Ni
Elvie Okabe, DBA/MAE
Pagsapit
ng Setyembre ay naaamoy na sa atin sa Pilipinas ang simoy ng Pasko dahil sa mga
tugtugin sa radyo o mga dekorasyon sa department stores ngunit dito sa Japan
kahit mismong Pasko na na ay ‘di pa rin mararamdaman.
Subalit
ano nga po ba ang tunay na kahulugan ng Pasko? Pinaghahandaan ba natin ito sa
magagarbong materyal na bagay para sa ating sarili, tahanan, at para sa ating
mga bisita? O ‘di kaya ay upang makapagbahagi ng ating mga biyaya mula sa Diyos
para sa mga ulila at kapus-palad? Alin ang mas nakakapagpaligaya sa atin sa dalawang
puntos na nabanggit?
Ang
salitang Christmas ay mula sa salitang “Christ,” na ang ibig sabihin ay “Kristo Hesus” at “mas,” na salitang Espanyol na ang ibig sabihin
ay “more.” So, in other words, Christmas really means “more of Christ,” that is
why we say that Jesus is the reason for the Christmas season and all seasons of
every year.
Sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos Ama ay niloob Niya na magkatawang tao sa
pamamagitan ni Hesus, na Diyos Anak na isinilang na batang paslit sa sabsaban
ng mga hayop.
Ipinararating
nito na kailangan natin isipin at maintindihan ang mga paraan para sa
ikaluluwalhati o ikalulugod ni Hesus at hindi ng pansariling pangangailangan
lamang. Ang isa pa pong ibig sabihin ng Pasko ay ang pagkakaroon ng “spirit of
poverty” anuman ang katayuan sa buhay. Ito ay ang ugaling simple sa buhay at
hindi magarbo sa pagkain, pananamit o sa mga gamit upang higit pa nating
maalala at matulungan ang iba.
Narito
po ang ilang mga mungkahi o ideya kung paano tayo magkaroon ng mas makahulugang
Pasko na puno ng pagmamahal at biyaya:
1.
Maglaan
ng budget para makapagbigay sa mga ulila o may kapansanan na mga bata o
matatanda;
2.
Kung
kapos sa pera, mag-isip ng mga ideya upang madagdagan ang kita para makapag-donate
gaya ng pagtitipid o karagdagang overtime sa trabaho;
3.
Mag-isip
na kung anong charity organization o simbahan tayo makapagbibigay ng ating donasyon
at kung maaari po ay makibahagi ng personal sa kanilang Christmas project;
4.
Kung
mayroong mga gamit sa bahay na mga bago o hindi pa nagagamit ay napakasaya sa
puso kung babalutin natin ito bilang regalo;
5.
Marami
pong flea market o bazaar dito sa Japan, pumunta po tayo upang makabili tayo ng
mga mura at bago na pwedeng pang-regalo;
6.
Ipamigay
ang mga gamit na hindi na ginagamit, bago man o hindi, para sa mga
nangangailangan o iambag sa charity bazaar ng inyong pinakamalapit na simbahan;
7.
Mag-organize
ng charity group party for a particular cause gaya ng “Potluck Party with
Bazaar” kung saan ang mga bisita ay bibili ng pagkain at mga gamit at ido-donate
ang pera sa isang mahirap na lugar sa Pilipinas.
From the ideas
mentioned above you can even think of better ideas. Best of all, being kind
always with our words and actions to one and all would be the best gift we can
give all year round not only on Christmas season.
Halina po at
tularan natin si Hesus by giving Himself to us every day sa bawat Misa na
ipinagdiriwang ng mga pari sa buong mundo, at higit sa lahat ay nagkatawang tao
Siya at nagpapako Siya sa Krus upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento