Aniya, dalawa ang kahulugan ng titulo ng naturang
album, “to emit light naturally” at “punk-like.” Tampok din sa album ang
collaborations ng singer sa mga kantang binuo nina H Zett M (H Zettrio), Aida Shigekatsu, AxSxE, Tsutaya Koichi, Kishida Shigeru (Quruli), at Siamese Cats na naging bahagi rin ng recording.
Naglalaman ng 12 tracks ang album kabilang ang
previously-released single na “Egg,” Kracie’s Naive skin care CM song na “Koiwazurai no Buta,” ang Microsoft tie-up song na “Box” para sa Surface Book,
“There is Love”, “Bokutachi no Uta,” “The Sixth Sense,” “Show Time,” “Punky,” “Obake
Nante Naisa,” “Suki,” “Himawari” at bonus track na “Happy na Happi.”
Kaela presents Punky Tour 2016-2017
Kasabay
din ng paglabas ng album ang pag-uumpisa ng kanyang “Kaela presents Punky Tour
2016-2017 – Studs Tour” sa isang two-night concert sa Akasaka Blitz (Tokyo) na
sinundan ng Hiroshima Club Quattro (Oct.24), Niigata Lots (Oct. 26), Sapporo Penny Lane24 – Hyogo (Nov.11), Diamond Hall – Aichi (Nov.14),
Chicken George – Hyogo (Nov.16), at Namba Hatch – Osaka (Nov.17).
Magpapatuloy
ito sa “Diamond Tour” pagdating ng Toda-shi Bunka Kaikan - Saitama (Enero 28), Denryoku Hall – Miyagi (Enero
29), Kanazawa-shi Bunka Hall – Ishikawa (Pebrero 5), Kanagawa Kenmin Hall (Pebrero
11), Aichi-ken Geijutsu Gekijou (Pebrero 25), Fukuoka Convention Center (Marso
1), Tokyo International Forum (Marso 3), Seiyo-shi Uwa Bunka Kaikan – Ehime (Marso
5), at magtatapos sa Festival Hall – Osaka (Marso 6).
Debut in modeling and hosting
Noong
anim na taong gulang siya, nai-scout siya bilang hair model sa Harajuku at
nagsimulang lumabas kalaunan sa mga fashion magazines habang nag-aaral. Aniya,
inspirasyon niya sina Gwen Stefani at Tim Armstrong ng Rancid at naging
miyembro ng punk-melocore band na Animo gamit ang pangalang Katie.
Taong
2002 nang maging exclusive model ang Japanese-British na si Kimura sa Seventeen
magazine at nasundan ito ng kanyang television debut nang maging host ng
morning TV show na “Saku Saku” sa sumunod na taon. Ang debut single niyang
“Level 42” ay ginamit sa end credits ng naturang show na unang inilabas na 390
copies lamang. Nire-release ito ng Columbia Music at umakyat agad sa #15 sa
Oricon weekly charts.
Dumating
ang second single na “Happiness!!!” na ginamit naman sa lip care products ng
Rohto Pharmaceuticals na nag-chart din sa Oricon bago ang kanyang self-titled
debut album na nag-peak sa #7 sa Oricon.
Rise in the industry, marriage
Naging
breakthrough hit niya ang Vodaphone CM song na “Real Life Real Heart” (2005) na
pinakamataas ang naabot sa Oricon sa kanyang mga naunang singles. Pumangalawa
naman kay Koda Kumi ang second album niyang “Circle” (2006) hanggang sa maabot
niya ang #1 sa third album na “Scratch” sa unang pagkakataon.
Simula
dito, sunud-sunod na ang mga Oricon charting singles at albums ni Kimura gaya
ng “Magic Music,” “+1,” “Banzai,” “Pokka,” “Hocus Pocus,” “Ring a Ding Dong,” “A winter fairy is
melting a snowman,” “8EIGHT8,” at “Mamireru.”
May 22 singles ang
singer, dalawang best albums, isang cover album, apat na digital singles,
pitong DVDs, at mga compilations. Napanood din siya sa pelikula at musicals.
Taong 2010 naman nang
magpakasal siya sa actor na si Eita at ngayon ay may dalawa na silang anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento