Ni Rey Ian Corpuz
Sa
mga nakaraang buwan, ang mga salitang “colonial mentality” ay matunog na
matunog sa mundo ng balita sa Pilipinas at sa mga talumpati ng ating Pangulong
Rodrigo Duterte. Ano ba ang salitang ito? Ang salitang kolonyal ay nagmula sa
salitang kolonya na ang ibig sabihin ay ang pagsakop at ang pamumuno ng isang
dayuhang bayan o bansa sa isang mas maliit o mahinang bansa upang kontrolin
nito ang ekonomiya, militar, pananalapi, kultura at iba pa.
Sa
kasaysayan, ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya sa loob ng 400 na taon.
Sumunod nito ang mga Amerikano noong 1898 noong ibinenta tayo ng Espanya ayon
sa Treaty of Paris. At sumunod naman ang mga Hapon noong World War II hanggang
1945.
Pagkatapos
nito mas naging malapit ang mga Pilipino sa mga Amerikano dahil marami silang
naitulong sa atin, unang-una, ang sistema ng ating edukasyon, istilo ng
gobyerno, pamamahala, pananalapi, komersiyo at iba pa.
Dahil
sa impluwensyang ito, mas naging bihasa tayo sa wikang Ingles kaysa sa ating
sariling wika. Simula’t sapol, hindi man lang napagtuunan na dapat ang mga
bagay sa wikang Ingles ay dapat may katumbas na salita sa Filipino. Ang ating
Konstitusyon, mga nasusulat na batas, ang paglilitis sa korte at hudikatura,
pananalapi, edukasyon at halos lahat ng aspeto sa buhay ay may bersyon sa Ingles.
Ano
ba ang naging epekto nito sa atin? Marami. Ang mga Pilipino ay nasanay na
nakasandal sa mga Amerikano. Hindi natin napagtuunan ang paglinang ng ating
kultura dahil masyado tayong nakatutok sa kung ano ang uso sa ibang bansa.
Wala
tayong masasabing totoong tradisyonal na mga laro o sports maliban sa arnis.
Ang sungka, saranggola, holen, at iba pa ay nagmula sa bansang Tsina dala ng
mga sinaunang nangangalakal. Hamak na tinatangkilik ng mga Pinoy ang American
drama series at Hollywood movies.
Noong
bata pa ako, naaalala ko na may mga komiks akong binabasa sa wikang Filipino.
Dahil doon ay mas natuto akong magbasa sa wikang Filipino. Ngayon, wala na
masyadong nagbabasa ng komiks. Mas pinapakinggan na rin ang mga usong kanta sa
Amerika kaysa OPM. Kung ano ang teknolohiya sa Amerika ay dapat gagamitin din sa
Pilipinas.
Puro
na lang lahat nakadepende sa Amerika. ‘Pag sinabi ng Amerika, sunod kaagad ang
mga Pilipino.
Ito
ang kolonyal na pag-iisip.
Wala
ba kayong napansin? Ang ating bansa sa kabuuan ay isang “consumer country”
lamang. Wala tayong sariling kakayahan sa agham at teknolohiya para gumawa ng
mga bagay-bagay. Ang mga sasakyan natin ay halos lahat imported. Bakit ang
ibang maliliit na bansa ay may sariling car industry?
Ang
bansang Hapon ay bumangon pagkatapos ng pagkatalo sa digmaan. Kasama nila ang
Amerika sa pagbangon pero kahit kailanman ay hindi naging “dependent” ang mga
Hapon sa mga Amerikano. Nakagawa sila ng mga sasakyan kahit pa man may Ford o
Cadillac ang Amerika noon. Ang mga Hapon ay tinatangkilik ang Mizuno kahit pa
man mas sikat ang Adidas o Nike. Matatag ang kanilang industriya sa pelikula at
musika. Kahit pa man sabayan ng Hollywood film ang kanilang mga palabas o ‘di
kaya ay bibisita si Ariana Grande sa Japan, ‘di hamak na mas malaki pa rin ang
kita ng kanilang mga pelikula at mga musikero.
Ang
kolonyal na pag-iisip ay tila isang sakit na kumakain sa kamalayang Pilipino. Kaya
karamihan sa atin ngayon, lalo na ang media, ay pilit na hinahanapan ng “Filipino
link” ang mga sikat. Halimbawa, may isang nakakuha ng gold medal na
Singaporean, gagawan kaagad ng artikulo na dahil ang yaya ng naka- gold medal
na Singaporean ay isang Pilipino. May isang magaling na kumanta sa isang sikat
na talent show sa Amerika at UK, hahanapan kaagad ng link na may dugo itong
Pinoy.
Ang
mga bagay na ito ay isang pruweba na uhaw na uhaw ang mga Pilipino sa
pagkilala. Bakit? Dahil ito sa mahabang panahon ng colonial mentality. Gumising
na po sana tayo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento