Ipinagdiwang kamakailan
ng Toyota Motor ang ika-50 taong anibersaryo ng isa sa pinaka-popular at pinakamatagumpay
na sasakyan sa automaker industry. Ang first generation Corolla ay isang
sub-compact family car mula 1966 hanggang 1991 at hanggang ngayon ay
tuluy-tuloy pa rin ang produksyon ng mga mas makabagong modelo nito. Matatandaang
unang ipinakilala ito sa merkado sa bansa noong Nobyembre 5, 1966.
Nagsimula ang pagbuo nito
sa huling bahagi ng 1950s kung saan unti-unti nang nakakabangon ang ekonomiya
ng Japan mula sa World War II. Naging inspirasyon sa pagpapangalan dito ang
Toyota Crown (1955), na isang mid-size luxury sedan. Ang kahulugan ng pangalang
Corolla na salitang Latin ay “small crown.”
Isang abot-kayang
sasakyan para sa bawat karaniwang pamilya. Ito ang pilosopiya ng mga automakers
lalo na’t noong mga panahong iyon ay wala pang sasakyan ang karamihang mga tao.
Kasabay nito, maraming mga Japanese ang naghahangad noon na magkaroon ng
tatlong mahahalagang bagay — cars, color
televisions at coolers o ang binansagang 3Cs.
Aircraft
aerodynamics
Mula sa karanasan ni
Tatsuo Hasegawa sa pagdidisenyo ng mga sasakyang panghimpapawid, naisip niyang
gamitan ng aircraft aerodynamics ang orihinal na Corolla. Tinawag na
“80-plus-points” ang konsepto nito sa Corolla na layuning magbigay ng higit sa
pangkaraniwang klase ng sasakyan.
Partikular na tinukoy din
ang “sportiness” element nito sa kabila ng pagiging isang family car. Dagdag pa
rito ang 1,100cc engine na mas malaki sa mga kasabayan nito at four-speed manual transmission na pinapagana ng floor
gearshift sa halip na ang nakasanayang 3-speed noon.
New age of automaking
Mabilis
na umangat sa industriya ang Corolla sa unang labas pa lang nito at kinikilala
na isa sa bestselling cars sa buong mundo. Naabot nito ang peak sales na
400,000 noong 1973. At mula 1966, may tinatayang 44.3 milyong Corollas na
hanggang nitong pagtatapos ng Setyembre ang nabili sa iba’t ibang panig ng
mundo.
Naging
mahigpit man na katunggali nito ang Nissan Sunny at Honda Civic, nagharing
top-selling model sa bansa ang Corolla sa loob ng 33 taon.
The Toyota Corolla now
Tradisyon
ng Toyota ang patuloy na pagpapakilala ng mga makabagong teknolohiya sa bawat
edisyon ng Corolla na ipinakikilala sa publiko kagaya na lang ng 50th
Anniversary Edition ng Toyota Corolla at Corolla 2017. Ginagawa ang sasakyan sa
15 bansa at mabibili sa 150 bansa.
Sa
kasalukuyan ay nasa 11th generation na ito — Corolla Axio (sedan) at
Corolla Fielder (wagon) sa bansa na unang lumabas noong 2012, at ginagawa ng
Toyota subsidiary Central Motors sa Miyagi prefecture.
Bagaman
nakuha na ng Fit hatchback ng Honda Motors ang trono noong 2002 at sumusunod na
lang sa Toyota Aqua at Toyota Prius hybrid models sa domestic sales, nananatili
naman itong top-selling car sa Amerika na pumapangalawa sa Toyota Camry ngayong
taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento