga undergraduates, graduate students, specialized college students, research students, teacher training program participants, short-term exchange students at mga graduates na kasalukuyang nagtatrabaho at naninirahan sa Japan. Sila ay mapalad na nabigyan ng scholarship grants ng Japanese Government (MEXT) at iba pang pribadong kumpanya.

Hindi na bago ang pagbibigay ng scholarship ng pamahalaang Hapon sa mga Pilipinong estudyante. Sa katunayan, mahigit sa 50 taon na nila itong ginagawa kung saan aabot sa 100 iskolar mula Pilipinas ang ipinapadala sa Japan taun-taon sa ilalim ng iba’t ibang scholarship programs. Ang mga estudyanteng napili ay eksperto sa kani-kanilang mga larangan at dumaraan sa masusing proseso bago mabigyan ng scholarship grant.

Kilalanin pa ang AFSJ sa aming panayam:
Ano ang layunin ng AFSJ?

Layunin ng AFSJ na magkaisa ang mga mag-aaral na Pilipino sa bansang Hapon para tulungan silang maging matagumpay sa larangan ng akademiya. Nag-oorganisa kami ng iba’t ibang aktibidad na pumupuno sa pangangailang sosyal at kultural ng aming mga miyembro. 

Ano ang proseso na dapat pagdaanan upang maging miyembro ng AFSJ?

Taun-taon ay may dumarating dito na bagong mga mag-aaral mula sa Pilipinas at sila ay inaanyayahan namin na sumali sa grupo. Kahit sinong Pilipinong mag-aaral   na may interes sumali sa AFSJ ay malugod naming tinatanggap.

Bilang mga estudyante, ano ang mga pagsubok na inyong nararanasan?

Maliban sa pagsubok na dala ng akademiya, pagsubok din sa ilan ay ang mawalay sa kani-kanilang pamilya. Dahil halos lahat kami ay nakarating dito sa pamamagitan ng scholarship, kadalasan ay maayos ang aming kundisyon at pamumuhay dito.

Paano ninyo hinaharap ang mga pagsubok na inyong nararanasan sa Japan?

Ang AFSJ ay itinayo para na rin mapunan ang pangangailangang sosyal ng mga Pilipinong estudyante rito sa Japan. Marami kaming mga aktibidad para makapagkita-kita ang mga mag-aaral at nang sa gayon ay magkaroon ng oportunidad na mag-usap at magkwentuhan tungkol sa buhay sa bansang Hapon.

Ano ang masasayang karanasan ninyo rito sa Japan?

Maraming bagay kaming nararanasan dito na hindi namin nararanasan sa Pilipinas tulad ng iba’t ibang panahon, tanawin, mahabang kasaysayan na nakikita sa mga naiwang istruktura at gawang sining, modernong teknolohiya at masasarap na pagkain. 

Ano ang impresyon ninyo sa Japan at sa mga tao rito?

Iba-iba ang impresyon namin sa mga tao dito ngunit nangingibabaw ang respeto sa kanilang disiplina at dedikasyon sa trabaho.

Ano ang pakiramdam na mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng libre sa Japan?

Malaki ang pasasalamat na aming nadarama kaya naman pinagbubutihan namin na tapusin ang aming mga masterado at doktorado rito. 

Ano ang inyong payo sa mga kabataang mag-aaral na Filipino-Japanese?

Bilang mga Pilipinong estudyante sa bansang Hapon na panandalian lamang na nag-aaral dito, marahil ay mas marami silang maipapayo sa amin. Kung may maipapayo kami sa kanila ay sana ipagmalaki ang kanilang pagiging Pilipino.

Ano ang mga aabangang programa ng AFSJ ngayong taon?

Kakatapos lamang ng aming Palarong Pinoy. Sa Nobyembre naman kami ay may Pinoy Cultural Night kung saan inaanyayahan namin ang lahat na manood at makisaya sa pagtatanghal ng iba’t ibang angking talento ng mga Pinoy sa pag-awit, pagsayaw at pati na rin sa pagpapatawa. 

Huwebes, Oktubre 10, 2013

Music Bits: Sandwich, Urbandub, Jinky Vidal and Top Suzara, Aiza Seguerra and Charice, Lady Gaga and Katy Perry





Sandwich nagbigay ng 'total rock and roll show'

Bukod sa paglalabas ng bagong album na pinamagatang Falt, Salt and Flame, nagdaos din ng isang concert sa 19 East sa Paranaque ang sikat na rock band, Sandwich, kamakailan bilang pagdiriwang ng kanilang 15 anibersaryo. Inilarawan ng lead vocalist ng Sandwich na si Raymund Marasigan na isang “total rock and roll show” ang kanilang concert na sinuportahan ng kanilang loyal fans.

Kinanta ng grupo ang lahat ng kantang nakapalood sa kanilang bagong album tulad ng “Back for More,” “Mayday,” “Manhid” at “New Romancer” pati na rin ang kanilang lumang hit songs gaya ng “Betamax,” “Sugod,” “Walang Kadala-Dala,”Sugod,” at iba pa.

Bukod kay Marasigan, binubuo ang banda nila Myrene Academia (bass, backing vocals), Diego Castillo (guitar, backing vocals), Mong Alcaraz (guitar, backing vocals) at Mike Dizon (drums).

Aiza Seguerra at Charice Pempengco magsasama sa ‘Power of Two’

Magsasama sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco sa isang back-to-back concert, “Power of Two,” sa Setyembre 28 sa Smart-Araneta Coliseum. Parehong nagdaos ng kanilang konsiyerto ang dalawang mang-aawit noong nakaraang taon na pumatok sa kanilang fans.

Kakantahin ni Aiza ang kanyang mga bago at lumang awitin na pumatok sa publiko tulad ng “Pagdating ng Panahon,” “Akala Mo,” “Pakisabi na Lang,” “Anong Nangyari sa Ating Dalawa” at iba pa.

Natupad naman ang hiling ng “International Singing Sensation” na si Charice na nagpasikat ng mga kantang “Pyramid,” “Louder,” at “Reset,” na makasama sa isang concert ang tinaguriang “Acoustic Superstar.”

Dating Freestyle members Jinky Vidal at Top Suzara muling nagsama sa concert

Sumikat bilang mga bokalista at keyboardist ng sikat na bandang Freestyle, muling nagkasama si Jinky Vidal at Top Suzara sa isang konsiyerto ang “Top & Jinky Reunited” na ginanap kamakailan lamang sa Music Museum sa Greenhills. 

Pinasikat nila ang maraming hit songs gaya ng “Before I Let You Go,” “So Slow,” “Bakit Ngayon Ka Lang,” “Half Crazy,” “One Hello” at marami pang iba. Ito ang kauna-unahang pagsasama muli ng dating magka-banda mula ng umalis sa Freestyle at maglalabas din ng collaboration album. 

Katy Perry, ilalabas ang pang-apat na album sa Oktubre 

Inanunsyo nitong Hulyo ang paglabas ng pang-apat na studio album ni Katy Perry na pinamagatang “Prism.” Ilalabas ito sa Oktubre 22 at lead single nito ang kantang “Roar” na unang kinanta ni Katy sa isang espesyal na entablado sa Brooklyn Bridge nito lamang sa MTV Video Music Awards. 

Ilan sa mga kumpirmadong kanta sa album maliban sa Roar ang “Double Rainbow,” “Bad Photographs,” “It Takes Two,” “Unconditional,” “Walking on Air” at “Dark Horse.” 

Lady Gaga, balik music scene sa album na ‘Artpop’
Balik music scene na nga si Lady Gaga sa kanyang ilalabas na fourth studio album na “Artpop” na may dalawang volume. Sinimulan ang recording ng album noong 2011 hanggang nitong summer 2013 habang siya ay “Born This Way” promo tour. 

Pinamagatang “Applause” ang unang single nito kung saan nagkaroon ng online leak kaya napilitang ilabas ng mas maaga ang kanta. Ang album ay opisyal na ilalabas sa Nobyembre 11. 

Rock band Urbandub ipinagmamalaki ang ‘Esoteric’
Apat na taon na nang huling maglabas ng album ang Urbandub at ngayong nakaraang buwan ay inilabas na ang pinakahihintay na pang-anim na album ang “Esoteric.” Ito ang unang album na ginawa ng grupo sa Tower of Doom at co-produced ni Macoy Manuel at Eric Perlas. 

Unang single mula sa album ang kantang “Never Will I Forget” na unang narinig sa Radio Republic, Jam 88.3, Magic 89.9, RX 93.1 at Mellow 94.7. Kabilang ang kantang “Stars Have Aligned,” “Hover,” “Dim the Headlights,” “Cold Hearted,” “When Love is Not an Answer,” “Sleight of Hand,” “Between the Earth and Sky,” “Mantra” at “The Burning Taste.” 



Miyerkules, Oktubre 9, 2013

'Akin Pa Rin Ang Bukas': Taking TV drama a notch higher




As GMA Network continues to bring superior and world-class entertainment to its viewers locally and abroad, they have a new offering which elevates drama to a higher plateau. For sure, many Filipinos will be captivated by the grand soap opera titled “Akin Pa Rin Ang Bukas.” 

The show features some of the industry’s finest and respected artists in plum roles. It is headlined by no less than the Kapuso’s “Premiere Actress”, Lovi Poe – as she takes on a winning lead role as Lovelia Villacorta, a woman who turns vengeful against the people who betrayed her. Lovelia is out to prove that everyone deserves equal rights for genuine and real love despite being born out of wedlock.

Lovi has quickly earned her laurels with the recognition and awards from different award giving bodies in the industry and established herself as one of the country’s most in-demand and finest actresses in film and television. She is hungry to make it far and ready to showcase her depth and versatility via her meaty role in the series.

Sought-after leading man Rocco Nacino reunites with Lovi in “Akin Pa Rin Ang Bukas” as he portrays the role of Jerry, a man who will be trapped in a game of lies and deceit orchestrated by his childhood love Agatha played by Charee Pineda.

One of the industry’s most versatile actors Cesar Montano joins the powerhouse cast as Conrad Alperos, the most trusted lawyer of Lovelia’s father, Roel Villacorta to be played by Gary Estrada. Conrad Alperos will eventually fall in love in with Lovelia and will become her protector. Cesar is very happy to be back on GMA and feels very excited working alongside some of the network’s finest artists via the primetime series.

Playing equally important roles in the program are two of the industry’s most esteemed veteran actresses: The Original Queen of Philippine Movies, Ms Gloria Romero as Cristina Alperos, mother to Conrad Alperos and Ms. Liza Lorena as Beatrice Villacorta, mother of Roel.

Beautiful Kapuso star Solenn Heussaff is set to show a new dimension to her acting ability in the series as Jade, the girlfriend of Conrad Alperos. Jade is out to take revenge after being ditched by Conrad. Solenn is very honored to be part of the formidable cast of “Akin Pa Rin Ang Bukas.”

Set to portray the role of Agatha Morales is newest Kapuso Charee Pineda. With her challenging role as one of the antagonists in the series, Charee is ready to deliver an exceptional performance as the ambitious woman who is willing to compromise her integrity and morals for her selfish motives.

GMA Network is proud to present a stellar cast of the country’s most prized artists: Ina Feleo as Emma Ignacio; Glenda Garcia as Jenny; Tia Pusit as Nanay Selya; Steven Silva as Tisoy; Kier Legaspi as SPO 2 Brando Morales; Ruru Madrid as Junior and Freddie Webb as Jaime Villacorta.

To helm this primetime masterpiece is one of Philippine Cinema's all-time best actresses and directors, Ms. Laurice Guillen. GMA takes pride in producing a program with Ms. Guillen as the director who is known in the industry for her outstanding directing style and technique.

In “Akin Pa Rin Ang Bukas”, viewers will witness how Lovelia will reclaim what’s rightfully hers after being deceived by the people close to her. She will learn how to take matters into her own hands and seek revenge against Jerry and Agatha who destroyed her life and acquired all her possessions.

With Conrad on her side, will Lovelia’s love for Jerry eventually fade away? Will Lovelia succeed in her quest for vengeance?

Don’t fail to watch this compelling drama on GMA Pinoy TV!


Shin-Okubo: The ‘Seoul’ of Tokyo


Ni Oliver Corpuz

Kuha ni Din Eugenio

Hindi kalayuan sa Kabukicho, ang kilalang entertainment at red district sa lungsod ng Shinjuku, ay matatagpuan ang pinakamalaki at pinakasikat na Koreatown sa Tokyo – ang Shin-Okubo. 

Pagbaba sa Shin-Okubo Station sakay ng Yamanote Line ay kaagad na makikita ang Shin-Okubo Koreatown dahil sa mga naglalakihang signage na nakasulat sa Hangul. Ayon sa mga residente ng lugar, nagsimulang bansagan na Koreatown ang Shin-Okubo nang sabay na i-host ng Japan at South Korea ang 2002 FIFA World Cup. 

Aabot sa 12,000 rehistradong Korean immigrants ang namimirmihan ngayon sa Shinjuku kaya hindi nakakapagtakang dito matatagpuan ang pinakamalaking Koreatown sa Tokyo at marahil ay sa buong Japan. Bukod sa Shin-Okubo, may Koreatown din sa Osaka at iba pang lugar ngunit hindi sinlaki nang sa Shin-Okubo. 

Hindi na bago ang pananatili ng mga Koreans sa Japan. Sa katunayan, sila ay pangalawa sa pinakamalaking ethnic group sa bansa kasunod ng mga Chinese. Panahon pa lamang ng giyera (1910-1945) ay marami nang Koreans ang nagtungo sa bansa. Nadagdagan pa ang kanilang bilang nang alisin ng South Korea ang paghihigpit sa pagbiyahe noong 1980s kung saan nakakaranas naman ng kakulangan sa manggagawa ang Japan. Lalo pa silang dumami nang buksan ng Japan ang pinto para sa mga exchange students.

Nagsimulang umunlad ang kalakalan sa Shin-Okubo Koreatown noong 1990s  at tumuluy-tuloy hanggang ngayon dahil sa popularidad ng South Korean culture sa Japan. Nag-ugat ito nang maging hit sa bansa ang pelikulang “Shuri” at dramang pang-telebisyon na “Winter Sonata” o “Fuyu no Sonata” na sinundan ng pagsikat ng mga K-POP bands. Maraming mga tagahanga ang nagtutungo sa lugar dahil sa kagustuhan nilang bumili ng mga souvenirs at collectible items ng mga paborito nilang artista.

Nagkalat sa main road at side streets ng Shin-Okubo Koreatown ang mga Korean stores, bookstores, drugstores at novelty shops na dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang sulok ng bansa. Makakatikim din ng mga authentic Korean food tulad ng kimchi, barbecue at tteokbokki sa mga restaurants na nandito.

Higit sa K-POP at Korean culinary delights, ang Shin-Okubo Koreatown ay kumakatawan sa masaya at buhay na buhay na kultura ng mga Koreans. Sa lugar na ito ay malaya nilang naipapahayag ang kanilang mga sarili, malayo man sila sa kanilang sariling bansa. 



Owakudani: The Great Boiling Valley of Japan


Ni Florenda Corpuz


Matatagpuan sa Hakone sa Kanagawa Prefecture, ang Owakudani ay isang kilalang national park na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista sa Japan. 

May taas na 1,044 metro, ang Owakudani ay nakapwesto sa paligid ng crater na aktibong volcanic zone sa hilagang bahagi ng Mt. Kamiyama na parte naman ng mas malaking Hakone volcano. Ito ay kilala sa tawag na “The Great Boiling Valley” dahil sa sulfurous vents at bubbling pools na makikita rito.

Ang Owakudani ay nahahati sa dalawang bahagi: ang Jikokuzawa at Enmadai na nabuo may 3,000 libong taon na ang nakakalipas matapos ang huling pagputok ng Mt. Kamiyama.

Minsan tinawag na “O-jigoku” na ang ibig sabihin ay “hell,” pinalitan ang pangalan ng lugar at tinawag na Owakudani bago ang ginawang pagbisita rito ni Emperor Meiji noong 1876, dahil hindi mainam pakinggan na pumunta ang emperador sa isang lugar na ang tawag ay impiyerno.

Sa pag-akyat at paglibot sa Owakudani ay masisilayan ang kamangha-manghang paglabas ng sulfurous fumes sa bulkan at masasamyo rin ang amoy ng asupre. Sa gitnang bahagi nito ay makikita naman ang isang tourist hub kung saan makakabili ng kuro-tamago o black egg na sinasabing makadaragdag ng pitong taon sa buhay ng isang tao na kakain ng bawat piraso nito. 

Niluluto ang kuro-tamago sa kumukulong putik na may init na 100 degrees Celsius sa loob ng 15 minuto. Nagkukulay itim ang shell nito dahil sa kemikal na reaksyon sa asupreng tubig subalit malalasahan pa rin ang malinamnam na lasa ng itlog kapag ito ay natikman.

Isa rin sa dapat makita sa Owakudani ay ang estatwa ng Jizouson, ang guardian deity of longevity at child-raising at tanyag sa lugar dahil sa transcending spiritual power na taglay umano nito. 
Nandito rin ang Owakudani Natural Science Museum kung saan matututuhan ang kasaysayan at heograpiya ng Hakone. May ilan din souvenir shops sa lugar tulad ng Yu-lupa na nagbebenta ng mga tradisyonal na handicrafts. Bukod sa mga kuro-tamago na lokal na specialty sa lugar, makakakain din ng masasarap na pagkain sa mga restaurants tulad ng Yunohana.

Matatanaw din ang kamangha-manghang tanawin ng Mt. Fuji mula sa lugar kapag maganda ang panahon.

Martes, Oktubre 8, 2013

Aishiteru, Mahal Kita


Ni Florenda Corpuz
Allison at Yumiko

Patuloy sa paglobo ang bilang ng mga interracial marriages sa Japan. At isa ang mga Pilipino sa nangunguna sa listahan ng mga dayuhang nagpapakasal sa mga Hapon. 

Kadalasan, mga kababaihang Pilipino ang nakakapangasawa ng kalalakihang Hapon ngunit may ilan din na mga lalakeng Pinoy ang nakakapangasawa ng Haponesa. Magandang bunga ng interracial marriage na ito ang mga Japanese-Filipino children, samantalang diborsyo naman ang hindi magandang mukha ng pagsasamang ito.

Marami man ang malungkot na kwento ng hiwalayan, may mga matagumpay na pagsasama naman na pinagbuklod ng tunay at wagas na pag-ibig sa kabila ng pagkakaiba ng kultura. 

Dumating sa Japan noong 1993, nakilala ng Pilipinong si Allison Opaon ang kanyang maybahay na Haponesa na si Yumiko noong 1994 habang siya ay nagbibigay ng theater workshop sa lugar ng Kamata. Nagkagustuhan at ikinasal noong Disyembre 25, 1996, naninirahan sa Yokohama ang mag-asawa. Paborito nilang pasyalan ang mga lugar ng Tsurumi, Minato Mirai, Kamakura, Kyoto, Hokkaido at Okinawa. 

Nagtatrabaho bilang ordinaryong manggagawa si Allison habang si Yumiko naman ay isang graphic designer at reporter sa isang diyaryo. Kung hindi abala sa trabaho, aktibo si Allison sa teatro, charity concerts at volunteer works kasama ang maybahay na todo-suporta sa kanya. 

“Wala akong general o particular adjustments na ginawa para sa asawa ko. Wala naman kaming naramdamang mabigat na pagsubok sa aming pagsasama dahil lang sa magkaiba kami ng kulturang kinagisnan. Siguro iyong language barrier pa lang noong una, pero nabura na ‘yan ngayon,” pahayag ni Allison na bilib sa organisado at kumportableng pamumuhay sa Japan. 

Hindi man naging madali ang mga unang taon ng buhay mag-asawa nina Allison at Yumiko dahil sa language barrier, nalampasan naman nila ito dahil sa pag-unawa nila sa kaibahan ng isa’t isa. 

“Sa tingin ko, magiging mahirap talaga para sa isang haligi ng tahanan kung hindi sila magkakasundo ng kanyang maybahay regardless of nationality. Kahit parehong Pilipino o parehong Hapon ang mag-asawa, dadaan sila sa stage na may crisis ang relasyon pero para sa akin, wala akong naranasan na nahihirapan ako sa asawa kong si Yumiko,” sagot ni Allison sa tanong kung mahirap ba ang maging asawa ng isang Haponesa.

Sinubukan din ng mag-asawa na mamuhay sa Pilipinas taong 2008. Sa Bohol at Dumaguete City ay binalak nilang magtayo ng isang restaurant subalit hindi naging madali ito para sa kanila.

“Mahirap pala mawalay bigla sa mga volunteer works na iyong nakasanayan. Iyong tipong nawawala ka sa network ng mga taong kasa-kasama mo sa gawaing pagtulong sa kapwa, marami kang dapat i-adjust sa Pilipinas partikular na ang communication system (Internet connection). At parang mali ang timing din siguro ang magnenegosyo na halos walang pera ang mga tao dahil malaki ang unemployment rate. Anim na buwan lang ang nakayanan ng asawa ko, bumalik siya sa Japan dahil nag-iisa na lang sa buhay ang ina niya bukod sa matanda na, lagi siyang nag-aalala, nalulungkot. Pagkatapos ng isang taon ko sa Pilipinas, sumunod na rin ako sa kanyang bumalik dito sa Japan dahil ayokong magkalayo kaming mag-asawa,” ani Allison.

Sa tanong sa kung ano ang sikreto sa isang matagumpay na interracial marriage, ito ang winika ni Allison, “Paggalang at respeto sa kinagisnang kultura sa halip na ihahambing, pagiging bukas at tapat sa isa’t isa o walang paglilihiman, magtiwala sa isa’t isa, pagtutulungan, bigayan, pang-unawa at palakasin kung alin ang tingin mo’y kahinaan niya, laging susuportahan ang isang pananaw o ideya kung tingin mo’y maganda ang kalalabasan, marunong tumupad sa pangako, laging pangunahing iisipin kung ano ang makakabuti.”

“Sa pag-aasawa, hindi pinipili ang nasyonalidad at hindi dapat pinapairal ang pagkakaiba bagkus ay sa pagkakapareho dapat mag-focus. Mahalin at alagaan ang pamilya, gawing priority sa buhay. Laging bukas sa suhestiyon mula sa iyong asawa, bigayan at pagpapasensiya kung may pagkukulang ang isa. Ituturo sa mga anak ang dalawang kultura dahil karapatan nilang matutuhan ito,” payo ni Allison sa mga kapwa Pilipino na may asawang Hapon.

Hindi man nabiyayaan ng supling, masaya ang mag-asawang Allison at Yumiko sa kanilang pagsasama at nangakong hindi magiging hadlang ang pagkakaiba ng pinagmulan at kultura sa kanilang pag-iibigan. 

Lunes, Oktubre 7, 2013

Cosplay dito, Cosplay doon: Isang silip sa pagbibihis anime


Ni Herlyn Gail Alegre


Hindi na bago sa marami ang makakita sa personal man, telebisyon o magasin ng mga kabataang nakabihis anime – may magagarbong costume, makukulay na wig at mga replikang sandata. Ang cosplay (コスプレ kosupure) o pinaikling costume play ay kadalasang iniuugnay sa paggaya sa itsura, pananamit at kilos ng mga karakter sa anime ngunit kasama rin dito ang pagbibihis tulad ng iba pang karakter mula sa mga libro, video games at pelikula. Ang salitang ito ay pinauso ni Nobuyuki Takahashi, founder ng Studio Hard, isang publishing company sa Japan, nang dumalo siya sa World Science Fiction Convention sa Los Angeles, California noong 1984. 

Ayon sa ilang cosplayers, may iba’t ibang dahilan kung bakit sila naging interesado rito. Isang karaniwang sagot ay dahil nagiging outlet ito sa kanilang pagiging malikhain. May mga cosplayer na sila mismo ang tumatahi ng kanilang costume at gumagawa ng mga props. Dahil sa mga bagong kaibigang nakikilala at mga taong tumatangkilik ng kanilang gawa, nagkakaroon ang mga cosplayer ng “sense of belongingness” sa komunidad na ito. Nagkakaroon sila ng kalayaan na bumuo, tumuklas at bumuhay ng ibang bahagi ng kanilang pagkatao na siyang natatanggap at kinagigiliwan ng iba.

Maraming pamamaraan kung paano makakamtan ang matagumpay na paggaya sa isang karakter tulad ng pagkopya ng detalye ng costume, pagpapakulay ng buhok o pagusuot ng wig, paglalagay ng mga tattoo o contact lens at iba pang distinguishing mark ng karakter. Mayroong iba na gumagawa ng sarili nilang costume, mayroon namang mga tulad ko na mayroon nang nakasanayang mananahi na siyang nagko-customize ng mga costume. Mayroon din naman mga ready-made costumes na nabibili online na mayroong iba’t ibang sizes. Bahagi rin ng pagko-cosplay ang paggaya ng pamamaraan ng pag-arte, pagsasalita at pagkilos ng karakter. 

Cosplay sa Pilipinas
Nauso ang cosplay sa Pilipinas noong 1998. Isa sa mga naging popular venue ng pagko-cosplay ay ang mga anime convention na karaniwang ginaganap sa mga malls. Mayroong individual competiton kung saan isa-isang rarampa at magpapakilala ang mga kalahok. Mayroon din group competition kung saan maaaring magtanghal ng mga skits. Mayroon din mga grupo na nag-oorganisa ng mga outdoor photoshoots. Ilan sa mga kilalang cosplayer sa Pilipinas ay sina Alodia Gosiengfiao na binansagang “Queen of Philippine Cosplay” at kilala sa mga cosplay niya bilang Amane Misa (Deathnote), Haruhi Suzumiya (Haruhi Suzumiya no Yuutsu) at Shana (Shakugan no Shana); at Jin Joson na kilala sa pagko-cosplay ng mga lalaking characters tulad nina Uzumaki Naruto (Naruto) at Kenshin Himura (Rurouni Kenshin).

Cosplay sa Japan

Sa Japan, hindi lamang mga cosplay convention ang venue para makapag-cosplay. Maraming mga cosplayer na nakatambay sa may Meiji Jingu. Kinagawian na ng mga cosplayer na tumambay dito tuwing araw ng Lingo kaya maraming mga turista ang dumarayo rito para masilayan sila. Marami rin mga cosplay cafe at restaurants sa Akihabara kung saan nakasuot ng cosplay ang mga waitress na nagsisilbi rito. Ilan sa mga sikat na cosplayers sa Japan ay sina Kaname na nagbihis na bilang Sanji (One Piece,) at Kaito (Vocaloid); Reika Arikawa bilang Jinguji Ren (Uta no Prince) at Jean Kirschtein (Shingeki no Kyojin). Silang dalawa ay minsan nang naimbitahang bumisita sa Pilipinas upang makibahagi sa mga cosplay event doon.

Tips sa First-Time Cosplayers:

Sa mga nais sumubok mag-cosplay, narito ang ilan sa mga tips na maaaring maging gabay:

Kung nagsisimula pa lamang, pumili ng simpleng costume. Ang mga karakter na naka- seifuku (school uniform) at casual na damit ang pinakamadaling gayahin. Hindi lamang nasusukat sa garbo ng costume ang tagumpay ng pagko-cosplay ngunit sa pagiging epektibo rin ng pagganap. Kasama rito ang pagkopya sa pagkilos at pagsasalita ng karakter.

Araling mabuti ang detalye ng costume, accessories/sandata, kulay ng buhok at mata at iba pang detalye ng karakter. Pumili ng tamang tela para sa costume at iwasan ang makikintab at maninipis na tela na maaaring lumabas na hindi maganda sa mga litrato. Magsuot din ng magandang klase ng wig na kukumpleto sa costume. Maituturing na good investment ang wig para sa isang cosplayer dahil maaari itong magamit ng paulit-ulit.

Siguraduhing maayos ang fit ng costume. Maraming oras ang itinatagal ng isang anime convention o photoshoot, kaya dapat ay kumportable ang costume at suot na sapatos. Hindi dapat masyadong masikip o malaswa ang costume, hindi rin dapat masyadong mabigat o malaki ang mga ito na nakakaabala na pala sa iba. 

Higit sa lahat, huwag kalimutang i-enjoy ang moment. Sa pagkakataong suot mo ang costume na pinaghirapan mo, ikaw ang superhero, may kapangyarihan ka, kaya mong iligtas ang mundo, at superstar ka! Kaya huwag sayangin ang pagkakataong ito, maging confident at makipagkaibigan sa iba.

Cosplay Etiquettes

Kailangan din bigyan ng respeto ang mga nagko-cosplay. Kung magpapakuha ng litrato, magalang na magpaalam sa mga cosplayers kung maaaring magpakuha sa kanila at gawin lamang ito sa mga designated areas para hindi makasagabal o makaperwisyo sa iba. Huwag silang piliting gumawa ng mga awkward poses na malaswa at hindi naaayon sa kanila. Huwag din silang pilitin na magbigay ng personal na impormasyon tulad ng cellphone number at email. Mayroon namang mga cosplayer na may nakahanda nang meishi (business card) para sa mga gustong makipagugnayan sa kanila.

Iba-iba man ang ibig sabihin ng cosplay para sa maraming tao – isang hobby, a form of art o simpleng pampalipas oras – nagiging daan ito upang pag-ugnayin ang mga tao, bumuo ng pagkakaibigan at ilabas ang galing ng bawat isa. At sa paglipas ng panahon at pagdami ng mga gumagawa nito, higit lamang na gumaganda at tumitingkad ang larangan ng pagko-cosplay dito man o doon.


Linggo, Oktubre 6, 2013

Pork barrel sa mata at karanasan ng mga Filipino sa Japan


Ni Cesar Santoyo

Magsasampung taon-gulang pa lamang yata ang magkambal na batang lalaki na si Kun-kun at Mai-mai ng dumating sa Nishi-Kawaguchi, Saitama-ken mula sa Davao City. Buo ang kagalakan ng buong mag-iina na nakarating sa Japan para hanapin ang Japanese na ama ng kambal at simulan ang panibagong pamumuhay sa bansa.

“Kuya! Parang Ateneo de Davao ang eskwelahan namin!” Ito ang bati ni Mai-mai sa akin na puno ng kagalakan sa malaking pagbabago sa buhay makaraan silang matanggap sa paaralan. “Ang ganda ng mga kuwarto… ang ganda ng building, may malaking laruan ng basketball, soccer... public school ito, kuya? Bakit ang ganda rito? Sana mayroon din ganyan sa Davao.”

Malamang ay narinig na rin ninyo ang ganitong katanungan ni Mai at ni Kun at siguro ang naisagot rin ninyo ay dahil ang mga buwis na ibinabayad ng tao ay ibinabalik sa mamamayan sa pamamagitan ng mahusay na pampublikong serbisyo. Kaya maganda ang mga paaralan, libre ang pag-aaral hanggang junior high school, may libreng pagpapagamot at marami pang iba.

Napag-usapan din namin ng ina ng kambal ang suporta ng gobyerno sa mga single mother na kabilang din ang mga Pinay na nakakatanggap ng “seikatsehogo,” na ang seikatsehogo ay na mula sa buwis ng mga mamamayan. Kasama rin sa napag-usapan ang kaibahan ng halaga ng mga natatanggap na seikatsehogo o suporta ng gobyerno sa mga single mothers halimbawa sa lugar ng Kawaguchi at Toda. Mas malaki noon ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Toda kaysa Kawaguchi na kahit parehong sakop ng Saitama prefecture ay magkaiba ang patakaran at kakayanan. Ibig sabihin nito, ang lokal na pamahalaan ay may partisipasyon sa pagdedesisyon sa usapin ng pondo ng bayan.

Bilang mamamayan na nagbabayad ng buwis at saksi ang ating karanasan sa nalalasap na magandang pampublikong serbisyo sa Japan, madali na nating makita kung alin ang tama at mali sa circus na nangyayari sa Pilipinas sa ngayon. Ito ay ang “Pork Barrel Scam” na kinasasangkutan nila Janet Napoles, mga senador, kongresista, ilan pang opisyal ng gobyerno, at mga pekeng NGO na lubhang ikinagalit ng mga mamamayan. Ang trahedya ng istorya ay ang pagdambong ng Php10 bilyon na pondo na dapat ay ginamit sa pampublikong serbisyo subalit nawawala.

Noon ang paglalaan ng pondo galing sa pork barrel ay sa pamamagitan ng deliberasyon at pag-apruba ng Kongreso at Senado. Nagsimulang gamitin ang Country Side Development Fund sa panahon ng dating Pangulong Cory Aquino. Ginamit ng dating Pangulong Arroyo ang pork barrel na panuhol sa mga mambabatas para mapanatili ang puwesto sa Malacañang. Ipinagpatuloy ng kasalukuyang Pangulo Noynoy Aquino ang pamimigay ng pork barrel sa mga mambabatas kung saan sa panahon ng 15th Congress ay itinakda ang patas na halagang Php70 million kada taon sa lahat ng kongresista at Php200 million sa lahat ng senador.

Ang dahilan, ayon sa Budget Secretary Butch Abad, ay para maalis ang inggitan sa pagitan ng mambabatas dahil bago pa man magbukas ang 15th Congress ay iba-iba na ang halagang nakukuha. Kaya isa sa naging resulta ng pagbibigay ng pork barrel sa mga mambabatas ay ang malakihang sindikato kagaya ng ginawa ng mga akusadong tambalang Napoles at mga kakuntsaba nito sa Kongreso na sa natambad na operasyon ay wala ng makakarating bilang serbisyong pampubliko.

May eksena rin na may di-direktang ugnayan ang pork barrel scam sa Japan na sana naman ay maging aral na rin sa atin kung papaano makitungo sa mga pulitko. Sigurado akong naaalala niyo pa, lalo na ang mga nasa Tokyo, ang panawagan noon ng dating Pangulong Arroyo na tumulong ang mga Filipino community sa Japan na lumikom ng pondo para ipagpatayo ng classroom para sa mga batang walang silid-aralan sa Pilipinas.

Masigla, dedikado at talagang ipinamalas ang ispirito ng bayanihan ng mga Filipino community para makalikom ng pondo at nakapagpadala naman ng halaga para sa pagpapatayo ng silid- aralan. Pero sa bandang huli, ang dating pangulong Arroyo mismo ay kinasuhan ng plunder. Ibig sabihin din nito na ang mga pulitiko na nagpapapogi points na may malaking pork barrel at ayaw itong mabawasan ay sa atin pang mga kayod-kalabaw na mga migrante ang ginagawang gatasan imbes na ilaan nila ang kanilang pork barrel sa serbisyong pampubliko.

Sa ngayon, sa pamamagitan ng palabas na ‘Pork Barrel Circus’ sa Pilipinas ay mas masusi nang masasagot ang mga katanungan ni Mai-mai at Kun-kun kung ano ang kadahilanan ng kahirapan ng mga tao sa Pilipinas. Walang sistemang pork barrel -- Philippine style -- ang mga mambabatas ng Japan. At “ang daang matuwid” dito sa Japan ay hindi ginagamit ang pondo ng bayan para mahawakan ng pinuno ng bansa at bigyan pabor ang mga kongresista at senador at saka na lamang ang interes ng sambayanan.
   

Good news for illegitimate Japanese-Filipino children


Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

Autumn is around the corner, lumalamig na naman!  Kaya naman pati mga ulo ng mga tao ay lumalamig at nagiging kalmado, pasensyoso, at mas maawain na naman kaysa tuwing summer dito sa Japan.  Nagiging mas positibo rin lahat ang mga nangyayari sa kapaligiran gaya na lang ng magandang balita para sa mga nanay kabilang na ang mga Pinay na nagkaanak sa Hapon na hindi napakasalan kaya’t ang anak ay itinuturing na illegitimate Japanese-Filipino children. 

Dahil sila ay itinuturing na ilihitimong anak ay mayroong mga karapatan na hindi nila natatatamasa na isang masaklap na pangyayari. Ngunit kung ang isang anak sa Hapon ay kinilala ng tatay kahit na hindi kasal ang nanay sa Hapon at kung nakasama ito sa ‘Kosetikohon’ o Family Register ay pwede nang magmana ng pareho sa parte ng isang lehitimong anak.  

Ito ang naging desisyon ng 14 judges ng Supreme Court sa Japan noong nakaraang Setyembre 4. May punto naman kung equality of human rights ang pag-uusapan at kung may mamanahin pa ang mga anak dahil kahit may mga naiwang pag-aari ang mga Hapon ngunit mas marami naman ang utang ay ang mga tagapagmana rin ang hahabulin ng mga nagpautang.  

Sabi sa NHK media report noong Setyembre 5, “the unanimous decision by the top court was in response to two separate claims filed by people in Tokyo and Wakayama Prefecture who were born out of wedlock whose fathers died in 2001. They argued that being deprived of full inheritance rights amounts to an infringement of the principle of unconditional legal equality… After the ruling was announced, Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga told reporters that the administration will submit a bill to the Diet to revise the Civil Code to reflect the Supreme Court’sdecision.

Para sa karamihan ng mga Pinay, ibang nasyonalidad, o mga kababaihang Haponesa na nagka-anak sa Hapon ay maganda na mayroong ganitong batas na maipapasa ngunit mas mabuti na lang din na manahimik at buhayin o itaguyod mag-isa ang kanilang anak hangga’t maaari.

Para sa mga kinauukulan o sa mga nakakikilala sa mga Pinay na may anak sa Hapon ngunit hindi pinakasalan, pakisabi na lang po ang magandang balitang ito at maghintay na lamang sa resulta ng pagbabagong ito.  In God’s time, let’s pray and entrust everything to God, but let’s move forward to stand on our own feet. Kaya nating mabuhay ng may dignidad at magsikap sa buhay sa pamamagitan ng sariling pawis sa mabuting paraan.  Have a great autumn season! 

Kayo ba ay nakakaranas ng pagka-homesick?


Ni Rey Ian Corpuz

Sa paninirahan sa ibang bansa ay makakaranas ka minsan ng kalungkutan. Tulad sa bansang Hapon na mahirap pag-aralan ang wika at kultura na minsan ay gugustusin mo na lamang umuwi sa Pilipinas. Ngayon ay ibabahagi ko sa inyo kung paano ko naibsan ang pangugulila at kalaunan ay nakasanayan na rin ang buhay sa Japan.

1. Maghanap ng komunidad o grupo ng mga Pilipino. 

a. Kapwa Pilipino - Pinadala ako ng aking kumpanya bilang engineer at ako lamang ang dayuhan sa amin. Naalala ko pa ang mga araw at buwan na halos mabaliw ako sa sobrang kalungkutan. Walang makausap o makakuwentuhan man lang gamit ang wika na naipapahayag mo ang tunay na saloobin. 

Lumipas ang dalawang buwan bago ako nakatagpo ng mga Pilipino dahil na rin sa sobrang abala sa trabaho at bihira lang makapamasyal. Maswerte naman ako at mababait ang mga nakilala kong mga Pilipino. Sila ang naging takbuhan ko sa maraming bagay tulad ng tagapayo at tanungan sa mga simpleng bagay na dapat kong matutuhan sa pamumuhay dito. 

b. Simbahan - Ang simbahan mapa-Katoliko man o kahit anong sekta ay isang magandang pagkakataon upang makahanap ng mga kaibigan. Karamihan sa mga aktibo sa simbahan ay mga Pilipino. At ang mga grupo ng mga Pilipino mismo ang nag-oorganisa ng bus tours tulad ng strawberry-picking, pamamasyal sa Mt. Fuji, bowling at marami pang iba.

c. Magpamiyembro sa mga Filipino Groups - Maraming mga Filipino organizations na matagal nang naitatag dito sa Japan lalo na sa Tokyo area. Tulad ng grupo ng mga Bisaya, Kapampangan, Bikolano at marami pang iba. May mga grupo din na naaayon sa iba’t ibang hilig, halimbawa ay para sa mga taong mahilig kumuha ng larawan, umawit, umarte at sumayaw.

2. Kumain o magluto ng Filipino food. Karamihan ng mga sangkap ng lutuing Pilipino ay mabibili rito sa Japan. Sa simpleng adobo, prito o sabaw ay kayang lutuin. Kung ang sangkap naman ay wala, maaari rin kayong makabili nito sa mga Philippine stores. Kadalasan ay kalapit ng mga Philippine stores ang mga Filipino restaurants.

3. Manood ng Filipino TV shows. Nariyan ang ilang Filipino channels kung saan pwede kayong mag-subscribe para mapanood ang mga programang Pinoy. Para naman sa mga nagtitipid, may mga libreng streaming gamit ang inyong computer o laptop.

4. Mag-aral ng Nihongo. Kung sa tingin ninyo ay homesick pa rin kayo o bored sa mga nabanggit ko mula una hanggang pangatlo ay marahil dapat harapin mo na ang katotohanan na nandito ka sa Japan. Kung anuman ang nagdala sa inyo rito, siguro ay dapat nang harapin ang realidad na dapat kang matuto ng Nihongo. Ang pag-aaral ng ibang wika ay mahirap at wlang shortcut. Sa aking karanasan, nakakabiyak ng ulo ang pag-aaral ng Nihongo pero kapag ito ay iyong nalampasan, madali na lang ito. Maraming mabuting maidudulot ang pagkabihasa sa Nihongo. Sa kalaunan, hinding-hindi ka na maho-homesick. Promise! Tatlo sa mga mabuting naidudulot kapag marunong ka nang magsalita ng Nihongo ay ang mga sumusunod:

a. Sa pagkain. Magkakaroon ka ng interes na tikman ang mga pagkaing Hapon dahil nababasa mo na ang menu. Hindi ka na rin aasa pa sa mga litrato ng pagkain na hindi mo talaga alam kung ano ito. 

b. Sa pakikisalamuha sa mga Hapon o pakikipagkaibigan. Hindi ka na mag-aalinlangan na makipag-usap dahil alam mo na ang bawat salitang bibigkasin mo. Paraan din ito kung ikaw ay naghahanap ng kasintahang Hapon o sa simpleng pangungulila mo na may makausap.

c. Ma-e-enjoy mo na ang local Japanese TV shows. Sadyang nakakaaliw at nakakabaliw ang mga programa nila. Maiibsan ang iyong pagka-homesick dahil sa mga kakaibang komedya at palaro na mala-out of this world.
  

Kapag tayo’y pauwi na


Ni Al Eugenio

Makalipas ang mahabang panahon nang pagtigil dito sa Japan, marami pa rin sa ating mga kababayan ang pipiliing sa Pilipinas magretiro kasama ng pamilya. 

Totooong masarap manirahan dito sa Japan. Maayos at tahimik ang pamumuhay, maganda ang serbisyo, masarap ang mga pagkain at magaganda ang mga lugar pasyalan. Sa Pilipinas naman, kahit na sabihin pa na talamak ang pangungurakot at nakawan, madalas ang pagbaha, baku-bakong mga daan at tuluy-tuloy ang pagtaas ng bilihin ay wala pa rin itong katulad, ika nga “there’s no place like home.”

Dahil na rin marahil sa hindi gaanong seryosong magdala ng problema ang mga Pilipino kaya’t sa pakiramdam natin ay mas magaan ang mamuhay at manirahan sa Pilipinas. Marami nga sa mga Hapon na asawa ng mga Pilipina ay nais sa Pilipinas manirahan. Kahit na malaki ang mga problema ay mayroon pa rin katatawanan, huwag lang na mag-a-apply ka ng trabaho, mayroong disenteng t-shirt at shorts ay makakarating ka na kahit saan. Iwasan lang ang sobrang porma at yabang para hindi maholdap at makainisan at kung mapag-alala ka sa kapwa at sa iyong kapaligiran ay tiyak na marami ang matutuwa sa iyo at marami kang magiging kaibigan. Kung tutuusin, simple lang ang mamuhay sa Pilipinas ngunit nakahanda ka na kaya?

Maraming mga bagay ang dapat na pag-aralan at ihanda bago dumating ang panahon ng ating pag-uwi at pagretiro tulad halimbawa ng kung saan lugar tayo titira. Sa isang lugar ba na sariwa ang hangin at malayo sa polusyon o mas hinahanap-hanap mo ang saya ng buhay sa lungsod? Para sa iba, mahalaga na mas malapit sa pamilya at mga kamag-anak na hindi nakapiling sa maraming taon na pamimirmihan sa Japan. Ano ang ating magiging hanapbuhay pagbalik ng Pilipinas? May sapat ba na ipon upang makapagsimula ng maliit na pagkakakitaan?          

Maaaring ito ang pinamalaking katanungan para sa ating mga kababayan na nagnanais nang permanenteng manirahan sa Pilipinas. Marami sa atin ang walang sapat na kaalaman tungkol sa kung anong uri ng hanapbuhay ang maaari nating pasukan sa Pilipinas. Tayo ba ay magiging empleyado? Tulad halimbawa ng pagiging call center agent. Mag-negosyo kaya? Tulad ng tindahan o kainan.

Marami sa kababayan natin ang maagang nakapaghanda at nakapag-ipon para sa pagreretiro sa Pilipinas. Ito ay sa tulong na rin ng mga masisinop na kamag-anak na nagbibigay-halaga sa perang pinaghirapan dito sa Japan. Ngunit may ilan din na walang pinatunguhan ang pagtitiis at paghihirap dahil sa mga pagwawaldas ng mga kamag-anak na para bang madali lamang kumita at magpadala ng pera na parang agos ng tubig na walang katapusan.

Makakatulong ang madalas na pag-uwi sa Pilipinas upang personal at tunay na maramdaman ang mga pagbabago ng ating bansa. Ito’y makakatulong sa pagdedesisyon kung anong uri ng pagkakakitaan ang maaari nating umpisahan kapag tayo ay bumalik na rito. 

Para sa mga walang pagkakataong umuwi, ang pagsasaliksik sa pamamagitan ng Internet ay makakapagbigay ng mga impormasyon na makadaragdag sa ating kaalaman. Mayroong mga palatuntunan sa radyo at telebisyon sa Internet na makakapagbigay ng mga ideya tungkol sa pagnenegosyo.

Ang  Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ay patuloy din na nag-iimbita ng mga kawani ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang magbigay ng seminar tungkol sa pagnenegosyo. Kalakip nito ang suporta at pag-alalay ng naturang ahensya sa mga OFWs na susubok mag-invest sa bagong negosyo pag-uwi sa Pilipinas. 

Sa katunayan, dumating kamakailan si Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala at hinimok ang mga OFWs dito na mamuhunan sa agribusiness sa Pilipinas. Ito ay bahagi ng re-integration program ng pamahalaan na mabuksan ang kaisipan ng ating mga OFWs sa Japan at sa buong mundo na may magandang kinabukasan na naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

Nais ko pong pasalamatan sina Ginoong Felipe P. Reolalas ng Livestock Development Council  na nagsama sa amin ng walang gastos sa Tiaong Quezon, gamit ang sasakyan ng Department of Agriculture at kay Dr. Rene C. Santiago, Center Chief ng National Swine and Poultry Research and Development Center sa pagbibigay sa amin ng napakaraming kaalaman tungkol sa pamumuhunan sa livestock  industry. 

Miyerkules, Oktubre 2, 2013

Bagong Miss Philippines-Japan, kinoronahan na


Ni Florenda Corpuz
Kuha ng In Focus Photography
Kinoronahan na ang pinakabagong Miss Philippines-Japan 2013 na si Mayu Eustaquio Murakami. Tinalo ni Murakami ang 13 kandidata sa grand coronation night na ginanap sa Tsuzuki Hall, Yokohama kamakailan. 

Isinilang sa Tokyo at 3rd year International Cultural Exchange student Majoring in Mass Communication ang nanalong 20-anyos na beauty queen. 

Sa question & answer portion, sinagot ni Murakami ang tanong na “What Filipino values has your mother taught you that you can share to everybody in Japan?” 

“My mother has taught me well and she gave me unconditional love,” ang madamdaming sagot ni Murakami.  

Si Seira Castro Suzuki naman ang hinirang bilang Miss Luzon 2013 habang Miss Visayas 2013 si Youki Ponteras Akimoto at Miss Mindanao 2013 naman si Yuki Do Sonoda.

Panalo naman ng special awards ang mga kandidatang sina Marina Molina Asano na nakasungkit ng Best in Talent at People’s Choice Award; Youki Ponteras Akimoto na itinanghal na Miss Glowing Skin, Miss Congeniality at Miss Byuting Pinay; Siera Castro Suzuki na Miss Kissable Lips, Miss Tokyo Love Soap at Miss Photogenic; Mayu Eustaquio Murakami na nakakuha ng Best in Yukata, Best
in Evening Gown at Best in Swimwear; Midori Naviamos Sakurai na nanalong Miss Avon; at Yuki Du Sonoda na nakakuha ng Adviser's Choice Award.

“Thank you DOS-J for making this grand ambitious event possible.” These candidates embody the grace of what it us to be a Filipino. In the future, we can proudly represent this part of the world in Mutya ng Pilipinas and Bb. Pilipinas,” pahayag ni Minister and Consul General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio, ang chairperson ng panel of judges.

Kabilang rin sa mga hurado sina Transtech Global Philippines President Trixie Takahashi, Megaworld Int'l. Senior Country Manager & Managing Director for Asia Pacific 2 Michael G. Moreno, MPJP Vice-Chairperson Chie Kushida, Inspired Writer-Poet-Photographer Mark Tarpinian, MPJP Chairperson Daisy Jumilla at Tourism Attache Valentino Cabansag.

Samantala, pinasaya naman nila Carol Inagaki, Eva Takanashi, Sharmaine Mae Banal, DOS-J dancers at bandang Lumad ang mga manonood sa kanilang intermission numbers.

Nagsilbing hosts ng gabi sina Ana Margarita Teodoro at Sharon Francisco.

Ito ang ikalawang taon ng patimpalak na bahagi ng taunang Kadayawan Festival sa Tokyo na ino-organisa ng Dabawenyos’ Organized Society-Japan. 

“We are hoping to reach out to more candidates from different prefectures in Japan next year,” pahayag ni DOS-J founder Joseph Banal. 

Ibinalita rin ni Banal ang malaking event na kanilang ino-organisa sa darating na Nobyembre na gaganapin sa Tokyo, Nagoya at Gifu kung saan panauhing pandangal ang aktor na si Robin Padilla.
Nakatakdang ilunsad ang Miss Philippines-Japan 2014 sa Pebrero.
Isinilang sa Tokyo at 3rd year International Cultural Exchange student Majoring in Mass Communication ang nanalong 20-anyos na beauty queen. 

Sa question & answer portion, sinagot ni Murakami ang tanong na “What Filipino values has your mother taught you that you can share to everybody in Japan?” 

“My mother has taught me well and she gave me unconditional love,” ang madamdaming sagot ni Murakami.  

Si Seira Castro Suzuki naman ang hinirang bilang Miss Luzon 2013 habang Miss Visayas 2013 si Youki Ponteras Akimoto at Miss Mindanao 2013 naman si Yuki Do Sonoda.

Panalo naman ng special awards ang mga kandidatang sina Marina Molina Asano na nakasungkit ng Best in Talent at People’s Choice Award; Youki Ponteras Akimoto na itinanghal na Miss Glowing Skin, Miss Congeniality at Miss Byuting Pinay; Siera Castro Suzuki na Miss Kissable Lips, Miss Tokyo Love Soap at Miss Photogenic; Mayu Eustaquio Murakami na nakakuha ng Best in Yukata, Best in Evening Gown at Best in Swimwear; Midori Naviamos Sakurai na nanalong Miss Avon; at Yuki Du Sonoda na nakakuha ng Adviser's Choice Award.

“Thank you DOS-J for making this grand ambitious event possible.” These candidates embody the grace of what it us to be a Filipino. In the future, we can proudly represent this part of the world in Mutya ng Pilipinas and Bb. Pilipinas,” pahayag ni Minister and Consul General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio, ang chairperson ng panel of judges.

Kabilang rin sa mga hurado sina Transtech Global Philippines President Trixie Takahashi, Megaworld Int'l. Senior Country Manager & Managing Director for Asia Pacific 2 Michael G. Moreno, MPJP Vice-Chairperson Chie Kushida, Inspired Writer-Poet-Photographer Mark Tarpinian, MPJP Chairperson Daisy Jumilla at Tourism Attache Valentino Cabansag.

Samantala, pinasaya naman nila Carol Inagaki, Eva Takanashi, Sharmaine Mae Banal, DOS-J dancers at bandang Lumad ang mga manonood sa kanilang intermission numbers.

Nagsilbing hosts ng gabi sina Ana Margarita Teodoro at Sharon Francisco.

Ito ang ikalawang taon ng patimpalak na bahagi ng taunang Kadayawan Festival sa Tokyo na ino-organisa ng Dabawenyos’ Organized Society-Japan. 

“We are hoping to reach out to more candidates from different prefectures in Japan next year,” pahayag ni DOS-J founder Joseph Banal. 

Ibinalita rin ni Banal ang malaking event na kanilang ino-organisa sa darating na Nobyembre na gaganapin sa Tokyo, Nagoya at Gifu kung saan panauhing pandangal ang aktor na si Robin Padilla.
Nakatakdang ilunsad ang Miss Philippines-Japan 2014 sa Pebrero.


Martes, Oktubre 1, 2013

26th Tokyo Int’l Film Fest gaganapin sa Oktubre



Ni Florenda Corpuz




TOKYO, Japan – Idaraos ang prestihiyosong 26th Tokyo International Film Festival na may slogan na “A Films-First Festival” sa darating na Oktubre 17-25 sa Roppongi Hills at iba pang lugar sa Tokyo.

“This year, we will be celebrating the 26th Film Festival. Our predecessors have achieved a lot, many of which we should inherit. To remember the spirit of those who started 1st TIFF, we made a slogan “A Films-First Festival,” pahayag ni TIFF Director General Yasushi Shiina.

Napiling opening film ng 26th TIFF ang pelikulang “Captain Phillips” ni Paul Greengrass na pinagbibidahan ng two-time Oscar winner na si Tom Hanks. Ito ay hango sa tunay na pangyayari kung saan isang barko ang na-hijack ng mga Somali pirates noong 2009. 

Nakatakdang bumisita si Hanks sa Japan para ipakilala ang pelikula na kanyang pinagbibidahan. Matatandaang huling binisita ng aktor ang bansa taong 2009 nang kanyang i-promote ang pelikulang “Angels and Demons”. Samantala, ang “The Kiyosu Conference” naman ng magaling na Japanese director na si Koki Mitani ang magsisilbing closing film.

Pinakilala rin ang singer at aktres na si Chiaki Kuriyama bilang “festival muse” na sumikat internationally dahil sa kanyang pagganap sa mga pelikulang “Battle Royale” at “Kill Bill Vol. 1.” 

“I am very happy to serve as the festival muse for the 26th Tokyo International Film Festival. I love watching movies but also as an actress, I feel the joy of entertainment in filmmaking through strong teamwork. So this is a great honor for me to be a part of this wonderful festival that connects Japan and the world. I am looking forward to fulfilling my role with delight and commitment,” ani Kuriyama. 

Nahahati sa limang bahagi ang festival na kinabibilangan ng Competition, Asian Future, Special Screenings, Japanese Eyes at World Focus sections.

Magsisilbing jury president ng international competition ang magaling na Chinese filmmaker na si Chen Kaige. Si Kaige ay nakilala sa kanyang pelikulang “Farewell My Concubine” na ginawaran ng Palme d'Or sa Cannes Film Festival. Siya rin ay recipient ng Akira Kurosawa Award bilang most talented director noong 21st TIFF.

Samantala, napili naman ang pelikulang “Norte, The End of History” ng Filipino multi-awarded independent filmmaker na si Lav Diaz na ipalabas sa World Focus section ng 26th TIFF. Ito ay pinagbibidahan nina Sid Lucero, Angeli Bayani at Archie Alemania. Tanging mga internationally-acclaimed films sa iba’t ibang film festivals sa buong mundo ang ipinapalabas sa bahaging ito ng festival. Ang pelikula ay co-presented ng Yamagata International Documentary Film Festival.

Isa rin sa highlight ng festival ay ang Competition section kung saan gagawaran ng “Tokyo Sakura Grand Prix” award ang mananalong pelikula. Noong nakaraang taon, nakatanggap ng 1,332 movie entries mula sa 91 bansa ang TIFF committee.

Ang Tokyo International Film Festival ay isa sa pinakamalaking film festivals sa buong Asya. Layon nitong bigyan ng pagkakataon ang mga film fans na mapanood ang mga high-quality at world-class films mula sa Japan at ibang bansa.