Unti-unting
gumagawa ng sarili niyang pangalan sa mundo ng tennis si Yoshihito Nishioka, 21, na kabilang sa naging susi para
manatili ang Japan sa World Group ng Davis Cup kamakailan sa pamamagitan ng
pagtalo sa Ukraine. Kasalukuyang nasa 98th rank si Nishioka kung
saan may apat na Japanese players sa top 100 ng ATP rankings na itinuturing na
“promising” sa kinabukasan ng tennis sa bansa.
Napabilang
din si Nishioka kamakailan sa ATP’s “Next Generation” campaign kung saan
ipinakilala ang mga rising players na tulad niya na edad 21 o pababa sa World
Tour. Umabot din siya sa second round ng US Open at naitala niya ang
career-high na no. 85 sa world rankings pagkatapos ng Atlanta Open nitong
Agosto. Nagwagi rin si Nishioka ng gold medal sa men’s singles sa 2014 Asian
Games Incheon, South Korea .
“And
my dream is to win a Grand Slam. I know I’ll eventually play against Nishikori
[Kei]. I want to be like a presence like him. I want to even do better than he
has done,” ang pahayag ni Nishioka.
Aniya,
bagaman naikukumpara siya kay Nishikori ay inspirasyon niya ito at hinahangaan
niya ang mga nagawa nito sa mas malawak na interes ngayon sa Japanese tennis.
At kung dati ay napagkakamalan pa siyang si Nishikori, ngayon ay mas maraming
foreign fans na ang mas nakakakilala sa kanya.
“There
have been more foreign fans that call my name and ask for autographs lately,
and I’ve been glad to see that. Of course I’ve made the top 100 in the rankings
and that has helped. I’m happy that I’m gradually getting recognized,” dagdag
pa niya.
Gaya
ni Nishikori, nagsanay din si Nishioka noong teenager siya sa IMG Academy sa
Amerika mula sa edad na 14 hanggang nang maging professional siya noong
18-taong-gulang siya sa pamamagitan ng scholarship mula sa Masaaki Morita
Tennis Foundation. Aniya, maganda ang naging karanasan niya rito dahil
nakakapagsanay kalaro ang iba’t ibang manlalaro.
Nag-umpisang
maglaro ang lefthander na si Nishioka noong apat na taon pa lang siya sa tennis
school ng kanyang ama sa kanyang hometown sa Tsu, Mie Prefecture, ngunit ‘di
naging madali ang lahat sa kanya. Aniya, marami ang hindi naniwala na kaya
niyang umabot sa top 150.
Sa
halip, nag-udyok lang ang mga ito para mas magpursige pa siya.
“I
wanted to prove them wrong. And to be honest, I thought that I could do it. I
believed I could do it.”
Ibinulalas
din niya na kinailangan niyang magkaroon ng kontrol sa kanyang emosyon kaya’t
inaral niya ang ilang aklat sa brain science at sports psychology gayon din ang
pagsunod sa payo ng kanyang inang si Kimie.
Payo
rin ng IMG founder Nick Bollettieri sa kanya na gawin niyang modelo ng kanyang
laro ang dating no. 1 na si Marcelo Rios dahil sa pagkakapareho nila sa istilo
ng paglalaro. Layunin din ni Nishioka na lumaban sa Tokyo 2020 Olympics. Nakatakda naman siyang lumaban sa ilang
challenger tournaments sa China at sa Japan sa nalalabing bahagi ng taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento