Taun-taon tuwing Oktubre ay ipinagdiriwang ang Breast
Cancer Awareness Month, na unang ginunita noong 1985, na may layuning palawakin
pa ang kaalaman at kamalayan sa breast cancer at para makalikom ng pondo sa
pagsasaliksik ukol dito at makatuklas ng lunas.
Ngayong taon, tinatayang 246,660 na bagong kaso ng
invasive breast cancer at 61,000 non-invasive breast cancer ang inaasahang makakaapekto
sa mga kababaihang Amerikano ayon sa Breastcancer.org, isang nonprofit
organization. Ani ng Breastcancer.org, nagsimulang bumaba ang incidence rates
ng breast cancer noong 2000 pagkatapos ng dalawang dekadang pagtaas nito.
Tinukoy na bahagi ng pagbaba ng mga kaso ay dahil sa nabawasan
ang sumasailalim sa hormone replacement therapy (HRT), isang estrogen treatment
para mabawasan ang mga sintomas na dulot ng menopause. Makikita ang kaugnayan
ng HRT at breast cancer risk sa resulta
ng pag-aaral na Women’s Health Initiative noong 2002.
New developments
Sa parehas na mauunlad at paunlad pa lang na mga
bansa, ang breast cancer ang pinaka-pangkaraniwang klase ng sakit na nakakaapekto
sa mga kababaihan, ngunit higit sa mga low/middle-income countries dahil sa
kakulangan ng kamalayan ukol dito, na kadalasa’y nasa late stages na kapag
nakumpirma ang sakit.
Sa kabila nito, may ilang mga pagbabago partikular na
sa pagtukoy at gamutan sa naturang sakit. Mas alam na ng mga doktor ngayon ang
mga pangunahing aspetong nagdudulot ng cancer, ang pinakamainam na panahon para
sa screening at ang pagtukoy sa mga klase ng cancer na mataas ang posibilidad
na kumalat sa ibang bahagi.
Dagdag pa ng Breatcancer.org, ‘di laging
kinakailangan na sumailalim agad sa mga karaniwang treatment gaya ng
chemotheraphy, radiation o surgery, lalo na’t maraming dulot na side effects
ang mga ito sa kalusugan ng pasyente. Nadiskubre ng mga siyentipiko na hindi
lahat ng breast lesions ay kakalat kagaya Stage 0 at ductal carcinoma in situ
(DCIS), isang non-invasive cancer kung saan may mga abnormal cells sa lining ng
breast milk duct ngunit hindi ito kumalat sa ibang breast tissues.
Customized screening and
treatments
Sa pamamagitan ng mga mas makabagong aparato gaya ng
3D mammography at MRI, gayon din ang genetic tumor tests ay mas naaayon na ang
mga pamamaraan para sa iba’t ibang pasyente.
Pangungunahan ni Dr. Laura Esserman ng University of
California ang Women Informed to Screen Depending on Measures of Risk (WISDOM)
study kung saan tinatayang 100,000 kababaihan ang sasailalim sa personalized
screening regimen upang alamin kung kailan dapat magsimula ng mammogram ayon sa
individual risk at ang iba naman ay sa nakasanayang taunang mammogram.
More than the common risk
factors
Karaniwang risk factors, ‘di lang sa breast cancer
maging sa iba pang mga sakit ang genetics at klase ng pamumuhay. Ngunit ang
genes na minana mo ay nagbabago dala ng iba’t ibang aspeto – weight, diet,
exercise, alcohol consumption, smoking, estrogen exposure, birth control pills,
at maging stress at kahit ang iyong kapaligiran.
Sa katunayan, mas malaki pa ang porsyento ng
lifestyle choices at environmental exposure na may 75 – 80 porsyento kaysa sa
genes na dahil naman sa mutations ayon sa American Cancer Society. Gayunpaman,
maaari naman kontrolin ang naunang nabanggit sa pagsunod sa mga nakasanayang
payo – healthy weight, regular exercise, pag-iwas sa pag-inom at paninigarilyo
at healthy diet (high in plants, healthy fats like olive oil, low in animal
fats).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento